1083 Alagaan ang mga munting hayop

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-send ng message si Ye Wan Wan kay Si Ye Han pagkatapos niyang sabihin iyon.

Ang nakalagay lamang sa message ay: [S9?]

Mabilis na sumagot si Si Ye Han: [Oo.]

Tumawa si Ye Wan Wan sa sagot ni Si Ye Han. [Bakit mo pinapanood ang livestream ni Gong Xu?]

Si Ye Han: [Nakasalubong ko si Xie Zhe Zhi.]

Biglang naliwanagan si Ye Wan Wan. Kaya pala! Tulad ng sinasabi niya, bakit manonood ng ganitong mga bagay si Si Ye Han?

Alam na kaagad ni Gong Xu ang nararamdaman ni Ye Wan Wan base sa kanyang banayad na ngiti, kahit na hindi niya alam kung ano ang nakalagay sa mga messages ni Ye Wan Wan. Naramdaman niya na parang nakakain siya ng tae. "Oy oy oy, brother Ye, tama na yan!"

Ang gulo! Kaya pala naisip ko na ang ID na "S9" ay parang weird!

"Bakit nararamdaman ko na parang third wheel ako sa sarili kong livestream?" Nagreklamo si Gong Xu.

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu at kanyang sinabi, "Nakakuha ka nga ng 10 yate eh!"

Umungol si Gong Xu nang kinuha niya ang kusyon na malapit sa kanya at bigla niyang kinagat ito. "Ayoko ang mga regalong ito, okay?! Sapat na ito para magka-trauma ako! Ang sama mo sa akin! Alam mo naman na naghihirap ako sa one sided na pagmamahal na meron ako sayo at hindi na ako pwedeng hikayatin! Alam mo ba na kailangan mong mag-alaga ng mga munting animal?"

"Alagaan ang munting animal…" ngumiwi ang bibig ni Ye Wan Wan. Bigla siyang umubo at naging seryoso ang kanyang mukha. "Sige na, sige na, hindi na ako nakikipag lokohan. Pag-usapan natin ang financial business. Natatandaan niyo ba ang sinabi ko na magsisimula kaying sumailalim nila Luo Chen sa isang espesyal na pagsasanay pagkatapos niyong tapusin ang shooting?"

Hindi maingat na sumagot si Gong Xu, "Natatandaan ko. Pwede akong magsimula kahit anong oras pa!" 

Pinaalalahanan ni Ye Wan Wan si Gong Xu makita niya hindi alam ni Gong Xu ang panganib na kakaharapin niya, "Mahihirapan kayo sa pagsasanay na ito kaya kailangang handa kayo sa inyong mentalidad."

Biglang napatikom si Gong Xu. "Paanong mahihirapan? Mas mahirap ba iyon kaysa sa pagpunta mo sa probinsya upang magbago ng tuluyan?"

Walang masabi si Ye Wan Wan. Ang young master na ito kailanman ay hindi nakaranas ng kahirapan sa kanyang buhay. Ang pinakamahirap na napagdaanan niya ay noong sumailalim siya ng pagbabago sa probinsya.

Ang isang bagay lamang na inaalala ni Ye Wan Wan sa film na ito ay kung hindi na handang tumanda pa si Gong Xu...

Seryoso siyang inutusan ni Ye Wan Wan, "Tigilan mo ang attitude mong walang pakialam. Magiging isang propesyonal na special forces soldier sa mga susunod na parte ng film, kaya naghanda ako ng striktong paghahanda para sayo. Ang lahat ng pagdadaanan mo sa pagsasanay ay aayon sa propesyonal na standards ng pagigibg sundalo."

Mayabang na sumagot si Gong Xu, "Bakit wala kang tiwala sa akin, brother Ye?! Huwag kang mag-alala, para kay Little Candies Plum, wala akong pakialam kung kailangan kong umakyat ng bundok ng mga espada at sumisid sa karagatan ng apoy! Ano naman kung dadaan ako sa mababang klase ng kahirapan para sa pagmamahal? Wala ito para sa akin!"

Kumalma ng kaunti si Ye Wan Wan nang makita niyang lumiliwanag si Gong Xu sa lakas ng loob at kagitingan. Umaasa siya na ang mokong na ito ay mapagkakatiwalaan talaga, katulad ng sinabi niya, upang hindi mapunta sa wala ang inaasahan niya.

Pagkatapos ng ilang araw.

Natapos na ang campus portion ng shooting kaya dinala ni Ye Wan Wan si Gong Xu at Luo Chen sa "Special C" training grounds sa C City, malapit sa Imperial City.

Ang Special C ay isang special forces unit ng C military base. Nakikipag ugnayan lamang sila sa mga special forces at nakakuha sila ng permiso na makasama si Luo Chen at Gong Xu sa kanilang espesyal na training para sa script nila at dahil rin ito sa maraming koneksyon ni Ye Mu Fan.

Siyempre, ito ay basic training lamang, pero para sa mga normal na tao, lalo na ang mga artistang mayayaman na noon pa man, ito ay sobra pa sa sobra.

"Instructor Lei, salamat at tutulungan mo kami!"

Pinapunta ni Ye Wan Wan si Luo Chen at Gong Xu sa military instructor na tatanggap sa kanila para sa pagsasanay. "Okay lang ang basics ni Luo Chen ngunit medyo mahina pa ang pangangatawan ni Gong Xu. Kayo na po ang bahala sa kanila, Instructor Lei!"

"Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala sa kanila!"

avataravatar
Next chapter