webnovel

Extradural Haematoma

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Elie POV:

"Doc Elie!" napabaling ako ng tingin sa likuran kung saan may tumawag sa pangalan ko.

"Yes Nurse?" si Nurse Mhilez pala.

Isa si Nurse Mhilez sa limang Nurses na nandito sa loob ng aming center. Tatlo ang babaeng Nurses dito - sila Nurse Mhilez, si Nurse Briana at ang Head Nurse na si Nurse Dory.

Samantalang dalawa naman ang lalaking Nurse dito sa center si Nurse Alfonzi at si Nurse Jerry na magkapatid-kambal.

"Nandoon na po yung mother ni Angelika sa loob ng check up room, Doc" paglalahad ni Nurse Mhilez sa akin.

"How about yung X-ray for sa Spinal Cord?" pagtatanong ko sa kanya at malawak ang pagkakangiti nito bago siya sumagot sa akin.

"Nandoon na din po Doc, kayo nalang ang hinihintay" tugon sa akin ni Nurse Mhilez.

"Thank you Nurse" nakangiti kong pasasalamat sa kanya bago ako nito talikuran.

Napabaling muna ako sa paligid kung saan makikita ko ang ilang emergency patients na nakahiga sa mga higaan.

Dalawa kasi ang station ng aming center dito sa Neurosurgeon Department.

Dito sa aking kinatatayuan ay ang emergency center para sa mga Neurosurgeon Patients kung saan dito isinusugod ang mga pasyenteng kinakailangan ng Treatment sa kanilang mga disorders patungkol sa central at peripheral nervous system kasama doon ang trauma, congenital anomalies, tumor sa utak, vascular disorders, inpeksyon sa utak at sa likurang buto, stroke at iba pa.

May malaking pintuan dito sa kaliwang bahagi ng aming center kung saan doon pumapasok ang stretcher na naglalaman ng pasyente. Samantalang Hybrid at Emergency Bed naman ang tawag sa tag-limang higaan na nandito sa loob ng center.

Ang isang station naman ng aming center dito sa Neurosurgeon Department ay matatagpuan lamang sa itaas na bahagi kung saan doon mo makikita ang ICU (Intensive Care Unit) doon dinadala ang mga pasyenteng nalunasan at katatapos lang ng surgery o pag-oopera. May mga wards o kwarto doon para sa mga pasyente at meron din namang sa VIP rooms para mga patients na pinipiling humiwalay sa ibang pasyente.

Nakangiti lang akong nakatingin sa paligid ng marinig ko ulit ang over acting na hiyaw ni Ron sa kanyang pagkakadapa.

"Ang sakit! Ang sakit sakit!" napabaling ako ng tingin dito.

"Ron tumayo kana diyan, pagkatapos ko ng check up puntahan natin si Elo sa ICU" pag-kausap ko sa oa na lalaki.

"Ah! Ang sakit! Ang sakit-sakit!" atungal na tugon nito sa akin habang nakasalampak parin siya sa sahig.

Napabuntong hininga ako bago ko balingan ng tingin si Erjun.

"Ayusin mo yan Erjun, isusumbong kita kay Mike" madalas kasing mag biruan ang dalawang iyan kapag magkasama.

Tinalikuran ko na ang dalawa bago ako naglakad patungo sa aking pupuntahan.

"Nurse Jerry" pagtawag ko sa lalaking Nurse na nakatayo sa station nila dito sa loob ng center.

"Yes Doc?" tugon nito sa akin ng tumigil ako sa harapan niya.

"Tawagan mo na ang kambal" patukoy ko sa dalawang first year resident na sila Clawmin at Arvin.

"Sige po Doc" nakangiti nitong tugon sa akin.

"Thank you" pasasalamat ko sa kanya bago ko na ituloy ang aking pagtumbok sa pupuntahan ko.

Nakaharap na ako sa dalawang pintuan dito sa kanang bahagi ng aming center.

Sa kaliwang bahagi ay ang Doctor's Room kung saan dito kami nagmi-meeting at nag-aaral patungkol sa iba't-ibang uri ng Disorder o Disease, nandito din sa loob ang locker room ng bawat isa.

