1016 Alam ko na hindi mo kayang tiisin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na gumamit padin ng pambabaeng boses si Ye Wan Wan upang sabihin iyon, ang kanyang nagnliliwanag na mata at pamilyar na tono ay matagumpay na napahinto si Han Xian Yu. Si Han Xian Yu ay nagulat.

Ang mga mata ng babaeng ito, at ang tono ng kanyang boses...

Bakit… bakit naalala ko sa kanya si Ye Bai… Pero! Ito ay malinaw na isang babae!

Nababaliw na ako! Ano bang ibig sabihin ng babaeng iyan ngayon?

Dahil sa pagkagulat, napatigil si Han Xian Yu, ang nalilito ang kanyang isipan.

Galit na hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang sintido. Tama na!

Tumingin muna si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. "Ah-Jiu, kailangan ko makausap si Han Xian Yu… huwag mo akong tignan ng ganyan! Kung magpapatuloy tayong ganito, papahirapan ako hanggang sa mamatay! Huwag mong sabihin na kaya mong tiisin ang iyong girlfriend na magkaroon ng mental breakdown! Isipin mo kung para kanino ko ito ginagawa! Bukod dito, ito ay dahil sa kakulangan mo ng pakikisama kaya ako nabisto!"

Mukhang hindi padin natutuwa si Si Ye Han.

Samantala, hindi siya naiintindihan nina Han Xian Yu at Fei Yang. 

"Ah, sige, sige. Pakabait ka. Sampung minuto kang! Alam ko na hindi mo kayang tiisin ito…" Hinalikan ni Ye Wan Wan ang pisnge ni Si Ye Han at 

Winalis ni Si Ye Han ang kanyan tingin kay Han Xian Yu. Ilang sandali ang nakalipas, sa wakas siya ay humarap kay Ye Wan Wa. "hihintayin kita sa kotse."

"Sige, sige!" Tinango ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo.

Kahit na hindi naiintindihan ni Han Xian Yu ang sitwasyn, alam niya na na may importanteng sasabihin sa kanyan ang babae, kaya sinabi niya kay Fei Yang, "Brother Yang, umalis ka muna at hintayin mo ako sa sasakyan."

"Huh?" May pagkalitong itsura si Fei Yang. Paanong hahayaan niya si Han Xian Yun na mag-isa? Kaagad niyang iniling ang kanyang ulo sa hindi pag sang-ayon. "Hindi! Anong gagawin ko kapag may gawin ka na namang kahangalan ulit kapag umalis ako!"

Sumulayap si Ye Wan Wan kay Fei Yang. "Huwag ka mag-alala, babantayan ko siya."

"Oh… kung, sige…" nakita ni Fei Yang ang tingin ng babae habang siya ay sumagot. Siya ay nagulat. "Wirdo, bakit hindi maipaliwanag na nakinig ako sa kanya?

Nakaramdam siya ng kakaibang amoy ng tiwala ng tumingin siya sa babae...

"Kung gayon aalis na ako. Kailangan mong kumalma kahit na ano man ang mangyari, ayos ba…? Ang sabi ni Fei Yang.

"Naiintindihan ko." tumango si Han Xian Yu.

Matapos umalis ni Si Ye Han at Fei Yang, tanging si Ye Wan Wan at Han Xian Yu ang nanatiling naiwan.

"Tara at maghanap tayo ng lugar para mag-usap." mungkahi ni Ye Wan Wan kay Han Xian Yu. 

Saka siya ay nagtungo sa cafe na nasa kabila nila, at awtomatikong sumunod si Han Xian Yu. 

Dinala ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu sa isang tahimik na kwarto.

"Umupo ka," ang sabi ni Ye Wan Wan. 

Malayo ang iniisip ni Han Xian Yu ng umupo sa kabila, at ang kanyang kahinahinalang tingin ay tumuon ka Ye Wan Wan. 

Umupo din si Ye Wan Wan. Saka siya tumingala at sinabi kay Han Xian Yu, "Han Xian Yu, ako ito. Si Ye Bai."

Gumamit ng panlalaking boses si Ye Wan Wan.

Si Han Xian Yu, na nakaupo, at kaagad na napatayo. Lubhang nag-iba ang kanyang mukha. "Ikaw… ikaw…"

Talaga ba nag narinig ko ang boses ni Ye Bai mula sa isang babae?

Kahit na ito ay hindi kapani-paniwala mula sa voice actors o sa mga taong alam kung paano magpalit ng boses, nanatili padin na hindi kapanipaniwala ito sa kanya.

Ito ay dahil sa tono ng boses ng babae ay talagang kapareho kay Ye Bai.

Bilang nangyari na ang mga bagay, walang magawa si Ye Wan Wan kundi sabihin kay Han Xian Yu ang katotohanan.

Ipinalagay ni Ye Wan Wan ang boses ni Ye Bai at muling nagsalita. "Ako si Ye Bai."

avataravatar
Next chapter