951 Anak mo ba talaga ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabilang parte ng karagatan.

Sa ibabaw ng isang at prestihiyosong gusali, ang simbolo ng isang itim na agila ay nagniningning sa ilalim ng sinag ng araw.

Sa may hall, isang ginang na nakaupo sa isang lamesa ang masungit na nakatingin. Siya ay nilalamig at walang pakialam habang naghihintay doon.

Nakalipas ang ilang sandali, isang lalaking nakaitim na suit, na nagpupunas ng kanyang pawis ang magalang na pumasok, at sinabi, "Madam Nie, pagpasensyahan mo na ako sa hindi paglabas upang batiin ka. Anong nagdala sayo upang bisitahin ang aming Black Eagle Mercenary Group?"

Blankong sumagot ang babae, "nag-uutos ako ng isang S-rank warrant."

Ang kanyang itsura ay kaagad na nag-iba ng marinig niya iyon. "Madam Nie… sino ang sinusubukan mong hulihin…?

Sino marahil ang magbibigay ng sama ng loob sa mga Nie sa punto na kailangan pa pumunta ni Madam Nie upang humingi ng isang S-rank warrant?

Nais ba maghimagsik ng stand-alone island?

Sumulyap ang babae. "Nameless Nie!"

Ang ligid ng labi ng kinakabahan na lalaki ay kumislot. "Uh…"

Mali ba ang rinig ko?

Ang puntirya ng warrant ay ang kanyang sariling anak…

Hindi alam ng lalaking naka-suit ang gagawin, isang lalaking nakasuot ng grey na robe ang pumasok.

Ng makita siya ng lalaking naka-suit, pakiramdam niya na para bang dumating ang kanyang swerte upang iligtas siya. "M-Mr. Nie, sabi ni madam na gusto niya ng S-rank warrant para sa young master Nie. Ito…"

Lumapit ang naka grey na robe sa tabi ng babae at bahagyang umubo bago niya siya sinubukang hindi sangayunan. "Madam, marahil hindi ganun kasama ang mga bagay tulad ng iniisip mo. Hindi ba sinabi na ni Ling Feng at Ling Yun na ayos lang si Tang Tang?"

Hindi nagsalita ang babae. Malamig lamang siyang tumingin sa lalaki.

Biglang humarap patungo sa lalaking naka-suit ang lalaking nakasuot ng grey na robe. "Hindi ba inutusan ka na ng aking asawa? Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Ipadala mo na ang warrant! S-rank!"

Halos mangiyak-ngiyak ang lalaking naka-suit. "..."

Boss, paki-usap, tama na iyan…

Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono ng lalaking nakasuot ng grey na robe.

Maingat na tumingin ang lalaking nakasuot ng grey na robe sa kanyang telepono. "Madam, tumatawag ang ating anak!"

Tamihik na sumagot ang babae, "anak natin?"

Kaagad na sumagot ang lalaking naka-grey na robe, "ehem ehem, tumatawag ang suwail nating anak! Sasagutin ko para malaman kung ano ang sasabihin niya!"

Siya ay lumayo bago hininaan ang kanyang boses at direktang nagsalita sa kanyang telepono. "Anak, nag-utos ang iyong ina ng S-rank warrant para sa iyo…"

Nagulat si Nameless Nie mula sa kabilang linya. "Pa, magsabi ka ng totoo sa akin…"

"Ano?"

"Anak mo ba talaga ako?"

"Bata ka! Nakakapagbiro ka padin sa lagay na ito?! Ang ama mo! Wala akong pahinga ng isang araw dahil sa iyo! Paano mo naisip ang ganito ka walang kwentang ideya? Paanong basta-basta ka nakahanap ng ibang tao para gayahin si Worriless?" 

"Papa, hindi ako basta-basta naghanap ng iba. Maayos ang babaeng 'yon… mayroon din akong litrato dito na sa tingin ko makakatulong sa akin. Ipapadala ko na lang sa iyo. Dali, ipakita mo ito kay mama. Sa oras na makita niya ito, ewan ko na lang kung magagalit pa siya sa akin…"

"Sa tingin mo ba mapapakalma mo siya sa isang litrato lang? Sa tingin mo ba posible iyon? Ngayon, kahit na ang panunuyo ko ay hindi gumagana!"

Sandaling natahimik si Nameless Nie bmago siya sumagot, "papa, mayroon ka bang hindi pagkakaintindihan sa iyong posisyon sa ating pamilya?"

"Hey! Bata ka! Anong sinabi mo?! Subukan mo ulit sabihin iyon!"

Pinaalalahanan ni Nameless Nie ang kanyang ama at pinilit niyang ipakita ito sa kanyang ina saka binaba ang telepono.

Walang magawa ang lalaki at ginawa ang inutos ni Nameless Nie. Dinala niya ang kanyang telepono sa babae. "Madam, nagpadala ng litrato ang batang iyon at sinabi na ipakita sayo."

Mas lalong lumamig ang tingin ng babae. "Ano namang titignan diyan? Sabihin mo sa kanya na ibalik kaagad si Tangtang. Kung hindi, wala na akong sasabihin sa kanya!"

"Ehem ehem, tignan mo muna.."

Binuksan ng lalaking naka-grey na robe ang screen ng kanyang telepono. Talagang, nagpadala ng iba't-ibang litrato si Nameless Nie sa kanyang email.

avataravatar
Next chapter