375 Ang agimat ni Si Ye Han para sa madaling kamatayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan.

Matapos umalis ni Si Ye Han, tinawagan ni Ye Wan Wan si Xu Yi.

"Hello, Miss Wan Wan?" nagtaka si Xu Yi kung bakit napatawag si Ye Wan Wan ng ganito kaaga.

"Kamusta yung kalusugan ng master mo?" pagderetso sa punto ni Ye Wan Wan.

"Eto…" hindi naintindihan ni Xu Yi ang intensyon ni Ye Wan Wan sa pagtatanong at nagdududa siyang sagutin ito.

"Malala ba talaga?" pagsimangot ni Ye Wan Wan.

Maingat si Xu Yi sa pagpili ng kanyang mga sasabihin. "Hindi maganda… nasaktan ng 9th master ang sarili noong bata pa siya at hindi pa din siya gumagaling sa dati niyang sakit. Tsaka, mas lumala pa ang kondisyon niya dahil sa insomnia niya. Noon, nang kinita ng milagrong doktor Sun si 9th master at buong katiyakan niyang sinabi na…"

"Buong katiyakang sinabi ano?"

"Na kapag nagpatuloy pa ng ganito ang 9th master, unti-unting hindi kakayanin ng katawan niya ito…" buong tapat na sinabi ni Xu Yi.

Dapat malaman na ni Ye Wan Wan matapos ang dalawang taong kasama si Si Ye Han, pero baka hindi na siya makapag-antay sa kamatayan ng 9th master, o magkaron ng pake sa kanya.

Agad na napatahimik si Ye Wan Wan. Tulad nga ng inaasahan, katulad ng kondisyon ni Si Ye Han ngayon ang kondisyon niya sa nakaraang buhay ni Ye Wan Wan.

Sa labas, parang walang problema si Si Ye Han - hindi niya pinapakita ang mga emosyon niya, o ang mga sakit.

Pero ang totoo ay puno ng sakit ang buong katawan nito.

Nang magkahiwalay na sila ni Si Ye Han, sa sobrang hina niya hindi na siya makapagpanggap pa. Pag nasa labas siya, lagi siyang nasa wheelchair at mas naging bihira na lang makita ni Ye Wan Wan ito.

"Paano pag maayos ang pagpapagaling niya?" tanong ni Ye Wan Wan.

Napaisip ng sandali si Xu Yi. "Yan… hindi ako sigurado… masyadong madaming gawain ang 9th master; kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya, sa kumpanya at mapanatili ang kapangyarihan niya sa ibang lugar. Kailangan siya. Dagdag pa ng kanyang sleeping disorder… halos imposible na magiging maayos ang pagpapagaling niya…"

"Sige, nakuha ko." ibinaba na ni Ye Wan Wan ang tawag.

Sumandal si Ye Wan Wan sa pansulihiyang upuan na nasa balkonahe at tulirong napatigtig sa may labas ng bintana, unti-unting naaalala ang mga trahedyang pangyayari sa nakaraan.

May mga bagay na pinipigilan niyang isipin pero hindi niya pa din… matakasan ang mga ito...

Kung hindi siya nagkakamali sa kanyang alala, ilang araw mula ngayon, pangungunahan ni Si Ye Han ang mga piling mga grupo mula sa kumpanya ksama ang pinakapaunang saliksik at development equipment sa country B para makipagkasunduan sa mahalagang kasosyo. Habang papunta sila sa country B, mananakawan si Si Ye Han. Hindi lang siya nawalan ng madaming tauhan, pero pati ang equipment ay ninakaw din. Malubha ang magiging pinsala ni Si Ye Han dahil dito.

Naalala niya na muntik ng mabawian ng buhay si Si Ye Han sa pagnanakaw na naganap - ilang buwan siyang nasa kama lang dahil dito at mas lumala pa ang paghihina ng kanyang katawan.

Naging agimat ni Si Ye Han para sa madaling kamatayang ang mga malalala niyang mga sugat noon.

Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung mangyayari ulit ang insidenteng ito sa kasalukuyan niyang buhay.

Kapag nangyari ito, kahit ano pang pagpapagaling niya, baka hindi na gumaling ang kanyang katawan.

Napailing si Ye Wan Wan at inalis ang mga walang kabuluhang iniisip niya sa kanyang utak.

Baka magiging iba ang mga bagay sa buhay na 'to?

Gayunpaman, hindi niya naririnig ang pagbanggit ni Si Ye Han na pumunta sa B country anumang oras ngayon.

Ang sumunod na isyu na kailangan niyang alalahanin ay si Luo Chen...

Napabuntong-hininga muli si Ye Wan Wan at nilabas ang kanyang phone para tawagan si Luo Chen. Sa huli, walang sumagot ng tawag.

Matapos na tumawag siya ng pangalawang beses, wala pa ding sumagot, pero nagpadala ng mensahe si Luo Chen na nagsasabing nasa training siya ngayon at hindi niya masasagot ang tawag ni Ye Wan Wan ngayon.

Parang natakot talaga siya...

Bahala na, papakalmahin ko na lang muna siya.

Kung na-trigger si Luo Chen sa ganitong maliit na bagay, lahat ng ginawa niya hanggang ngayon ay mapupunta lang sa wala.

Inaral mag-isa ni Ye Wan Wan ang script buong araw at 'di namalayan na lumubog na pala ang araw.

Tumunog ang kanyang phone--isang mensahe mula kay Si Ye Han na nagsasabing may nangyari sa kumpanya at hindi niya na kailangan pa itong hintayin para sa hapunan.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang text at sumimangot--gagabihin ka na naman sa trabaho?

avataravatar
Next chapter