953 Ako ang pinaka malapit sa kanya!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Most Beloved Darling…

Nang makita ni Nie Tangxiao ang tatlong salitang iyon, ang kanyang munting mukha ay nanlamig.

Tuloy sa pagtunog ang telepono.

Nanataling lumalabas ang caller ID sa may screen.

Sa labas ng bansa, sa loob ng isang kilalang suite sa isang mamahaling hotel.

Nakasimangot si Si Ye Han habang hawak ang kanyang telepono.

Sa tuwing tumatawag siya kay Ye Wan Wan, inaayon niya ito sa kanyang schedule upang madali niya itong masagot, kaya dapat sinagot na niya ito kaagad. Gayunpaman, walang sumagot sa sandaling ito.

May hawak na isang madaming nakasalansang dokumento si Xu Yi, na nakatayo sa may tabi. "9th master, ano iyon? Hindi ba sinagot ni Miss Wan Wan ang kanyang telepono?" tanong niya.

Hindi sumagot si Si Ye Han. sa kanyang kamay, pinisil niya ang gitna ng kanyang mga kilay. Ramdam niya iyon kamakailan, hindi siya makapag pokus at masyadong nag-iisip ng kung ano ano.

Ito ay marahil hindi niya nakikita si Ye Wan Wan.

Matapang na sumagot si Xu Yi, "mayroong screening si Miss Wan Wan ngayon. Hula ko na baka maaga siyang pumunta sa may production team, kaya siguro abala na siya ngayon…"

Bumuntong hininga si Xu Yi sa loob loob niya. Ang kanyang master ay nakakatakot at malamig sa iba na parang walang ano man ang makakaapekto sa kanya, ngunit pagdating sa mga bagay bagay patungkol kay Miss Wan Wan...

Matapos ang sandaling paghihintay, bumukas ang tawag na para bang ito ay kusang mamatay dahil sa walang sumasagot ng tawag.

Ilalayo na sana ni Si Ye Han ang kanyang telepono ng biglang may sumagot ng tawag.

Gayunpaman, kahit na sinagot na ang tawag, wala paring nagsasalita sa kabilang linya.

Pinakita ng screen ang itinagal ng tawag, at ang sandali ay nagsimula ng bumilis.

Napaka bilis, limang segundo ang nakalipas at nanatili ang katahimikan.

Habang patuloy na binibilang ang segundo, unti-unting lumalalim ang tingin ni Si Ye Han.

Nananatiling tahimik na nakatayp si Xu Yi sa may tabi, inoobserbahan ang itsura ng kanyang master na naging kakaiba at nabalot ng pagkahinala.

Anong nangyayari?

Bakit walang nagsasalita?

Matapos ang isa pang sandali, wala pa ding nagsasalita.

Sinilip ni Si Ye Han sa ibaba ang screen ng kanyang telepono saka walang emosyong nagtanong, "sino ka?"

Ng marinig ang tatlong salita ng kanyang master, nagulat si Xu Yi.

P*ta! Anong nangyari?

Hindi si Miss Wan Wan ang sumagot ng telepono?

Gayunpaman, ang pwesto ni Xu Yi ay medyo malapit kay Si Ye Han, ngunit hindi niya naririnig na nagsasalita ang taong nasa telepono. Paanong nalaman ng kanyang master na hindi iyon si Miss Wan Wan?

Wala pading sagot mula sa taong nasa telepono matapos magtanong ni Si Ye Han.

"Doot doot doot…" hindi nagtagal, nagpadala ng tunog na pinatay ang telepono.

Tinitigan ni Xu Yi ang telepono at huminga ng malalim, hindi nagtatangkang gumawa ng ingay.

Paanong pinatay ng kamay ng ibang tao ang telepono ni Miss Wan Wan?

Sa sandaling iyon, umilaw ang telepono ni Si Ye Han. ito ay isang mensahe mula sa telepono ni Ye Wan Wan.

Tinitigan ni Si Ye Han ang notification. Siya ay tumingin dito saka niya pinindot ito ng kanyang daliri.

[At sino ka]

Kinumpirma ng mensaheng ito na hindi ito si Ye Wan Wan!

Ang paligid ay naging nakakahindak sa pamamagitan ng ilang degrees.

Direktang sumagot pabalik si Si Ye Han: [sana nasagot ng kanyang caller ID ang iyong tanong.]

Ang sagot na ito!

Isang tira K.O!

Ang caller ID ay Most Beloved Darling!

Kailangan pa nilang tanungin kung sino siya?

Ang kanilang relasyon ay malinaw na higit pa sa kaibigan, at maaaring masabi pa nga na siya ay ang pinaka malapit sa kanya!

Matapos ipadala ni Si Ye Han ang mensahe na ito, sa isang saglit wala ng sumagot mula sa telepono ni Ye Wan Wan.

Ilang oras ang lumipas at isang sagot ang sa wakas na natanggap. Sa loob ng mensahe ay...

[kagabi, natulog siya kasama ako.]

avataravatar
Next chapter