910 Ang apelyido ko ay Nie

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngumisi si Si Ming Li nang makita niyang walang pakialam si Ye Wan Wan. Natatawa pa rin ang babaeng ito kahit nasa ganitong kalagayan na siya, huh?

"Fourth uncle, naghanda ka talaga para dakpin ako - ito na ang pangatlong beses na nagpadala ka ng mersenaryo para kunin ako, tama?" sabi ni Ye Wan Wan.

Mga C-rank mercenaries ang pinadala niya noong una; ala na niya agad na si Si Ming Li ang may kagagawan nito. Sa pagkakataon na iyon, nakatakas siya dahil sa tulong ng lalaking may maputing buhok.

"Pangatlong beses?" Nabigla si Si Ming Li sa sinabi ni Ye Wan Wan.

Dalawang beses pa lamang siya nagpadala ng mga mersenaryo at kasama dito ang C-rank mercenaries. Kailan ang pangatlong pagkakataon na nagpadala siya ng mga mersenaryo?

"Dalawang beses pa lamang kita sinubukang dakpin. May ginalit ka na naman siguro kaya may umatake sayo na ibang tao - hindi ako ang gumawa ng pangatlong pag-atake." ngumisi si Si Ming Li.

Tulad ng inaasahan, napakunot si Ye Wan Wan.

Tinesting niya lamang si Si Ming Li nang sinabi niya iyon. Wala na siyang rason para magsinungaling dahil nasa kamay na siya ni Si Ming Li.

Tama ang inaakala niya - walang kinalaman si Si Ming Li noong niligtas siya ng lalaking may mahabang buhok.

Sino kaya ang may pakana ng pangatlong padakip sa kanya kung hindi si Si Ming Li...

"Oo nga pala, anong gagawin natin sa lokong bata na ito na biglang sumulpot sa house of Rose?"

"Patayin mo ang bata," hindi na nagdalawang isip si Si Ming Li.

"Patayin ang bata?"

Nabigla ang ilang mga mersenaryo nang marinig nila ang sinabi ni Si Ming Li.

Hindi pa sila pumapatay ng bata noon at ang bata ito ay may edad na apat hanggang limang taong gulang...

Lumapit si Si Yi Qian sa kamera at tiningnan niya ang bata na nasa loob ng kulungan at natawa siya. "Alam niyo naman na bawal lumabas ang impormasyon sa ginagawa natin; mas mainam nang tapusin natin ang kaguluhan na ito. Wala kayong makukuha na sentimo kapag nasira at nagkamali pa ang misyon na ito."

"Sige."

Tumango ang mersenaryo at naglabas siya ng kutsilyo at binuksan niya ang kulungan.

"Huwag! Ako ang target niyo. Walang kinalaman ang batang ito at hindi ko rin siya kakilala - imbestigahan niyo pa kung gusto niyo!" nagalit si Ye Wan Wan at pasimpla niyang tinatanggal ang tali na nakapalupot sa kanyang mga kamay.

Ngayon niya lamang nalaman na hindi talaga nila intensyon na dakpin ang batang ito. Kinuha nila ang batang ito dahil nakatayo ang batang ito sa lugar na iyon.

Kinuha na nila ang batang ito bago pa siya makapagsalita.

Manhid ang itsura ng batang lalaki habang nakatingin siya kay Si Yi Qian sa video call at kanyang sinabi, "Padalos-dalos at bulag."

Nabigla si Si Yi Qian nang marinig niya ang sinabi ng batang lalaki. "Anong sinabi mo, bata?"

"Sa buong buhay ko, ito ang pinaka unang beses na may isang walang hiya na gusto akong patayin," sabi ng batang lalaki at sinigurado niyang nakadiin ang bawat salitang sinambit niya.

Kakaiba ang ekspresyon sa mga mukha nila Tang Bin at Song Qiang dahil inaalam nila kung mahihimatay na ang master nila. Masyado bang maraming palabas ang pinapanood ng batang ito? Akala niya ba laro ito?

Tumawa si Si Yi Qian at umiling ang kanyang ulo. Ito ang unang beses na nakakita siya ng isang kakaibang bata.

"Patayin niyo siya," inutos ni Si Yi Qian dahil ayaw na niyang aksayahin ang oras niya para kausapin ang batang ito.

Gayunpaman, makikita ang kakaiba at manhid na ekspresyon sa mukha ng batang lalaki. "Bago pa kayo gumalaw… ang apelyido ko nga pala ay Nie."

"Nie?"

Nabigla ang lahat sa sinabi ng batang lalaki. Anong ibig sabihin niya doon?

Kumalma si Ye Wan Wan na pasimpleng tinatanggal ang tali sa kamay niya nang marinig niya iyon. Nie...

avataravatar
Next chapter