93 Ang aking gwapong kasintahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ang sinabi ni Xu Yi, hindi agad muna inalam ni Ye Wanwan at agad na itong nag reklamo, "Maswerte ka at dumating ka agad sa oras, kung hindi, baka girlfriend na ako ng iba. Gumawa kami Ling Dong ng kasunduan; na kapag hindi ka nagpakita at nalaman niyang ako ay nagsisinungaling lang, ako ay kailangan pumayag na maging girlfriend niya…"

Pakalat na ang lamig sa mga mata ni Si Ye Han bago pa mag patuloy na magsalita ang babae nang mayroong tuwa at sabik sa kanyang mga boses " Simula ng nangako ka, alam ko na magpapakita ka kaya pumayag ako sa kasunduan ng hindi gaanong iniisip iyon! Sa reaksyon palang ni Ling Dong, malamang siya ay sumuko na sa mga oras na ito, hindi hamak na mas gwapo ang kasintahan ko! Matatalo mo sya sa beauty contest kahit na nakasuot ka lang ng medyas!"

Malugod niyang pinakikinggan ang babae, at ang mga nanlalamig na mga mata ni Si Ye Han ay agad na natunaw; at halata naman ang ginawang pag sipsip ni Ye Wanwan ay pandadaya.

Ang mga mata ni Xu Yi ay natatakpan na ng mga luha ang kaniyang mukha ng pinapakinggan niya ito.

Kahit na medyas lang ang suot nya? My lady, kung sinabi mo lang ng mas maaga hindi sana tayo nahihirapan ngayong gabi!

At sa wakas nainitindihan na niya nasa dinami dami ng mga papuri sa kanya wala ng hihigit pa sa papuri na "gwapo" galing sa babaeng ito.

Ang restaurant ay hindi naman gaano ka layo sa paaralan kaya nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.

Tumalon si Ye Wanwan sa likuran ng lalaki, "Nandito na ako!"

Umikot ang lalaki at tinignan ang babae sa kaniyang harapan, ang kanyang pakikitungo ay naging malamig ulit.

Naramdaman ni Ye Wanwan na para bang March_overcast at hindi maipaipaliwanag ang kalagayan nito.

Kasabay nito, sa maliit na halamanan malapit lang sa kinaroroonan ni Ye Wanwan at Si Ye Han, nakatayo ang dalawang estudyante: Isang lalaki at babae.

Malambing at mukhang mabait ang babae, suot ang kulay rosas na palda at may dala dalang kahon na nakabalot sa papel. Mahinhin siyang nakatayo sa harapan ng lalaki, "Si… Si Xia… Gusto kita… Ako nga pala ang mag gawa nitong mga tsokolate… sana masgustuhan mo itong gawa ko…"

Ang lalaki ay nakatayo suot ang pantulog na mas malaki sa laki niya na para bang lumabas lamang ito bago matulog. Ngunit hindi naman ito nakabawas sa kanyang kagwapuhan, sa halip, siya ay mas nag mukang kaswal at hindi nalalayo sa karaniwan, na nagpakilig sa babae.

At sa mga oras na iyon, ang kagwapuhan ng lalaki ay kayang makaakit ng babae kahit na mukhang walang pakialam at hindi interesado ito, may kislap ng pagkainis, "Hindi ako malihig sa matamis."

Namutla ang mukha ng babae. Siya ay umarteng parang walang narinig, "Sige… kung ganon gagawa na lang ako ng iba sa susunod…" nagsusumamong sabi nito.

"At hindi kita gusto."

Pagkatapos magsalita ng lalaki, walang alinlangan niyang iniwan ang babae.

Habang nag lalakad ito pabalik sa dorm, Bigla siyang ay may narinig na pamilyar na boses --- "Nandito na 'ko!"

Napahinto si Si Xia at walang kamalay malay nitong pinuntahan ang pinang gagalingan ng boses.

Ye Wanwan?

Nakakunot ang kilay ng lalaki at ito ay naka tago ng anino. Tumingin siya sa pagitan ng mga sanga at nakita niya malapit sa ilalim ng mga streetlights na nakatayo si Ye Wanwan na may kausap na lalaki.

Nakatalikod ang lalaki sa kanya at tanging malabong anyo ng tao ang nakita niya, ngunit isang tingin lamang, nag bago agad ang itsura ni Si Xia.

Si Ye Han!

Paano nangyari ito?

Ang mukha ni Si Xia ay nabablot ng pangamba at takot. Patuloy niyang pinapanuod si Ye Wanwan na tumitingkayad at bahagyang hinalikan ang lalaki sa pisnge, "Goodnight!"

Umalis na siya at tumalikod habang kumakaway sa lalaki.

Sa mga oras na iyon, ang payat at malamig na anyo ay humarap at inunat niya ang kaniyang mga kamay at sinunggaban ang babae upang ito ay hindi na makalayo. Niyakap siya nito at madamdamin siyang hinalikan ng lalaki...

Nang mapatingin si Si Xia sa mukha ng lalaki, sa laking gulat nito hindi na siya nakagalaw sa pagkakatayo...

avataravatar
Next chapter