631 Ako ba ‘yan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bullsh*t, sinisisi ako ni tita sa harap nila lolo at lola! sa krimen na hindi ko naman ginawa. Mukhang gusto niya akong mamatay! Gurang na siya pero wala pa rin siyang integridad!" parang baliw na sumigaw-sigaw si Ye Mu Fan.

Ano? Tinawag niya pa akong gurang?

Ngumiwi ang mukha ni Liang Mei Xuan sa sorbang galit.

"'Wag kang magsalita ng mga walang kwentang bagay, Ge ge. May maling pagkakaunawaan lang siguro - bakit ito gagawin sa atin nila tito at tita?" nagtatakang sinabi ni Ye Wan Wan.

"Ye Wan Wan!" ngumisi si Ye Mu Fan. "Bakit hindi ka naniniwala sa akin? Kapatid ba talaga kita?"

"Hindi sa hindi ako naniniwala sayo, Ge ge. Naisip ko lang na baka may maling pagkakaunawaan lang na naganap sa problema na ito!" dali-daling nagpaliwanag si Ye Wan Wan.

"Manahimik kayong lahat!" hinampas ni Ye Hong Wei ang upuan at pinagalitan niya ang lahat ng tao sa silid.

Biglang nanahimik sila Liang Mei Xuan at Ye Mu Fan nang makita nila na umaalab na sa galit ang matanda.

"Hindi ako ang nagnakaw ng pribadong dokumentong iyon!" seryosong nagalit si Ye Mu Fan.

Biglang natawa si Ye Shao An. "Haha, hindi nga ba ikaw ang magnanakaw? Iba ang sinabi mo noong umamin ka na ikaw ang gumawa ng krimen."

"Umamin ba ako?" sabi ni Ye Mu Fan. "Ye Shao An, sinasabi mo na umamin ako 'di ba? Para sa akin, umaamin ka na ikaw ang nagnakaw para ipamukha na ako ang gumawa ng krimen!"

"Kalokohan ang sinasabi mo!" sinigawan siya ni Ye Shao An.

"Kalokohan ang sinasabi mo!" ngumisi si Ye Mu Fan.

Matining ang boses ni Liang Mei Xuan nang patuloy siyang nangasar sa kanya: "Naliwanagan ako sa pangyayaring ito, gumagawa ka pa ng mga kwento kahit malala na ang sitwasyon! Sinampal at sinigawan mo pa ang mga nakakatanda sayo - paano ka naging parte ng Ye family? Barumbado kang bata ka!"

Mabilis na sumagot si Ye Mu Fan sa argumento, "Naliwanagan rin ako sa pangyayaring ito - ginamit mo ang kabobohan mo at napahiya ka dahil natalo ka sa Shen family. Natatakot ka dahil ikaw ang sisisihin nila lolo at lola sa pagkatalo ninyo, kaya ako ang sinisi mo na nagnakaw ng pribadong dokumento para hindi ikaw ang sisisihin nila. Ang kapal ng mukha mo na tawaging 'nakakatanda' ang sarili mo!"

"Lolo at lola… hindi po ako ang nagnakaw ng dokumento. Bakit ko gagawin ang bagay na iyon? Pilit nila akong sinisisi sa hindi ko naman ginawa!" nag-iba ang mukha ni Ye Mu Fan at nagmakaawa siya sa kanila.

Sumimangot si Ye Hong Wei at Tan Yi Lan nang makita nila ito. Napagtanto nila na hindi peke ang pagpapanggap ni Ye Mu Fan...

"Lolo at lola, kun naniniwala sila na ako ang gumawa ng krimen, edi ilabas niyo ang ebidensya!" nangutya si Ye Mu Fan.

"Ang ebidensya?" natawa si Liang Mei Xuan. "Sigurado ka na gusto mong makita ang ebidensya? Nasa amin ang recording!"

"Dali, ilabas niyo na!" galit na galit ang itsura ni Ye Mu Fan.

Sinenyasan ni Ye Shao An ang katabi niyang lawyer.

Pagkatapos ay naglabas ng laptop ang lawyer at pinakita niya ang recording.

May isang lalaki na kamukha ni Ye Mu Fan, ang dahan-dahang pumapasok sa loob ng silid.

Nakasuot ng itim na damit ang lalaki, may gloves siya sa kamay at may suot rin siyang cap. Parehas ang pangangatawan ng lalaking ito kay Ye Mu Fan ngunit, hindi nakita ang mukha niya sa video.

Pagkatapos na mapanood nila Ye Hong Wei at Tan Yi Lan ang recording, tiningnan nila ng masama si Ye Mu Fan.

"Ikaw… bastardo ka, bakit tumatanggi ka pa rin sa krimen a ginawa mo!?" sabi ni Liang Mei Xuan.

"Hahahaha…" tinuro ni Ye Mu Fan ang recording na nasa laptop at hindi niya napigilang matawa. "Sinasabi mo ba na ako ang taong 'yan?"

"Sino pa ba? Kongkretong ebidensya ito na ikaw ang nagnakaw ng dokumento, bakit tumatanggi ka pa rin?" pinagalitan siya ni Liang Mei Xuan.

"Tingnan mo nga Wan Wan, ako ba ang taong nasa recording?" humarap si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan.

"En… may pagkaka-parehas kayo ng likod, pero madali lang maghanap ng taong kaparehas ng pangangatawan mo ang taong gustong sisihin ka sa krimen na hindi mo ginawa, kaya ayan ang taong 'yan, umaakto na parang ikaw ang magnanakaw," sabi ni Ye Wan Wan.

"Mama at papa, tingnan niyo. Ako ba ang taong 'yan?" humarap si Ye Mu Fan kayla Liang Wan Jun at Ye Shao Ting.

avataravatar
Next chapter