975 Anak namin siya ni Ah-Jiu

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pakiramdam ni Lin Que na parang natamaan siya ng kidlat saka hindi kapani-paniwlang nagtanong, "napunta ba ako sa hinarap? O nahulog ako sa isang magkahilerang dimensyon? Bakit may anak na si 9th brother? Hindi ito maaari! Hindi iyon ang 9th brother ko, paanong magsusuot ng ganyan ang aking 9th brother, na may ganyang bagay sa kanyang damit…"

Biglang tinaas ni Ye Wan Wana ng kanyang kamay upang sumagot, "isang maliit na baboy iyan."

"Uh… maliit na baboy iyan… bwisit, hindi iyon ang punto, okay?" lalong nalito si Lin Que.

Tumawa si Ye Wan Wan habang siya kumaway upang batiin ang dalawa. "Tagal ko kayong hindi nakita ah!"

Winalis ni Xie Zhezhi ang kanyang mata sa tatlo. "Ang tagal na nga din… nagyon na may anak na kayong dalawa…"

Kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan ng siya ay magpatuloy sa kanyang sinabi. Talagang matagal na panahon ng hindi niya nakita si Lin Que. bilang parakay Xie Zhezhi, kamakailan lang nakita niya ng ikulong siya ni Si Ming Li sa madilim na silid.

Ang dating Si Ye Han sa dati niyang buhay ay laging mag-isa na walang kahit anong kaibigan at hindi niya pinagkakatiwalaan ang kahit na sino, kahit na si Xu Yi.

Ang tanging mga eksepsyon ay sina Lin Que at Xie Zhezhi na bumisita sa Jin garden noon, ngunit ilang beses lang sila nagpakita. Ipinalagay na lang nila na sila ay magkakilala lang sa trabaho-kaysa sa pekeng pagkakaibigan.

Lalo na si Xie Zhezhi, na isang artist mula sa industriya ng entertainment at tinitingala ang kanyang sarili bilang isang regalo mula sa langit para sa mga babaeng nasa lupa. Hindi mahalaga kung paano niya siya tignan, siya ay hindi masyadong nababagay sa kahit anoang pangmatagalang pagkakaibigan kay Si Ye Han.

Masyadong desperado si Lin Que at mamatay ng walang tsismis, ngunit siya ay maraming nalalaman pagdating sa paggawa ng koneksyon kahit saan. Kung magkaibigan lang si Si Ye Han at Lin Que, mas makabuluhan iyon.

Gayunpaman, ang dumating sa kanyang pagliligtas ay ang talagang hindi manlaman na si Xie Zhezhi.

Hindi nakapagsalita si Lin Que. "Pakiusap! Hindi na mahalaga kung gaano na katagal simula ng magkita tayo, hindi mo padin magagawang manganak sa ganito kalaking bata! Ano ba ang ginagawa mo, Ye Wan Wan? Saan mo ninakaw ang batang ito?"

Ng marinig ni Nie Tang Xiao ang sinabi ni Lin Que, nagdilim kaagad ang mukha niya.

Kaagad na tumingin si Ye Wan Wan kay Lin Que. "Lin Clueless, ikaw ang nagnakaw ng bata! Ipinanganak ko ang batang ito, pwede ba?!"

Nandilat ang asong mata ni Lin Que, siya ay hindi makapaniwala. "Ikaw… nanganak ka?"

Umubo si Ye Wan Wan. "Tama. nanganak nga ako! Ano naman kung galing samin siya ni Ah-Jiu!"

Kumislot ang gilid ng labi ni Lin Que. "Niloloko lang ako, diba?"

Nagpatuloy si Ye Wan Wan, "tignan mo siya! Sa tabi ni Ah-Jiu, kanino ba ako pwedeng magkaroon ng anak na kayang gumawa ng isang napaka-cute na bata! Sinasabi mo ba na hindi ko siya anak?"

Maingat na inobserbahan ni Lin Que ang bata na nakahawak sa makamay nila. "Ito… talagang… mukha kayong isang pamilya…"

Mas nagiging iba ang nararamdaman ni Lin Que habang sinasabi niya ito. "Put*! Mali ito!" 

Ye Wan Wan, ang batang 'yan, ilang taon na? Hindi ba bente na siya ngayon?

Biglang hindi nakapagsalita si Lin Que. "bata kapa. Kung ikaw ang nag-anak sa kanya ang aking 9th brother ay isang halimaw!"

"Kung gayon, mayroon lang isang katotohanan!" bulong ni Ye Wan Wan.

Lin Que: "Ano?

Ye Wan Wan: "Ang iyong 9th brother ay talagang napaka-halimaw." 

Upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa, kailangan niyang pahirapan ng kaunti si Si Ye Han…

Si Ye Han: "…"

Lin Que: "…"

Sandaling hindi nakapagsalita si Lin Que. "kalokohan! Kung mayroon mang halimaw dito, ikaw iyon!"

Inirap ni Ye Wan Wan ang kanyang mata sa kanya. "May kaibahan ba? Mayroon pa din akong anak kay Ah-Jiu!"

avataravatar
Next chapter