476 Andito naman na ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natutuwang nagpatuloy si Xiao Qing, "Nga pala, napromote si Ye-ge. Si Ye-ge na ang direktor ng departamento ng pagrecruit ng mga talento..."

Habang nakatungangang nakikinig si Luo Chen, may dalawang pares ng yabag na papalapit sa pintuan.

Ito ay si Ye Bai na bumalik sa opisina at nakasunod sa kanya si… Gong Xu!

Tapos na ma makeupan si Gong Xu. Ang kanyang buong pagkatao ay kumikinang at ang opisina ay naging masigla simula ng pumasok siya. "Hi~"

"Ah! Gong… Gong Xu!" nasabi ni Xiao Qing ng biglaan.

Kahit saan magpunta si Gong Xu, kumikinang ang mga bituin sa paligid niya kasama ng madaming mga bodyguard na nakapaligid. Kahit na nasa parehas na kompanya sila, hindi nakita ng assistant si Gong Xu ng sobrang malapitan. Ngyaong nakita na niya siya, sobrang saya niya na halos himatayin siya.

"Hello, little sweetheart, nagagalak akong makilala ka. Tayo ay pamilya na!" Matapos makita ni Gong Xu ang reaksyon niya, naging mayabang siya, lumalabas ang maliliit na pangil niya kapag ngumingiti siya,

Bahagyang umubo si Ye Wan Wan at hindi maiwasang tignan si Gong Xu, na nagpapahiwatig sa kanya na dapat na siyang tumigil.

Saka nagpakita si Gong Xu ng kaunting pagpipigil. Humarap siya kay Luo Chen, na tulirong nakaupo padin sa gilid at tinaas ang kanyang kilay. "Ye-ge, ito ba ang lalaking nasa ilalim ng iyong pangangalaga, Luo Chen?"

"En." tumango si Ye Wan Wan saka humarap kay Luo Chen at malumanay na sinabi, "Luo Chen, mag hello ka, naka pirma na upang magtrabaho sa akin si Gong Xu.

Kaswal na naka upo si Gong Xu sa may sofa. Nang makita niya si Ye Wan Wan na malumanay na kinausap si Luo Chen, nagkaroon ng hindi maipaliwanag na kabalisahan sa kanyang puso. Hinaplos niya ang kanyang baba at ngumisi ang kanyang labi. "Ye-ge, sayo naman na ako ngayon, kaya bakit mo pa kakailanganin ang lalaking ito? Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga lang sa akin sa hinaharap?"

Nang marinig iyon, si Luo Chen, na babati na sana kay Gong Xu, ay nanigas.

Ang mukha din ni Ye Wan Wan nag dilim din.

Masyadong kong minaliit itong si Gong Xu!

Kakasimula pa lang niya magtrabaho sa akin at ngayon pinapakita na niya ang tunay niyang ugali...

Kaagad na binigyan ni Ye Wan Wan ng babalang tingin kay Gong Xu, "Kung gusto mo pa din ituloy ang pagtatrabaho sa akin, ayaw ko na makarinig ng katulad nito kahit kailan."

Nakita ni Gong Xu na nagalit si Ye Wan Wan, kaya matulin niyang ipinakita ang kanyang signature smile, "Ye-ge, wag kana magalit, nagbibiro lang ako~"

Hindi pa din mukhang natuwa si Luo Chen at naging matumal din ang kanyang mukha.

"Ye-ge, tara kain tayo mamaya! Isipin mo na lang na isa itong selebrasyon ko sa pagsali sa grupo!" ipinahiwatig ni Gong Xu ng walang pagkataranta.

Inaayos ni Ye Wan Wan ang paglipat ng mga trabaho mula kay Gong Xu nang siya ay sumagot, "Sa ibang araw! May mga papeles pa ako na kailangan kong ayusin!"

"Busy ka hanggang gabi?" tanong ni Gong Xu.

Sumagot si Ye Wan Wan ng hindi tumitingin, "May plano na ako ngayon gabi."

"Anong plano?" tanong ulit ni Gong Xu, ayaw sumuko.

"Date kasama ang girlfriend ko," sagot ni Ye Wan Wan.

"Oh…" sa wakas ito ang nagpatahimik kang Gong Xu. matamlay ang itsura niya na para bang isang bata na hindi binigyan ng candy.

Ilang oras na ang nakalipas sa isang iglap at nagsimula ng dumilim ang kalangitan.

Oras na din para umalis nang makita ni Ye Wan Wan, kaya kaagad niyang isinalansan ang kanyang mga gamit saka umalis ng kumpanya.

Mula ng nagsimula siya sa Dazzling sa pamamagitan ng pag lutas ng krisis ni Han Xian Yu hangang sa pag pirma ni Luo Chen sunod ay ang matagumpay pagtulong kay Luo Chen na makuha ang supporting role sa "Terrifying Dragon" sequel at ngayon, nakakagulat na nagawa niyang mapatumba si Zhou Wen Bin, ang dakilang kaaway niya , at pati ang pagpirma ni Gong Xu… ang layo na ng narating niya.

Matapos ipanganak muli, matagal na siyang nagbigay na ng sobrang effort at hard work at umaayon ang mga bagay bagay...

Sa mga sandaling ito, talagang gusto niyang ibahagi ang balita sa iba.

Sa isang iglap, ang tao na pumasok sa kanyang isip ay hindi inaasahan ang anyo sa gabing mahangin…

avataravatar
Next chapter