367 Alisin mo ang damit mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Dazzling Media:

Nakuha ni Lou Chen ang atensyon ng lahat pagtapak niya sa kumpanya.

Ang mga bagong dating at ang mga intern na dati ay hindi man lang tinitignan si Luo Chen, ngayon ay lumalapit na sa kanya para batiin siya.

"Magandang umaga, Luo Chen-ge!"

"Gandang umaga, Senior Luo Chen!"

"Congratulations, Senior! Nakita ko yung video na nasa Weibo mo; sobrang angas!"

"Malamang mapupunta sa 'yo ang role ng Luo Chen, Senior Luo Chen!"

Kahit na ilang araw pa lang ang nakalipas, hindi pa din sanay si Luo Chen sa kanyang kasalukuyang estado at hindi din komportable sa pagpuri ng lahat sa kanya. Kumunot ang kanyang mga labi at dumeretso naglakad sa office sa taas nang hindi pinapansin ang kanyang mga taga-hanga.

Sa kabilang dulo naman, tinignan ni Lin Hao si Luo Chen at puno ng lumbay ang kanyang mga mata.

Ang ilang mga small-time na artista na nasa gilid ni Lin Hao ay nagtipon at lumagitik ang kanilang mga dila at marahang nag-usap.

"Totoo nga, mahirap hulaan ang mga bagay-bagay sa mundo;sinong mag-aakala na sa loob ng tatlong taon, biglang sasabog ang popularidad ni Luo Chen?"

"Hindi ko masabi na may kakayahan pala ang bagong manager, ah! Hindi lang kakaiba ang panlasa niya sa pagpili ng kanyang artista, magaling din siya sa paghula ng market!"

"Gusto niya pa kaya ng mga bagong dating…" may bagong dating din na gustong magtrabaho kay Ye Bai.

Tinupi ni Lin Hao ang mga braso at pumiksi. "Tsk, dahil lang 'to sa pagpanaw ni Lin Zong, gusto lang tuparin ni Song Jin Lin ang huling hiling ni Lin Zong na gawin ang sequel - anong meron don sa paghula ng market? Swerte lang ang bastardong iyon!"

Maamong bumulong ang isa sa mga bagong dating, "Pero ang pinaka-nabenta ay yung video, sobrang malikhain at agad na nailabas si Luo Chen sa publiko!"

Hindi na nagtangkang magsalita ng malakas ang bagong dating dahil sa takot ito sa galit na si Lin Hao.

Sa showbiz, ang pagkakaroon ng swerte ay lakas din.

Bakas sa mukha ni Lin Hao ang pang-aaba. "Mga walang muwang kayo! Alam niyo ba kung gaano kadami ang naglalaban para sa role na 'to? Tingin niyo na ang walang kwentang tulad niya ay makukuha ang parte sa simpleng post lang sa Weibo?"

Nang dahil sa sinabi ni Lin Hao, napaisip sila at sumang-ayon na matindi nga ang kompetisyon sa casting ng "Terrifying Dragon 2".

Kahit na ang mga boto ay na kay Luo Chen, maganda din ang impluwensya ng mga kalaban niya; may ilan pa na handang dalhin ang sariling puhunan, kaya mahirap sabihin kung sino ang makakakuha ng parte...

Sa opisina ni Ye Wan Wan:

"Dong dong dong." may katok sa pinto.

"Pasok." kakapadala lang ng text ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han para yayain siya mamayang gabi sa isang candlelit dinner nang marinig ang pagkatok sa pintuan.

"Ye-ge."

"Upo ka." pinaupo ni Ye Wan Wan si Luo Chen at inangat ang kanyang ulo at nagtanong, "Kamusta naman ang training mo?"

"Ayos lang," sagot ni Luo Chen. Sabay din nito ang pagkalito na kumislap sa kanyang mata.

Sa umpisa, kinekwestyon niya ang kanyang manager dahil gusto niyang matuto siya ng martial arts na sa tingin niya wala naman itong kwenta. Para lang makapunta siya sa training, sinugal niya ang lahat at umalis sa mga trabaho niya, kaya araw-araw itong namumuhay ng sa pag-aalala at pagdududa sa sarili.

Pero sa huli, naintindihan niya ang rason ng pagkilos ni Ye Bai...

May mga acrobatic fight scene sa "Terrifying Dragon" at mas madami pa sa "Terrifying Dragon 2". Malaking kalamangan sa kanya kung magaling siya sa martial arts.

Dahil sa mapagkumbabang ugali ni Luo Chen, nang sinabi niyang "ayos lang" ang training, ibig sabihin nito ay may marka siyang 90 o mataas pa.

Malugod na tumango si Ye Wan Wan at kaswal na sinabi, "Hubarin mo ang damit mo, tignan ko."

Nang marinig ang sinabi, biglang namutla ang itsura ni Luo Chen. Inangat niya ang kanyang ulo na parang nakarinig siya ng nakakatakot.

avataravatar
Next chapter