webnovel

Bad day

"Pass the paper now!" Utos ng Propesor.

Binilisan ko ang lakad patungo sa mga kaklase ko na nakatumpok, "Kumpleto na ba kayo? Sali naman ako."

Inagaw muli ng Propesor ang aming pansin. Humiyaw na siya sa pagkakataong ito, "I said pass the paper now! Alam niyong ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako!"

Tumindig ang balahibo ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na sensasyon sa mga ugat ko. Pinasa na nila ang papel nang hindi naisusulat ang pangalan ko.

"Hala Alison, 'di kita nasulat dun!" Si Grace nang mapagtanto ang nangyari.

Nakita kong nagsiikutan ang mga ulo nila sa akin. Kahit hindi ako tumingin nang direkta, ramdam ko ang panghihinayang nila.

Wala akong sinisisi sa nangyari. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahang mangyayari.

"Why is the documentation committee only has five members? You are suppose to be six right?" Magkasalubong na kilay ang ipinukol sa amin ng Propesor.

"Sir, Allison's name was not written." Mabilis na tugon ni Grace.

"Who's Allison? Where is she?" Tumaas ang tono ng boses niya, senyales na ito'y galit na.

"S- sir." Itinaas ko ang aking kanang kamay. Napukol nito ang atensyon ng buong klase.

"Don't you have feet to stand?" Sabi niya sabay inikot ang mata.

Marahan akong tumayo na sa paanan lang ang tingin. Kagat-kagat ko rin ang ibabang bahagi ng labi. Kinakabahan ako.

"Each group has only six members. Does it really require several minutes just for writing names?"

Natahimik ang buong klase sa naturan ng Propesor. Nangingitid ako sa aking kinatatayuan, alam ko kasing nakatingin siya sa akin.

"Ayaw ko ng makupad. Write your name here." Marahas nitong saad.

"Sige na Allison. Isulat mo na pangalan mo doon." Bulong ni toGrace na nasa tagiliran ko.

"May mas ikukupad pa ba yan hija?" Hindi man lang kumurap ang mata ng Propesor. Tila nakadikit ang paningin nito sa akin.

May kung sinong nag-abot sa akin ng ballpen. Kinuha ko iyon at lumapit na sa harap. Pagewang-gewang na ang sulat ko. Iniisip ko kasing bibigwasan ako ng Propesor sa mga sandaling iyon.

SINULYAPAN ko ang orasan. Pasado alas otso pa lang ngunit narito na ako sa kama. Hindi ito ang normal na oras ng tulog ko. Habang nag-aayos ng bedsheet, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Magtatatlong buwan na rin pala nang magsimula ang semester. Pinangako ko sa sarili ko na ngayong nasa kolehiyo na ako, mas magiging sociable ako para magkaroon ako ng maraming kaibigan. Maraming maraming kaibigan.

Ayos naman sa simula. Umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari. Ngunit nagbago ang lahat bunsod ng mga kaganapan na lubos na sumira sa pangako ko sa aking sarili. Sariwa pa sa isipan ko ang bawat pagpilantik ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at kalungkutan.

Nakatago sa kabinet ang isang espesyal na sulatan. Hinigit ko ang pihitan ng kabinet at iniluwa nito ang sulatan na aking tinutukoy. Dahil sa pagkakabagsak nito sa sahig, nabawasan na rin ang ilang alikabok na bumabalot dito. Pinagpagan ko ang natirang alikabok gamit ang palad.

Kapansin-pansin ang selyo sa pabalat nito. Hindi ko pinagsasawaang basahin at titigan ito nang paulit-ulit. Ito lamang ang nag-papaalala sa akin na kahit wala man akong boses upang sabihin ang aking nararamdaman, may kakayahan naman akong isatitik ang lahat ng ito.

"What can't be said can be written." Pinasadahan ko ito ng aking palad.

Sabik kong binuksan ang pabalat. Nagsimula na akong magsulat sa unang pahina nito.

Ika- 25 ng Agosto 2019

8:06 ng gabi/araw ng Martes

Aking kaibigan,

Ngayon na lang ako ulit magsusulat. Huling sulat ko sayo ay noon pang grumaduate ako sa Senior High, naalala mo pa? Ewan ko ba, halos lahat ata ng sinulat ko puro kadramahan. Pagpasensiyahan mo na kung ganoon palagi, sabihin mo lang kung napupurga ka na ha? Pero ngayon, may sasabihan lang ako sayo. Alam ko nakikinig ka.

