474 Ako ay sa iyo na

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kadalasan, masama ang trato ng lahat sa kumpanya kay Zhou Wen Bin at maririnig ang mga daing ng mga tao, lalo na ang mga mababa ang katungkulan na ayaw sa masama niyang ugali, ngunit dahil kay Gong Xu, walang gustong magsalita tungkol dito.

Ngayon, matapos makita na tinapon na ni Gong Xu si Zhou Wen Bin, nakita ng lahat na nararapat lang sa kanya ito at pinapanuod ang nakakalokong pag arte niya, mababa ang tingin nila sa kanya habang nagbubulungan sa isa't isa...

"Kahit na hindi ko alam ang mga nangyari kay Gong Xu, nakakadiri pa din si Zhou Wen Bin - mabuting ginawa at pagsisipag? Nagsipag siya para sa kanyang trabaho? Paano niya kayang sabihin ang mga salitang iyan?"

"Tama! Simula ng makuha niya si Gong Xu, umaasa lamang siya sa gintong binti nito at inaalipusta ang kumpanya, pinagtritripan ang mga staff at nangingikil sa mga komisyon na nakukuha ng pwersahan; ang kanyang layunin ay pangsarili lamang. Gaano kadaming artista na ba ang ginamit niya?"

"Ito ang kanyang parusa. Nararapat lang sa kanya na itapon siya ni Gon Xu! Isang tigreng walang pangil - tignan natin kung maitutuloy pa niya ang kanyang pagiging arogante!"

...

Nagtatakang tumingin si Gong Xu sa sinabi nitong sipag at tyaga na ginawa ni Zhou Wen Bin at nanlamig ang kanyang paningin habang siya ay umirap, "Zhou Wen Bin, tigilan mo na ang kaawa awang pag arte dito. Wala ka bang ideya kung gaano kalaki ang kinita mo mula sa akin? O… ang tingin mo sa akin ay isang hangal na mas madami ang pera kesa sa pagiisip?"

Matapos marinig ito, ang malamig na pawis ang tumulo mula sa noo ni Zhou Wen Bin. Ito ang unang pagkakataon na ang prinsipeng arrogante at mapagmataas, ignorante at walang kwenta, hindi siya hangal na madaling mauto.

Sa oras na ito, naguguluhan si Zhou Wen Bin. " Gong Xu… Gong Xu, hindi mo ito pwedeng gawin sa akin… hindi pwede…"

Sa nakalipas na ilang taon maayos ang lahat, hindi si nagpigil at nambastos sa madamig tao. Binabantayan din siya ng maigi ni Chu Hong Guang, gusto siyang paalisin sa kumpanya. Kung mawawala ang artistang tulad ni Gong Xu, hindi niya maisip kung ano pa ang pwedeng mangyari sa kanya...

Isang taong walang pasensya si Gong Xu; naabot na niya ang kanyang hangganan matapos niyang sayangin ang oras. Kung kaya, tumawag siya sa Human Resource Department.

Ang insidenteng ito ay nalaman ng marami, kaya alam na ng Human Resource Department ang tungkol sa insidente na nawalan na ng pabor si Zho Wen Bin. Naitanong na din nila agad kay Chu Hing Guang ang bagay na ito ng malaman agad nila ito.

Ang reaksyon ni Guang Hong Guang ay kitang kita na.

Kung kaya, matapos tumawag si Gong Xu, naayos na agad ng Human Resource Department ang paraan at proseso para mapalitan ang isang manager ng mabilisan.

Ang direktor mismo ng Human Resource Department ang personal na nagbigay ng kontrata sa pagpalit ng bagong manager.

Matapos makita kung gaano kabilis ang Human Resource Department, ang mukha ng great young master Gong ay kumalma. Kinuha niya ang kontrata mula sa direktor, pumunta sa pinakadulong pahina at pumirma sa pangalan niya. Matapos ay lumapit ng masaya kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, tignan mo ito. Kung wala kang problema dito, pirmahan mo na ito!"

Ang mga peach na mata ni Gong Xu ay papikit pikit, inuudyok si Ye Wan Wan. Ang kanyang utak ay puno ng magagandang mga pantasya.

Ah! Little Candied Plum ko! Ako'y lalamang dahil sa trabaho ko at makakagawa na ako ng paraan para may malaman tungkol kay Little Candied Plum o tanungin ang kanyang numero o iba pa...

Walang masabi si Ye Wan Wan sa nagbabagang mga tingin nito, ngunit kinuha pa din niya ang kontrata at pumirma sa pangalan niya.

Matapos makita ni Zhou Wen Bin ang pagpirma ni Ye Wan Wan sa pangalan niya, para bang nawala ang kanyang kaluluwa. Ang mukha niya ay namutla parang nawalan siya ng buhay.

Kinuha ni Gong Xu ang kontrata ng dalawa niyang kamay na para bang isang sangol at parang gusto niyang maging paru-paro at lumipad lipad sa kwarto. "Ye-ge, simula ngayon, ako ay iyo na!"

avataravatar
Next chapter