409 "Nabahiran" ang Master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inakala nilang lahat na siya ay isang duwag na interesado lang iligtas ang kaniyang sarili - sinong mag-aakala na siya ang mamumuno upang maayos ang hindi nila mapagkasunduan...?

Sa ilalim ng namamanghang tingin ng mga taga bantay at ang malalamig na tingin ni Liu Ying at ng iba pa na hindi pa din alam ang katotohanan, ang babaeng naka itim na chiffon dress ay dahan dahang naglakad patungo sa kabilang grupo. Ang gintong seda ay naglalabas ng malamig na awra ng siya ay nagsalita: "Ang mga taong nakaharang sa ating daan ay wala na. Ngayon, maaari na nating simulan ang ating inhinanda..."

Si Eleven at ang ibang taga bantay ay hindi nagdalawang isip sa mga sinabi ni Ye Wan Wan at sinundan siya na parang mga anino niya.

Napasigaw si Liu Ying, "Bruha! Patayin mo kami kung gusto mo! Huwag ka magsalita ng mga walang kwenta!"

Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, ang gilid ng kanyang labi ay umangat - bakit hindi niya maiwasan ang pagtawag ng "bruha"?

Itinago ni Ye Wan Wan ang kanyang emosyon. Nanatiling ang kanyang malamig na titig at itinaas niya ang kanyang kamay.

Nakuha ng Dark Team 1 ang hudyat at biglang pinalibutan ang lahat.

Sila ang pinakamahuhusay na tauhan ni Si Ye Han, kaya natural lang na, ang lahat ng natitirang mga tao dito ay walang tapat sa kanila. At saka, si Liu Ying at Song Jing ay sugatan na.

Si Liu Ying at ang iba ay walang magawa kundi ang panuorin na lang ang mga kasamahan nila na isa isang pumapasok sa teritoryo ng mga lobo, pagkatapos makatakas sa kweba ng tigre.

Hindi magandang ideya na manatili pa sila doon, kung kaya hindi na pinatagal ni Ye Wan Wan. Sumunod sa utos ni Ye Wan Wan, si Liu Ying at ang iba ay "dinakip" at madaling dinala sa ligtas na lugar.

Matapos masigurado ni Ye Wan Wan na wala na sila sa panganib, lumabas siya sa kotse at naglakad patungo sa kotse na nasa gitna.

Binuksan ni Eleven ang likod na pintuan ng kotse para sa kanya. Ang nakikita lamang ni Ye Wan Wan ay ang takot at nanlalamig na lalaki na nasa loob ng kotse.

Nang makita niyang muli si Si Ye Han, may hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso.

Kahit na ang proseso ay napaka delikado, binago na niya ng tuluyan ang dati niyang ginawa sa dati niyang buhay.

Ang mga nangyari sa kanyang dating buhay ay hindi na muling mauulit - si Si Ye Han ay hindi na malubhang masasaktan at ang kondisyon niya ay hindi na kasingpinsala tulad sa dati; magkakaroon na siya ng pagkakataong gumaling muli...

Nag simula na siyang magplano simula pa lang ng malaman niyang pupunta sa country B si Si Ye Han isang linggo na ang nakalipas.

Gamit ang lahat ng lakas at kakayahan, nagawa niyang pigilan ang insidente na mangyari sa simula pa lamang, kung kaya ito lang ang natitirang paraan - kailangan niyang gamitin ang mga sikretong nalaman niya mula sa dati niyang buhay upang magpanggap bilang nagiisang kinakatakutang kalaban ng Murderous Blood Gang - ang Rosas ng Kamatayan.

Sa totoo lang, wala siyang karanasan sa pagiging bastos, malupit, mala demonyong babae, ngunit salamat na lang, dahil ng makuha niya ang tungkulin, madali lang pala ito hindi tulad ng kanyang inaasahan. Dagdag pa dito, Ang Dark Team 1 ni Si Ye Han ay sobrang sanay at mahusay magtrabaho sa kanya, kung kaya naloko nila ang mga taong iyon. Natakot din nila kahit si Qiu Hon Hai na siya mismo ang bumaril kay Grim Reaper Eugene.

"Huwag mong hawakan ang master ko!" Palapit pa lamang ang kamay ni Ye Wan Wan ng bilgang nagsimulang sumigaw si Liu Ying na parang baliw.

"Paano kung gusto ko siya hawakan, ha?" Nagsasalita si Ye Wan Wan habang dahan dahan niyang hinaplos ang mukha ni Si Ye Han.

Sumunod nito, sa ilalim ng mga mata ng lahat, yumuko si Ye Wan Wan at nilapit ang kanyang mapulang labi sa malamig at manipis na labi ng lalaki.

"Ikaw! Papatayin kita ——"

Ng makita niya na "nabahiran" ang kanyang master, biglang sumabog sa galit si Liu Ying.

Pinanuod ni Ye Wan Wan na sugurin siya ni Liu Ying. Nanatili siyang tahimik habang nasa tabi ni Si Ye Han ng hindi nagbabago ang kanyang itsura.

Tulad ng inaasahan, nang makalapit si Liu Ying sa kanya, agad siyang pinigilan ni Eleven na nasa tabi ni Ye Wan Wan - hindi man lang niya nahawakan ang dulo ng damit nito.

Tutal hindi pa niya ramdam na sapat na ang galit ni Liu Ying, tinignan ni Ye Wan Wan ng bahagya ito at sinabing, "Tsk, parang ayaw ko lang siyang hawakan, kundi gusto ko din siyang kasamang matulog!"

Lahat ng taga bantay na nasa gilid: "..."

*cough cough* Binibining Wan Wan, huwag ka na pong magbiro...

Hindi man binugbog hangang mamatay si Liu Ying ng Murderous Blood Gang ngunit halos mamatay naman siya sa galit dahil sa kanya...

avataravatar
Next chapter