513 Ang abusadong panig

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumagsik ang epekto ng alak sa kanya. Naging itim na anino ang mga tao sa paningin ni Ye Wan Wan dahil sa sobrang hilo niya. Nawala ang tamang pag-iisip niya kaya basic instincts na lamang ang natira.

Sumabog ang init sa buong katawan niya, sinira nito ang konsensya niya at kumawala siya sa kanyang pagkakagapos...

Tuliro siyang nakatayo sa iisang pwesto lamang at blangko ang kanyang itsura...

Ang imahe ng malakas na alon ang lumunod sa kanyang kaisipan na may humahampas sa kanyang alon habang may malakas na bagyo kaya nalunod siya...

Ang mundo ni Ye Wan Wan ay nilunod ng kulay crimson na pulang dugo...

Umalulong ang tunog ng kamatayan sa kanyang tenga...

Nakakapangilabot ang malakas na nakakamatay na awra ni Ye Wan Wan at halos manginig ang kaluluwa niya; parang isang malaking net na paliit ng paliit, unti-unti siyang pinapaluputan hanggang sa wala na siyang kawala sa kasamaan na bumabalot sa pag-iisip niya.

Patayin...

Patayin mo sila...

Ang kanina'y babaeng demonyo na nambugbog sa mga lalaki kanina ay naging si Ye Wan Wan na blangko ang istura at hindi pa kumikibo, tahimik lang siyang nakatayo sa iisang pwesto na parang diyos na bumababa sa lupa!!!

Nakatayo lamang siya sa iisang pwesto at wala siyang ginagawa, ngunit ang mga tingin niya ay nakakatakot kaya tumaas ang mga balahibo ni Song Jing.

Habang bumibilis ang tibok ng puso ni Song Jing dahil sa nakakasindak na tingin ni Ye Wan Wan, narinig niya ang nakakakilabot na sigaw ni Liu Ying: "Song Jing! TAKBO!"

Ano? Hindi ito naintindihan ni Song Jing.

Ngunit, huli na ang lahat.

Tulad ng isang matulis na espada na galing sa impiyerno ang babaeng ito, sumugod ang babae na parang may malakas na mga ungol ng demonyo ang sumabay sa kanya.

Binalot ng galit at nakamamatay na intensyon si Ye Wan Wan ngayon, kumpara sa kanina'y bored na pagbugbog niya sa mga tauhan kanina.

Para bang nawala ang kanyang kaluluwa at naging isang bayolenteng humanoid weapon siya na ang alam lang ay ang pumatay...

Ang buong pagkatao ni Song Jing ay binalot ng takot dahil nararamdaman niyang may destruksyon na mangyayari. Tameme siya noong una hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng isang malakas na suntok.

Hinampas ni Ye Wan Wan ang katawan ni Song Jing sa isang malamig, malaki at matigas na marble wall at dahil dito may narinig na malakas na "bang," nalaglag siya sa lapag pagkatapos siyang pakawalan ni Ye Wan Wan. Nanlambot ang buong katawan niya na parang isang manyika.

*Bleh——* lumiko patagilid ang ulo ni Song Jing at sumuka siya ng napakaraming sariwa na dugo.

Nabali ang kanyang sternum...

Sa isang galaw… binali ito ni Ye Wan Wan...

Namutla ang buong mukha si Song Jing. Balisa niyang tinitigan si Ye Wan Wan at nakita niya na si Liu Ying naman ang kaaway nito.

"Pfff——"

Nakita ni Song Jing kung paano umentra si Liu Ying hanggang sa sumuka ng dugo ang lalaki, at bago bumalik si Liu Ying sa kanyang malay tao, mabilis siyang inatake ulit ng babae - ginamit ni Ye Wan Wan ang kanyang palad at sinampal niya ang kanang braso ni Liu Ying...

"Ah——" umurong ng sampung hakbang patalikod si Liu Ying. Humampas ang katawan niya sa lamesa kaya nalaglag ang mga kristal nito sa buong lapag.

Bago pa makapag-react si Liu Ying, gustong nang kunin ng babae ang buhay niya tulad ng isang mamamatay na demonyo. Muli niyang tinapakan ang dibdib ni Liu Ying sa sandaling iyon.

Sobrang sakit ng dibdib ni Song Jing; alam niya kung gaano ka-brutal na makipaglaban si Ye Wan Wan at si Liu Ying ay lubha nang nasaktan sa isang sipa lamang ng babae. Patay na siguro si Liu Ying kapag sinipa ulit siya ni Ye Wan Wan!

"Kapitan——" lumaki sa pagkasindak ang mga mata ni Song Jing at dali-dali siyang sumugod kay Ye Wan Wan habang pinipigilan niya ang sakit sa kanyang katawan.

Ang mga mata ni Ye Wan Wan at nakatingin lamang kay Liu Ying. Gayunpaman, hindi niya kailanmang tiningnan si Song Jing noong sandaling iyon pero sinipa niya ang lalaki hanggang sa tumalsik ito sa ere.

Humiga si Song Jing sa lapag na para bang mamamatay na siya...

"Punyeta…" *cough cough…* malalang umubo si Liu Ying habang nakatingin sa babaeng nakatayo at naglalakad papunta sa kanya. Mabilis na ngumiwi ang kanyang mukha sa sobrang takot.

Anong… anong nangyayari?

Ginawa talaga iyon ng babaeng ito...

avataravatar
Next chapter