1209 Alam kung paano mang-akit ng babae

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mukhang nawawala si Nameless Nie. "Ah? Bakit nagalit si Sister Famous Ye nung sinabi natin na kukunin na naton yung little devil?"

Nagulat ang deboto bago niya sabihin, "Oo nga, bakit kaya galit na galit si Boss Famous?"

Pinalupot ni Spray of Flowers ang kanyang kamay hanggang ang hinlalato at hinlalaki niya ay pumalupot sa buong kamay niya at ang ibang mga daliri niya ay nakaangat nang hinarap niya ang kamay niya sa mukha ni Nameless Nie. "Ang sama mong lalaki, hindi mo naiintindihan ang utak ng isang babae. Ayaw paalisin ni Boss Famous si little devil…"

Nagtanong si Deboto, "Ayaw humiwalay ni Boss Famous kay Little Devil? Ang utak ng babae ay kasing lalim ng paanan ng karagatan…" 

Sinampal ni Namless Nie ang kamay ni Spray of Flowers at bigla niyang hinaplos ang kanyang baba. "Hindi siguro… totoo iyon?"

Tiningnan siya ng masama ni Spray of Flowers at tumaas pa ang mga kilay nito. "Bakit hindi? Iba ang ugali ng little devil mo kapag kaharap niya si Sister Famous Ye, kumpara kapag kasama niya tayo. Alam niya kung paano mang-akit ng babae!"

Wala nang pasensya ang deboto ng sabihin niya, "Tigilan na ang kalokohan na ito! Nasaan na ang pagkain natin? Nangako ka na papakainin mo kami pagkarating natin dito! Wala akong pakialam! Little Sweetie, ikaw gumawa ng kaguluhan na ito, kaya dapat ikaw rin ang mag-aayos nito!"

Magaling kaguluhan ang meron sa labas ng bahay. Sa loob naman, nilapag ni Ye Wan Wan ang lahat ng bags niya habang nakasimangot siya.

Bakit bigla naman nilang kukunin at iuuwi si Tang Tang?

Hindi kaya...

"Buksan mo ang pintuan! Boss Famous!"

"Boss Famous! Hindi maayos ang Chinese ni Little Sweetie! Huwag mong pakinggan ang kalokohan niya!"

"Boss Famous! Sinabihan ko na si Little Sweetie! Pwede mo siyang bugbugin ng matagal! Nagmamakaawa ako na sana bigyan mo ako ng pagkain!"

"Boss Famous! Gawin naming kabayaran na lamang si Taong Yelo? Deal ba?"

Walang masabi si Ye Wan Wan habang pinapakinggan niya ang limang pulubi na umuungol at umiiyak sa labas ng bahay niya.

"Manahimik kayo!!! Gusto niyong kumain? Eat sh*t!!!"

Isang minuto silang nanahimik sa labas pagkatapos ng malakas na ungol ni Ye Wan Wan.

Biglang napatingin si Ye Wan Wan sa may pintuan dahil bigla silang nanahimik.

Umalis na ba talaga sila?

Nakita ni Ye Wan Wan na parang may nakalagay sa pagitan ng crack ng pintuan at ng lapag.

Tiningnan ito ni Ye Wan Wan ay nakita niya na… may piso...

At pagkatapos… may isang piso na naman at tinulak sa loob...

Pagkatapos ay… parang puno ng poot na dahan-dahan na tinulak ang isang piso na naman sa loob...

Dumilim ang itsura ni Ye Wan Wan na kasing itim ng pwetan ng kawali habang nakatitig siya sa piso na tinulak sa loob.

Punyeta! Pampublikong bus ba anv bahay ko sa pananaw nila? Tinulak pa talaga nila ang piso sa loob!

Sa tingin ba nila na mabibili nila ako kapag tinutulak nila ang mga piso sa loob?

"Sister Famous Ye… mga ipon namin ito!"

"Boss Famous! Buk-buksan mo ang pintuan!"

"Boss Famous! Mas marangal ang pagliligtas ng buhay kaysa gumawa ng pagoda na may pitong palapag!"

May isang tao sa labas ang halos makalimutan na ang kanyang relihiyon para lang manglimos ng pagkain...

Magulo na nga ang isip ni Ye Wan Wan nang matandaan niya na nandito ang mga taong ito para kunin si Tang Tang. Ngayon, lalong sumakit ang ulo niya dahil sa kaguluhan sa labas.

Sa oras na ito, may maririnig na malakas na komosyon sa may kusina.

Sinundan ni Ye Wan Wan kung saan nanggaling ang tunog at nakita niya na sila Jiao Jiao, Heidi at ang grupo nila ang nakadungaw ang mga ulo nila sa labas ng kusina at nakatingin sila kay Ye Wan Wan.

Agad niyang inutusan ang limang miyembro ng mercenary group, "Kayong lahat! Ano pa ang hinihintay niyo?! Dalian niyo at paalisin niyo yung maingay na grupo sa labas!" 

Ang limang miyembro ng mercenary group: "...!!!"

Natakot ang limang miyembro ng mga mersenaryo at bigla silang napaurong ng marinig nila ang utos ni Ye Wan Wan.

Dahil noon sa Myanmar, nakita na nila ang kakayanan ng limang ito. Ang lider nila ay parang hindi tao...

Konti na lang at iiyak na si Heidi. "M-master… imposible po 'yon… palalayasin natin… yung limang iyon?"

Tang Bin: "Kaya kaming patayin ng kahit isa lamang sa kanila…"

Song Qiang: "Oo, tama yung sinabi niya…"

avataravatar
Next chapter