1075 Ako ang tatapos ng sinimulan mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagkagulo ang lahat pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan.

Ngumisi si Liang Mei Xuan. "Kalokohan! Ebidensya? Ano naman ang ebidensyang meron ka? Kaya bang magsalita ng singsing? Sayo ba ito dahil sinabi mong sa iyo ito?"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Pasensya na, Second Aunt, pero marunong magsalita ang singsing na ito."

Liang Mei Xuan: "Walang rason para gumawa ka pa ng iskandalo!"

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang pangangasar ni Liang Mei Xuan at gayunin ang kakaibang mga tingn ng mga manonood. "Tatanungin ulit kita, Second Aunt. Sigurado ka talaga na engagement ring ito ni Ye Yiyi, tama?"

Tiningnan siya ni Liang Mei Xuan. "Kalokohan! Syempre kay Yiyi namjn ang singsing na iyan! Tigilan mo na ang kalokohan mo, Ye Wan Wan. Hindi pwedeng maging kasinungalingan ang katotohanan at ang katotohanan ay hindi pwedeng maging kasinungalingan!"

"Ah?" Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan sabay kinuha niya ang singsing sa kamay ni Huang Ming Kun at seryoso siyang nagtanong, "Pwede palang ipaliwanag ni Second Aunt sa akin kung bakit nakaukit ang pangalan ko sa singsing na ito?"

Biglang nanigas si Liang Mei Xuan. "Anong… anong sinabi mo?"

Inabot ni Ye Wan Wan ang singsing kay Ye Hong Wei. "Lolo, Lola, tingnan niyo kung anong nakasulat sa loob ng singsing."

Dali-daling sumilip sa loob ng singsing si Ye Hong Wei at biglang nagbago ang itsura niya. "May… may nakaukit na 'Wan'... sa loob ng singsing…"

Nagulat rin si Tan Yi Lan. "May 'Wan' nga talaga! May ilang mga numero rin na mukhang birthday ni Wan Wan!"

"Impossible!" Mabilis na kinuha ni Liang Mei Xuan ang singsing.

Nabigka siya nang makita niya ang mga nakaukit sa sulat at numero sa loob ng singsing...

Maraming mga bisita ay biglang tumingin sa singsing ni Ye Wan Wan na may nakaukit na pangalan niya...

Bigla silang nagulat sa nakita nila.

"May 'Wan' nga na nakaukit dito! May birthday niya pa nga eh!"

"Ang… ang singsing pala na ito ay ang pagmamay ari ni Miss Ye, tama? Kung hindi, bakit naman nakaukit ang pangalan ni Ye Wan Wan sa singsing ni Ye Yiyi?"

"Sinabi pala ni Second Miss ang katotohanan? Pero bakit naman gagawin ito ni Liang Mei Xuan na isang mataas na tao?"

"Isang mataas na tao? Nakalimutan mo na ba kung paano pinasok ni Liang Mei Xuan ang Ye family noon? Nakababatang kapatid ni Liang Wan Jun si Liang Mei Xuan at nakikitira lamang siya sa Ye family. Bigla na lamang siyang nagkaroon ng relasyon kay Ye Shao An."

"Walang kapangyarihan o awtoridad si Liang Mei Xuan noong wala pang kapangyarihan si Ye Shao An, kaya walang nakuha si Liang Mei Xuan noong naging asawa siya ni Ye Shao An. Masasabi ko talaga na hindi imposibleng hindi siya magnanakaw!"

"Tsk tsk. Ang Second Master ng Ye familg na ang may kapangyarihan ngayon at hawak niya na ang lahat. Si Miss Ye siguro ang mapagbibintangan kung wala ang nakaukit niyang pangalan sa loob ng singsing…"

Lubhang pumutla ang itsura ni Liang Mei Xuan habang pinapakinggan niya ang usapan ng mga bisita. Hindi siya makapaniwala sa nga nangyari habang tinitignan niya ang singsing.

Hindi niya naintindihan kung paano nakalagay ang pangalan ni Ye Wan Wan sa loob ng singsing kahit na isipin niya itong maigi!

Kahit si Ye Yiyi at Huang Ming Kun ay nagulat rin at gayundin si Gu Yue Ze.

Ang singsing na ito… binili niya ito… paano nakaukit ang pangalan ni Ye Wan Wan sa loob nito?

Tinitigan ng masama ni Liang Mei Xuan si Huang Ming Kun at tinanong niya kung anong nangyayari. Gayunpaman, tulala rin si Huang Ming Kun at hindi niya alam kung anong nangyayari.

Pinanood ni Ye Wan Wan ang hindi makagalaw na si Liang Mei Xuan at kinausap niya ito habang siya ay nanlulupaypay, "Second Aunt, sinabi ko na kanina na ayaw kong palalain ang sitwasyon."

avataravatar
Next chapter