Naalala mo ba yung promise ko sayo dun sa last letter ko? Sabi ko dun, once na tumuntong ako sa college, I'll make out a lot of friends. Alam mo naman ako, I am desperately longing for friends, buti nga nandyan ka eh, kahit di ka nagsasalita. Grabe yun, alam mo sinubukan ko talagang maging madaldal. Alam mong ayaw ko ng mga non-sense na usapan pero dahil ganung usapan ang patok sa kanila, pinilit kong dumaldal, yung basta ba makasabay ka. Pag di ka kasi nakakasabay, talagang mapag-iiwanan ka. Ilang beses ko ng pinagdaanan yan. Paulit-ulit na.

Masaya ako dahil natutupad ko ang promise ko sa sarili ko. Nagkaroon ako ng circle of friends. Anim kaming lahat sa grupo. Tatlong babae, dalawang bakla at isang lalaki. Ito yung masasabi kong "dreamed circle of friends" dahil halos lahat ng katangian na gusto ko sa kaibigan ay nasa kanila. Nakilala ko sila nang lubusan within the half of the semester. Halos lahat sila may ibubuga sa acads. Ito ang gusto kong mga kaibigan, maiimpluwensyahan ka nilang mag-aral nang mabuti. Masaya sila kasama, di nauubusan ng tawanan at asaran. Everything seems to go in the right place. Hanggang sa nangyari ang isang bagay na hindi ko lubos inaasahan.

Sinabi ng aming Propesor, seminar daw ang midterms namin sa kanya. That seminar would compose six committee with six members each. He let us decide kung sino ang magkaka-grupo. Nanabik ako sa ideya na iyon. Hindi na kami mahihirapan pa dahil saktong anim na kami sa grupo. Nasa likod ko si Coleen, siya ang naglabas ng 1/4 at nagsimulang maglista ng pangalan. Nakapalibot na rin ang apat pa naming mga kaibigan para magpalista. Nang maisulat ni Coleen ang pangalan niya na siyang una sa listahan, narinig kong nagsalita ang isa sa aming kaibigan, si Dan. Ang sabi niya kay Coleen, ilista niya na raw lahat ng nasa gc nila dahil kumpleto na silang anim doon. Nakapagtataka, kung mayroon man kaming gc, edi sana naroon ako. Sa buong pagkakaalam ko, wala pa naman kaming gc.

Makailang ulit na akong bigkas sa pangalan ko upang mailista rin ngunit parang walang naririnig si Coleen. Hanggang sa namalayan kong ang ikaanim na pangalan ay hindi akin, kundi ito ay sa isa naming kaklase. Sa madaling salita, wala ako sa grupo nila. Sa grupo ng mga itinuring kong kaibigan. Nag-sorry sa 'kin si Coleen. Kumpleto na raw kasi sila kaya hindi na ako maisasama.

Pansamantala ko munang ininda ang sakit na maiwan, ay mali, iniwan pala. Kailangan kong maghanap ng bagong kagrupo. Noong mga panahong iyon, pakiramdam ko ay walang tatanggap sa akin. Bakit ka nila tatanggapin sa grupo, hindi ka naman nila kaibigan. Samantalang yung mga itinuring mong kaibigan ang siya pang hindi tatanggap sayo.

Bakit kaya nila ako iniwan?

Malaking palaisipan ang tanong na iyan sa akin. Alam mo naisip ko, baka naman kasi hindi talaga ako kabilang sa kanila sa simula pa lang kaya wala silang rason para mang-iwan. Ang sakit isipin kung iyon nga ang katotohanan. Mahirap tanggapin. Simple lang naman ang gusto ko eh...kaibigan. Ayos na sa akin kahit hindi marami. Basta meron.

Nakakainggit yung mga taong maraming kaibigan. Someone will celebrate with them in there ups, and someone will comfort them in there downs. Iniisip ko nga, baka ako lang yung taong ganito. Masyadong naghahangad ng kaibigan pero hindi naman deserve na magkaroon. Seems like you're thirsty of victory but loss is what actually you deserve. Totoo nga siguro yung sinasabi sa akin, hindi ako kakaibi-kaibigan. Ano bang mali sa akin? Sinubukan ko naman eh. Sinubukan ko nang sinubukan. Bakit gano'n?

Allison,