354 Ang anunsyo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napahiya si Ye Mu Fan kaya wala na siyang pakialam sa gagawin ni Ye Wan Wan, pinanood niya na lamang ang kanyang kapatid na umakyat sa taas ng entablado kung saan naroroon sila Gu Yue Ze at Ye Yiyi.

"Sabi na eh, mababaliw siya kapag nakita niya ulit si Gu Yue Ze! Naniniwala na ba kayo sa akin?" May bakas ng lungkot ang nakatago sa nandidilim na mga mata ni Ye Mu Fan, halos mamuti ang mga daliri niya sa sobrang higpit ng kanyang mga kamay.

Kung hindi dahil sa sira ulong si Gu Yue Ze, hindi siguro masisira ang relasyon niya sa kanyang kapatid...

Binalot ng pag-aalala ang mga mata ni Liang Wan Jun habang tinitignan niya ang kanyang anak. "Wag mong sabihin ang mga bagay na yan tungkol kay Ye Wan Wan, Mu Fan. Malaki ang pinagbago niya, naniniwala ako na hindi magiging malupit…"

Nagbuntong hininga si Ye Shao Ting dahil wala siyang masabi. Kahit mawalan man ng kontrol ang anak niyang babae, hindi niya ginapanan ang kanyang abilidad na bigyan ng kaligayahan ang kanyang anak bilang isang tatay, kaya wala siyang karapatan para sisihin o pigilan si Ye Wan Wan.

Nang mapansin nila ang naka pulang babae na umaakyat sa entablado, lumipat ang tingin ng lahat papunta sa babaeng iyon.

Totoo naman na ang itsura ni Ye Wan Wan ay nakakaakit--kahit saan siya pumunta, makukuha niya ang atensyon ng kahit sino.

Tiningnan si Gu Yue Ze ang babaeng dahan-dahan na naglalakad papunta sa entablado at unti unti ring lumalamig ang kanyang ekspresyon.

Kung magiging patas lang, binago ni Ye Wan Wan ang impresyon ni Gu Yue Ze sa kanya ngayong araw, pero hanggang doon lang iyon--hindi niya pakakasalan ang isang walang kwentang babae na anak ng inabandonang anak na lalaki ni Ye Hong Wei.

Ang tipo ni Ye Wan Wan ay pwedeng girlfriend o sex partner lang, kaya hindi siya nararapat na maging asawa.

Kahit nagalak si Gu Yue Ze bilang lalaki sa pangungulit sa kanya ni Ye Wan Wan, masyado niyang sinobrahan ito hanggang sa naging nakakairita na, lalo na ngayon na importante ang okasyon.

Lalong lumapit si Ye Wan Wan, mabilis na hinila ni Gu Yue Ze sa gilid si Ye Yiyi para protektahan niya, mukhang handa siyang makipaglaban habang naka-gwardya siya. "Pangalawang nakababatang mistress Ye, may problema ba?"

Unti-unting lumabas ang ngiti sa kaaya-ayang mukha ni Ye Wan Wan nang magalang niyang sinabi, "Mr. Gu, pwede ko bang makuha ang mikropono, please?"

Ang ngiti niya… itsura ng puso na may kagalakan… binibighani ang lahat ng nabubuhay...

Habang naririnig ang tunog ng ariconditioning sa buong lugar, kahit si Gu Yue Ze ay biglang na blangko hanggang sa biglang nanliit ang malamig niyang mga mata, ang itim niyang mata ay nakatingin sa babaeng kaharap niya ng puno ng suspetya.

Nakatayo lang si Ye Wan Wan at hindi nagsasalita, naghihintay lamang siya.

Sumabog ang mga manonood sa kanilang nakakapanabik na mga tsismis.

"Wow! Yung luma at ang bagong girlfriend ay nasa iisang entablado! Nakakapanabik naman ito!"

"Ano na namang kaguluhan ang gagawin ni Ye Wan Wan ngayon?"

"Hindi kaya aamin siya na mahal niya pa si Gu Yue Ze? Pwedeng iyon, o di kaya papahiyain niya ang kanyang sarili! Ginagawa niya naman na iyon noon!"

...

Halos pumanget ang itsura ni Ye Hong Wei nang makita niyang umakyat ng biglaan si Ye Wan Wan sa entablado, gusto niyang mag-utos ng tao para pigilin siya pero pinasa na ni Gu Yue Ze ang mikropono kay Ye Wan Wan.

"Salamat." Kinuha ni Ye Wan Wan ang mikropono at taos-puso siyang nagpasalamat.

Mukhang hindi interesado si Gu Yue Ze sa sasabihin niya at wala aiyang naging komento na kahit ano.

Dumungaw si Ye Yiyi at nag-aalala niyang tiningnan si Gu Yue Ze. Binigyan siya ng katiyakan ni Gu Yue Ze nang tingnan niya rin si Ye Yiyi.

Ayaw niyang pigilan si Ye Wan Wan kung gusto man nitong gumawa ng eksena. Bagkos, kapag lalong nanggulo si Ye Wan Wan, lalo rin niyang ika-papanalo ito...

"Mga kagalang-galang na bisita, kaibigan, salamat sa pagdalo niyo ngayong araw…" sinimulan ni Ye Wan Wan ng maayos na pakikitungo ang sasabihin niya. 

avataravatar
Next chapter