Ang Check Up Room naman ang nasa kanang bahagi kung saan nandito ang opisina ng bawat Resident at Doctor para sa mga pasyenteng kailangan ng pagsusuri.

Sa Doctors Room muna ako papasok dahil isusuot ko muna ang Doctors Gown. Metal ang pintuan ng kwartong ito at may maliit na salamin sa gilid kaya kita ko ang taong nasa loob.

Tuluyan ko na itong binuksan at doon ko nakita si Nisa na naka-upo sa upuan habang nakaharap sa kanyang laptop.

Si Nisa ay isang Fifth Year Resident na katulad ni Erjun at hindi ko maitatanggi na magandang binibini ang babaeng ito. Nakapusod ang kanyang buhok habang suot-suot ang kanyang Doctor Gown na bumabagay sa kulay ng maputi niyang kutis.

Nakita ko ang pag pindot ni Nisa doon sa kanyang laptop hudyat na itinigil niya ang kanyang pinanonood.

"Good-Good morning Doc!" nakangiti nitong pagbati sa akin.

"Good morning" pagbati ko din sa kanya kasabay ng pagtumbok ko sa upuang nasa harapan niya lang dahil doon naka patong ang aking doctor gown sa upuan.

"Ano puyat ka na naman ba?" nakangiti kong tanong sa kanya ng tumigil ako sa harapan niya.

"Doc ngayon nalang talaga 'to promise" nakangiting tugon nito sa akin at itinaas pa niya ang kanyang kaliwang kamay na tila siya ay sumusumpa.

"Pasalamat ka at maputi yang balat mo dahil hindi halata ang eye bags mo" wika ko sa kanya matapos niyang ibaba ang kaliwa nitong kamay.

Kinuha ko na ang Doctor Gown na nakapatong sa upuan at doon sinimulang suotin.

"Ano na naman ba 'yang pinanonood mo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang aking suot.

Nakangiti si Nisa ng iharap niya sa akin ang laptop niya.

"Yun parin Doc, twogether the series parin" napatingin naman ako doon sa screen ng laptop niya bago ako muling bumaling sa kanya.

"Hindi pa 'yan tapos? Nung nakaraan buwan mo pa pinapanood 'yan ah?" takang tanong ko dito habang inaayos ko ang collar ng aking suot.

Nakangiting ibinalik ni Nisa ang pagkakaharap sa kanya ng laptop.

"Last episode na 'to Doc kaya tapos na, hindi na ako magpupuyat" nakangiti parin nitong tugon sa akin "Pero I'm sad Doc" bigla-bigla naman ang pagbabago ng mukha ni Nisa.

"Oh bakit naman?" tugon ko sa kanya.

"Kasi Doc wala silang scene na hinahanap ko" wika nito sa akin.

"Anong scene?" takang tanong ko sa kanya dahil wala naman akong ka-ide-ideya sa pinapanood nito.

"Wala kasi silang sex scene dito sa series pero doon sa novel na nabasa ko Doc meron" malungkot na lahad ni Nisa sa harapan ko kaya napabuntong hininga nalang ako sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na magagamit natin 'yang panonood mo ng mga series na yan sa mga pasyente natin ha" patukoy ko sa lenggwaheng naririnig ko tuwing nanonod siya.

"Alin Doc? Yung thai language?" tugon nito sa akin at tumango naman ako dito.

"Oo, kapag nagkaroon tayo ng Thailander na pasyente ikaw ang ihaharap ko" nakangiti kong wika sa kanya.

"Sure Doc! Inaaral ko na din kasi yung mga salita nila, madami na din akong nalalaman sa panonood ko" tugon sa akin ni Nisa.

Hindi kasi ako mahilig manood ng ganiyang palabas kahit na ganito ang sekswalidad ko, kahit mga pinoy drama o telenobela ay hindi ako mahilig manood. Mas okay pa sa akin ang musika.

"Sige nga ano sa Thailand ang Hello?" pagtatanong ko kay Nisa.

"Doc wala bang mas mahirap?" tila pagmamayabang nito sa akin kaya napailing naman ako.

"Basta ano nga ang Hello? Hindi ko kaya ala---"

"Swadee kha, swadee kha Doc" pagputol nito sa sinasabi ko.

"Swadee kha?" tugon ko sa kanya.

"Yes Doc, pero hindi swadee kha yung dapat na sasabihin mo dapat ay swadee krub" pagtuturo nito sa akin.

"Swadee krub?" wika ko sa kanya.s

"Yes Doc, sa Thailand kasi Doc kapag babae ka ang palagi mong gagamitin sa mga words ay kha parang 'putangina kha' ganern! tapos kapag lalaki ka naman ang dapat mong gamitin ay krub ---"

"Putangina krub?" pagputol ko sa kanya.

"Yes Doc! Ganyan nga ang rules doon" pagsasalay pa nito sa akin kaya sinaway ko ito.

"Marinig ka ni Doctor Mike na nagmumura makakatikim ka na naman doon ng sigaw" pananakot ko sa kanya at tumawa lang ito sa akin.

"Hindi lang ako ang nagmura Doc Elie! Ikaw din, ikaw din nagmura ka" tugon niya sa akin at gulat ko ng iharap niya ang laptop sa akin.

"Oh may patunay ako Doc" doon niya pinindot ang laptop kung saan naka record pala ang pag-uusap naming dalawa.

"Putangina krub?"

"Putangina krub?"

"Putangina krub?"

Paulit-ulit na nagpe-play ang boses ko doon kaya napatawa nalang kaming dalawa ng Resident na ito.

"Gaga ka kahit kailan" wika ko sa kanya bago niya muling iharap sa kanya ang laptop "Bukod sa swadee-kha ano pang alam mo?" sunod kong wika dito.

"Doc, kabisado ko yung paalala nila sa bawat palabas nila sa thailand tv" giyang na sabi ni Nisa.

"Anong paalala?" taka ko ulit na pagtatanong sa kanya.

"Yung parang mtrcb Doc yung kailangan ng patnubay keme-keme" tugon niya sa akin.

"Ah, sige paano yun sa Thailand?" wika ko kay Nisa.

"Ganito Doc" pasimulang wika ni Nisa at para itong engot na pinagsuklob ang kanyang dalawang kamay at inilagay sa kanyang harapan na tila isang reporter at ang mukha nito ay naging seryoso.

"Raikantopeni mosomropuchom tiwi ayusipatpi keun pai atmiphap, sieng, reunuha deetongchai weechinenaya naegan rapchom puchom tiwi ayunoi kwa sipatpi kunderap kanetnam" feel na feel na wika ni Nisa sa mga salitang banyaga na wala akong naintindihan.

Magre-react pa sana ako sa sinabi niya ng marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan kaya doon ako napabaling.

Si Nurse Mhilez ang kumakatok.

Nakatingin lang ako kay Nurse Mhilez ng maalala kong may naghihintay pala sa akin sa Check Up Room.

"Shet! may check up pala ako" mabilis kong tinumbok ang pintuan at doon lumabas kahit na hindi na ako nagpaalam sa babaeng nilibang ako.

"Doc may naghihintay po sa inyo sa kabila" bungad ni Nurse ng makalabas ako ng Doctor's Room.

"Kaya nga ih, nilibang kasi ako ni Nisa" hiya kong wika kay Nurse Mhilez at hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ko nang tinumbok ang Check Up Room.

ㅡㅡㅡ

"No need for medication and braces na po para sa likod ni Angelika" nakangiti kong wika sa dalawang babae sa harapan ko.

"Nako salamat sa Dyos na may Kapal salamat po jusko"galak na galak na wika ng ginang sa harapan ko at nagawa na nitong halikan ang dalagita niyang anak sa magkabilang pisngi.

Tahimik lang akong nakangiti sa dalawang mag nanay sa harapan ko.

Nakasuot ng ploral na bistida ang ginang samantalang naka unipormeng pangpasok ng isang sikat na unibersidad si Angelika. Minabuti nilang makapunta dito sa ospital para sa follow check up ng likuran ng dalaga dahil sa kanyang Scolios.

"Doctor Elie salamat po" napa-igtad ako ng mabilis na hawakan ng ginang ang aking mga kamay na nakapatong sa lamesa "Doc salamat po, maraming salamat po" tila naiiyak na dagdag pa ng ginang habang mahigpit na naka-hawak sa aking kamay.

"Doc thank you po" nakangiting pasasalamat ng dalaga sa aking harapan.

"Walang anuman po" galak kong tugon sa kanilang dalawa "Basta wag mong lang tatagalan ang pag-yuko mo Angelika at wag na wag ka ding matutulog ng nakadapa" paalala ko sa dalaga.

Ang pagtulog ng nakadapa para sa mga may Scoliosis ay hindi maganda para sa kanilang likuran, mas maari pang makaapekto sa pagkakabaluktot ng kanilang buto sa likod ang pagtulog ng nakadapa.

"Noted Doc" nakangiting tugon ng magandang dalaga.

"Doc ano po bang dahilan kung bakit nag karoon ng Scoliosis ang anak ko?" binitawan na ng ginang ang pagkakakapit niya sa mga kamay ko.

Umayos naman ako ng upo bago ko sagutin ang tanong sa akin ng ginang.

"Unknown po kasi talaga ang causes ng Scoliosis and mostly nag o-ocur lang siya sa mga female and tulad nga po ng ikinuwento niyo noong unang punta niyo dito sa ospital na ang kapatid po ng asawa niyo ay may anak ding babae na may Scoliosis, tama po ba?" nakangiti at may pagkaseryoso kong wika sa ginang.

"Opo Doc" tugon nito sa akin.

"Heredity po yung dahilan kung bakit may Scoliosis si Angelika marahil nakuha niya po ito sa side ng Papa niya dahil ang pinsan nga po niya ay may Scoliosis din" lahad ko sa ginang at kita ko ang pagtango nito.

"Wala din pong katotohanan na ang pag-upo ng hindi wasto at pagtungo ng matagal ay isang sanhi ng Scoliosis, wala pong katotohanan 'yon" salaysay ko pa sa harapan nila bago ko kuhanin sa kanang side ng lamesa ang X-ray ng Spinal Cord ni Angelika.

Inilapag ko ito sa puting lamesa ko kaya mas na-aaninag ang pustura ng x-ray ng spinal cord.

"Dahil nineteen years old na po si Angelika nag-stop na po yung pag grow ng height niya dahil na din sa medication na ginawa natin" salaysay ko sa kanila.

"Okay lang po Doc, mas matangkad na nga po itong si Angelika sa akin" tila natatawang wika ng ginang.

"Nay" nahihiyang tugon ni Angelika.

Pansin ko ngang mas matangkad ang bulto ng katawan ni Angelika kaysa sa nanay niya. Hinayaan ko muna silang magtawanan bago ako muling magsalita.

May kinuha akong isang x-ray doon sa gilid bago ko itinabi sa x-ray ng spinal cord ni Angelika.

"Ito po yung normal na shape ng spinal cord ng tao" itinuro ko sa kanila ang x-ray ng aking likuran at doon nila iyon tiningnan.

"Sa upper part po ay makikita natin ang letter c shape ng vertebrae" pagturo ko sa itaas na parte ng spinal chord na nasa may batok at nakita ko naman ang pagtango nila "Then sa middle part po ay baligtad na letter c shape" ibinababa ko ang daliri ko papunta doon sa gitnang parte.

"At letter c shape ulit sa ibabang parte" pagkatapos kong ituro sa kanila ang normal na spinal cord ay inilipat ko ang aking daliri sa x-ray ng Spinal Cord ni Angelika.

"Thoracic yung Scolio ni Angelika so sa bandang taas po ng Spinal Cord niya ay makikita niyo na hindi siya letter c shape dahil thirteen degrees po yung scolio niya" humarap ako sa kanila para isalaysay muli ang tungkol sa lala ng mga scoliosis.

"Like what I said before na thankful tayo dahil thirteen degrees lang po yung Scolio ni Angelika dahil kapag naging twenty-degrees po 'yan ay kailangan niyang mag braces sa likod and mas massive po kung aabot siya sa thirty to fifty degrees dahil need ng i-surgery yung mga ganoong cases" pagsasalaysay ko sa kanila.

"Salamat sa Diyos at naagapan namin Doc ano po?" may pag-aalala sa mukha ng ginang.

"Opo, mabuti po at maaga niyong nadala si Angelika dahil kaunting medication lang ang kailangan niyang gawin"

ㅡㅡㅡ

"Ron let's go!" pagtawag ko kay Ron mula dito sa exit door ng aming center.

"Doc Elie kain ka muna dito!"

"Doc buko pie oh!"

"Doc mamaya naman! Nakain pa ako oh!" hiyaw sa akin ni Ron habang subo-subo ang buko pie sa kanyang bibig.

Nandoon kasi sila sa Nurse station at salo-salo silang kumakain ng buko pie na bigay daw ng isang pasyente namin.

"Kukunin ko pa yung inorder kong milktea doon sa Bon Appetea" dahil sa winika ko sa kanila ay sabay-sabay silang nagsigawan doon sa pwesto nila kaya napatawa naman ako.

"Wow!"

"Yun oh!"

"Umalis kana kasi Ron! Samahan mo na si Doc!"

"Samahan mo na si Doc Elie!"

Sigawan nila doon sa station kaya napailing nalang ako at tuluyan ng lumabas sa loob.

"Wait lang Doc!" rinig ko pang sigaw ni Ron pero hindi ko na iyon pinansin at naglakad na palabas at doon tumigil sa waiting area dito lang din sa labas ng center.

Nakangiti lang akong nakatayo sa aking pwesto ng makita ko ang bulto ni Mike na papalapit sa pwesto ko at hindi ko naman malaman kung saan siya tumitingin.

Gwapong-gwapo si Mike sa suot niyang Doctor Coat habang may nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg.

Nasabi ko ba sa inyo na tuwing magkasalubong ang kilay ni Mike ay mas lalong lumalabas ang alindog ng pag ka-gwapo niya?

Malawak ang pagkakangiti ko dahil kita ko ang gwapong pagka-iritado ng mukha ni Mike, ano na naman kayang problema?

Kahit magkasalubong ang kanyang mga kilay ay ngumingiti ito sa mga nakakasalubong niyang bumabati sa kanya.

Tuwing nakikita kong naka-suot si Mike ng Doctor Coat ay naaalala ko yung first time naming nag-suot ng official na Doctor Coat noong first year namin sa Medicine.

Nasa dressing room kaming dalawa ni Mike that time noong nakapag-suot kami nito at hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ang katawan niya dahil bagay na bagay sa kanya ang Doctor Coat na iyon.

"Elie"

Ilang beses ko din siyang ninakawan ng halik noon sa loob ng dressing room dahil hindi talaga makaya ng puso ko ang kagwapuhan niya, simisiklab kumbaga.

"Elie!" napaigtad naman ako ng makita kong nasa harapan ko na si Mike.

"Ba--Mike" gulat kong wika sa kanya at rinig ko ang pagbuntong hininga nito sa inasta ko.

Nakatingin lang ako sa kanya ng makitang pawisan at tila pagod ito.

"Saan ka galing? Bakit pawisan ka?" pagtatanong ko sa kanya habang dinudukot ang panyo ko sa aking bulsa.

"Kainis si Doc Rey, pinagtitripan na naman ako" iritadong wika ni Mike patukoy sa Head ng Neurosurgeon Department.

Trip na trip kasi ni Doc Rey si Mike dahil mabilis na maasar ang babi ko, gay kasi si Doc Rey kaya grabe kung mang-asar at mang trip ito.

Pero saludo ako sa kanya dahil isa siya sa magagaling na Neurosurgeon Doctors na nakilala ko.

"Pinabalik-balik ba naman ako mula sa office niya papunta doon sa pinakataas na floor!" pagsusumbong nito sa akin at hindi parin nawawala ang pagkakasalubong ng kilay niya.

"Akala ko naman importante yung mga files na mga pinabibigay niya! pero..." napatigil si Mike sa pagsasalita niya ng inilahad ko ang aking kamay na may hawak na panyo sa kanyang noo.

"Pero ano?" mahinang wika ko dito habang nakatitig lang sa ginagawa kong pagpunas ng tumutulong pawis sa kanyang noo.

"Baka may makakita Elie" bulong ni Mike at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko.

"Bakit anong masama? Pinupunasan ko lang naman ah" hindi ko ito tinitingnan sa kanyang mata dahil alam kong bibigay ako sa ginagawa ko.

"Elie naman eh" kita ko ang mumunting pag-galaw ng ulo niya para tingnan ang paligid kung may nakatingin ba sa ginagawa namin.

"May binigay na talong at kalabasa yung nanay nung pasyente ko kanina na may Scolio" ibinaba ko ang panyo sa kanyang namamawis na ilong. Papaling-paling parin ang ulo ni Mike dahil sa ginagawa ko sa kanya.

"Kila Manang Lydia tayo kumain ng lunch ha" patukoy ko sa karinderyang nasa labas lang ng ospital.

Nasa ganoon lang akong pagpupunas ng mabilis na kinuha ni Mike ang panyo sa aking kamay bago siya tumalikod sa akin dahil sa pag-labas ng tao sa center na nasa likuran ko lamang.

"Tara na Doc Elie!" si Ron pala ang lumabas doon.

Nakatingin lang ako kay Mike na nakatalikod sa akin.

Hindi naman masakit.

"Doc Mike?" kita ko ang paghakbang ni Ron papunta doon sa harapan ni Mike.

"Doc Mike may buko pie doon sa loob, bilisan mo baka maubusan ka" maligalig na wika ni Ron kay Mike. Nakatingin parin ako sa likuran niya.

"Ah...sige...sige" humarap si Mike sa aking pwesto at doon ko kita ang tila aligaga niyang mukha.

Tiningnan lang ako nito ng ilang segundo bago siya tuluyang naglakad at lagpasan ang katawan ko.

"Tara na Doc!" hindi pinansin ni Ron ang pagdadrama ko at hinatak na ako sa kaliwang braso.

"Ang braso ko Ron" seryoso kong wika sa kanya habang pilit ako nitong hinahatak.

ㅡㅡㅡ

"Doc ang weird lang na mag bestfriend kayo ni Doc Mike pero minsan lang kayo nagpapansinan sa loob ng center at take note magkasama pa kayo sa bahay" takang wika ni Ron sa tabi ko "Pati ba sa bahay niyo hindi kayo nagpapansinan?" dagdag pa niya.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa elevator pataas sa ICU (Intensive Care Unit) ng Neurosurgeon Department para puntahan si Elo.

"Tapos minsan pa Doc nag-aaway kayo ni Doc Mike kapag hindi kayo nagkakasundo sa pag da-diagnose ng patient" lahad pa ni Ron "Parehas kayong magaling ni Doc Mike kaya nahihirapan at nagdadalawang isip ako kung sinong ilalagay ko sa Thesis Paper ko" bumaling ito ng tingin sa akin habang naka pout at tila nag-papakyut.

"Mag bestfriend ba talaga kayo ni Doc Mike ha Doc Elie? Sinong ilalagay ko sa Thesis Paper ko? Parehas kayong magaling kaya sino? Bakit palagi kayong nag-aaway ni Doc Mike? Sumagot ka Doc Elie! Sinong mas magandang ilagay?! sinong mas maganda!?" sunod-sunod nitong lahad sa akin.

"Mas maganda kung ititikom mo 'yang bibig mo Ron, isa pang salita mo isusubo ko sayo ng buo yung talong na binigay sa akin kanina" pananakot ko sa kanya.

"Sabi ko nga" muli itong umayos ng tayo at kita kong isinara niya ang bibig na tila isang ziper.

"Nagdala ka ng Gabepentin?" baling ko sa kanya patukoy doon sa drugs na kailangang itake ni Elo.

Nakatingin lang ako sa kanya at pagtango ang natanggap kong sagot kay Ron.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Next chapter