386 Aalagaan ako ng boyfriend ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Humarap si Si Ye Han sa babaeng nakataas ang dalawang kamay sa harap niya, matapos ng lahat, masunurin siyang naglakad patungo sa babae, binuhat niya ito at hiniga niya ang babae sa kama.

Mabilis na nagpalit ng damit si Ye Wan Wan, inayos niya ang kanyang bagahe at inilagay niya ito sa pader.

Sa unang palapag:

"Anong sabi mo? Sasama sa atin ang babaeng iyon?" Nabalot ng pangangamba ang damdamin ni Liu Ying nang marinig niya ang sinabi ni Xu Yi.

Hindi ko inasahan na sasama ang babaeng ito sa lalakarin namin para abusuhin niya si master dahil hindi niya ito mapigilan; napaka walang hiya niya!

Medyo naubo si Xu Yi. *cough* "Tama, kailangan siguro nating kumuha ng ilang mga babaeng bodyguards para sa ikagiginhawa ng lahat."

Kumukulo ang dugo ni Liu Ying. "Kalokohan! Importanteng bagay ang gagawin natin; bakit pa kailangang magdala ng babae? Mangugulo lang siya sa pakay natin!"

Nagbuntong hininga si Xu Yi. "Ay, wag kang magsalita ng masama sa kanya. Gusto mo bang mapagalitan ka ulit? Nakapag desisyon na si 9th master, kaya kahit ayaw mo siya, siya pa rin ang pinili ni 9th master…"

"Kung hindi lang sa kadahilanan na siya ang pinili ni 9th master, sa tingin mo makakapagtimpi pa rin ako hanggang ngayon kay Ye Wan Wan?"

Binalot ng galit ang mukha ni Liu Ying habang naka-hook ang braso ni Ye Wan Wan kay master at naglakad sila palabas ng bahay ng may panibagong mga damit.

Meron rin siyang dalawang bodyguard sa kanyang gilid, hinihila nila ang kanyang bagahe para sa kanya.

May pink na maliit na carry-on si Ye Wan Wan, isang malaking bagahe at may mas malaki pang itim na bagahe na nasa 30 inches ang laki nito na dinala niya galing sa kanyang apartment noong isang gabi.

Pagkatapos ilapag ang mga bagahe niya, nagsitaasan ang mga kilay nila sa ibat-ibang bagahe ni Ye Wan Wan, lalo na ang nakakabigla sa laki na bagahe.

Andami niya namang dinala--mag ba-bakasyon ba ang senyoritang ito?

Walang pakialam si Ye Wan Wan sa mga tingin sa kanya ng mga tao, nagbabala siya nang hindi nag-iiba ang kanyang ekspresyon: "Lahat ng nasa loob nito ay ang importante kong mga damit ang makeup - maingat ako sa mga gamit ko kaya 'wag niyo silang wawalain. Lalo na yung color black na bagahe."

"Opo, Miss!" mahinang sinabi ng mga bodyguards.

Tumakbo papalapit sa kanila si Liu Ying at balisa siyang humarap kay Si Ye Han. "Master, mahaba ang byahe at masama ang kondisyon ng mga kalsada. Kapag dinala pa natin si Miss Ye, parating maantala ang byahe natin."

Ang ibig sabihin niya ay makakaabala si Ye Wan Wan sa kanila.

Niyakap ni Ye Wan Wan ang braso ni Si Ye Han, ngumuso siya at tumingin patagilid kay Liu Yin. "May boyfriend ako na mag-aalaga sa akin. Hindi ba masyado kang nag-aalala Liu Ying, ha?"

Napahiya si Liu Ying sa sinabi ni Ye Wan Wan. "Pupunta si master sa isang importanteng business meeting. Kung may pakialam ka kay master, dapat hindi mo siya inaalabala sa mga gawain niya…"

Bago matapos ang pananalita niya, tiningnan siya ng masama ni Si Ye Han. "Liu Ying."

Nawala ang higpit ng kamao ni Liu Ying nang marinig ang babala ng kanyang master at agad siyang nanahimik.

Alam ni Ye Wan Wan na katabi niya pa rin si Si Ye Han kaya umangat ang kanyang ulo. Hinalikan niya ang mga pisngi ni Si Ye Han dahil para sa kanya, hindi pa umaabot sa sobrang galit si Liu Ying kaya kailangan niya pa itong asarin.

Masaya na siya basta't nagagalit si Liu Ying.

Tulad ng inaasahan, lalong nagalit at kumulo ang dugo ni Liu Ying nang makita niya ang "walang hiya" na ginawa ni Ye Wan Wan.

Nakangiwi na ngumiti si Ye Wan Wan, kumulot ang mga labi niya at tumingin siya kay Liu Ying bago niya sabihin ng mahina, "Para sa akin, dapat mag-alalaka sa sarili mo~ wala akong magawa kundi basahin ang kapalaran mo-- makakatagpo ka ng malas na pangyayari sa unang araw mo sa country B. Tsk tsk, mag-ingat ka!"

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, malaking bagay ang insidenteng ninakawan si Si Ye Han. Pagkabalik ni Si Ye Han at ang mga kasama niya noon, nalaman ni Ye Wan Wan ang tungkol sa nangyari, kahit ang maliliit na detalye sa pag-uusap-usap nila.

Sa naaalala niya, natandaan niya na nagkaroon ng kaaway si Liu Ying sa una araw niya sa country B ngunit hindi niya alam ang rason sa away na iyon; natandaan niya rin na nagkaroon ng aksidente si Liu YIng na nabasag ang ulo niya.

"Ikaw…" naisip ni Liu Ying na sinusumpa siya ni Ye Wan Wan; halos sumabog baga niya sa sobrang galit niya kay Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter