620 Ako ng bahala sa lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tatlo mula sa lumang bahay at ang iba galing sa magulang niya.

Drastikong nagbago ang itsura ni Ye Mu Fan at agad siyang tumayo.

Mapilit na tinatawagan siya ng magulang niya at ng lumang bahay sa ganitong oras...

Sa isang iglap, napagtanto na ni Ye Mu Fan ang maaaring nangyari.

Ang insidenteng nanakaw na taya na presyo… nalaman na...

Paano 'to nangyari? Sigurado akong iniwasan ako ang mga kamera...

Baka dahil sa matagal na akong hindi nakakapunta sa lumang bahay at hindi ko napansin ang pagpalit ng posisyon at numero ng mga kamera...

Nakaupo lang si Ye Mu Fan nang matigas ang likod at madilim ang itsura.

Tinignan niya ang kanyang telepono at maya-maya, pumindot siya ng numero sa kanyang speed dial at tinawagan si Shen Meng Qi.

Sa sandaling ito, naglalagay si Shen Meng Qi ng kanyang makeup at nagpapalit ng kanyang damit. Nainis siya ng makita na tumatawag si Ye Mu Fan.

Nang maisip na baka may silbi pa ito sa kanya, pinigilan niya ang sarili at sumagot, "Hello, Mu Fan-ge?"

"Meng Qi…" medyo paos ang boses ni Ye Mu Fan.

"Mu Fan-ge, ano 'yon? Nakita lang natin ang isa't isa, pero namimiss mo na ako, huh?"

Nang marinig ang matamis niyang boses, gumaan ang pakiramdam sa dibdib Ye Mu Fan at sabing, "Meng Qi, tumawag sa 'kin yung lumang bahay ngayon lang. Tingin ko nalaman nila tungkol sa pagbigay ko ng taya nila…"

Para makatipid, sinadya ni Shen Meng Qi na maliit lang agwat ng presyo. Natural, alam niya na magiging suspek si Ye Mu Fan, pero nagpanggap siya na gulat na para bang walang siyang alam kung paano ito nangyari. "Ano? Paano 'yon nangyari?! Anong gagawin natin? Mu Fan-ge, magiging maayos ka lang, 'di ba?"

"'Wag kang mag-alala. Anong magagawa nila sa 'kin? Gusto lang kita babalaan kung sakaling nagtanong ang mga Ye sa 'yo - kailangan mo lang sabihin na wala kang alam. Basta 'wag kang makulit at umamin na ikaw ang nakiusap sa 'kin na tumulong; kung hindi, madadamay ka pa!" agad na sinabi ni Ye Mu Fan.

Kalokohan. Syempre, itatanggi ko - tingin niya ba na bobo ako nakatulad niya?

Masunurin na sumagot si Shen Meng Qi, "Sige… pero Mu Fan-ge, sigurado ka ba na magiging ayos ka lang?"

"Walang problema. Magsaya ka lang sa pagdiwang mo. Ako na ang bahala sa lahat."

"Edi… sige. Mu Fan-ge, kailangan mong sabihin sa 'kin kung anuman ang mangyarin. Hindi ako papayag na mahihila ka pababa dahil sa 'kin!"

Nagpatuloy na malambing na nagsabi ng mga pag-aalala si Shen Meng Qi bago ibaba ang tawag.

Matapos no'n, hinagis niya ang telepono niya sa kanyang kama at humini ng masayang tono habang nagpapalit ng sexy lingerie at isang magarang custom-made na damit at naghandang mag-ayos para sa kanyang date.

Sa lumang bahay ng mga Ye:

Sa hindi kalayuan, isang itim na Land Rover ang tahimik na nakaparada.

Nakasandal ang maliit na katawan ni Ye Wan Wan sa upuan ng drayber at tahimik na nag-antay.

Nag-umpisang tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula kay Gao Feng.

Ye Wan Wan: "Hello, ano ang sitwasyon?"

Gao Feng: "Naka-alis na si Shen Meng Qi sa bahay!"

Tumango si Ye Wan Wan: "OK, sabihan mo lang ako."

Gao Feng: "Walang problema."

Ibinababa na ni Ye Wan Wan ang tawag at agad na nakita si Ye Mu Fan na nagmamadali pumasok sa lumang bahay.

Nang makita niya 'yon, mabilis siyang lumabas sa kotse at sinundan siya.

Sa study sa lumang bahay:

Sinamahan palabas ni Ye Shao An ang galit na si Ye Hong Wei at Tan Yi Lan, naiwan na lang sina Ye Shao Ting, Liang Wan Jun, Liang Mei Xuan at Ye Yiyi sa study.

Mukhang nalulungkot si Ye Yiyi, "Tito, pasensya na at hindi ko matulungan si Mu Fan. Sumosobra na talaga siya ngayon…"

Tuluyan nang nagdilim ang mga mata ni Liang Mei Xuan, "Yiyi, tingin ko wala silang pake sa kabaitan mo. Noon, si Ye Shao Ting ang walang puso na itakwil ka para lang sa asawa at anak niya!"

avataravatar
Next chapter