webnovel

Panimula

Galing ako sa mahirap na pamilya na may mataas na pangarap. Pangarap kong mag lingkod sa bayan pag dating ng araw, Gusto kong maging sundalo. Mag aaral ako ng mabuti. Gagawin ang lahat upang makamit ito. Paglipas ng ilang araw, buwan at taon. Akoy nasa tamang edad na, ngunit hindi na kapagpatuloy ng pag aaral dahil sa matinding kahirapan. Sa halip nagtrabaho ng nagtrabaho hanggang pag aaral ay na nahinto. Naging trabahante ng kung ano ano. Naging security, mason, maging tindero at driver. Ngunit isang araw naka motorsiklo ako. Bawal ang backride dahil sa pnademic na Covid 19. Ngunit may emergency sa panahong iyon. Naisakay ko ang aking ina sa motorsiklo kahit alam kong bawal. Nang malapit na kami sa aming pupuntahan biglang kaming hinarang ng trapik enforcer. Hinuli ako, kinuha ang lisensya at tinanong ng kung ano ano. Akoy nagmamaka awa na sanay patawarin at sinabi ang mga dahilan kung bakit nagawa itong kasalanan. Sa gitna ng aming kwentohan at tanungan Biglang may malakas na ingay na tila ba may salpukan sa kanto. Paglingon namin ng sabay, isang tricycle at jeepney truck ang nagbanggaan. Maraming pasahero ang duguan, Dali daling pumunta ang traffic enforcer sa pinangyarihan, humingi ng tulong, syemre pati akoy tumulong. Pagkatapos ng ilang oras ng pagtulong nadala na sa hospital ang nangangailangan. Bigla kong na isip ang aking lisensya at traffic enforser na kausap ko kanina. Hinanap ko siya. Tinanong kung saan, kahit pangalan hindi ko alam. Sa sobrang pagod akoy umuwi na lang. Sabi ko sa sarili bukas ko nalang siya hanapin.Pagdating ng umaga agad agad akong nag bihis at pumunta sa istasyon para tanungin at hanapin ang traffic enforser. Wala don, Peru naroon ang aking lisensya, sabi na naman sa sa sarili ko. Ok na to atleast nandito ang Lisensya ko baka ibibigay ng in charge dito. Pinuntahan ko ang matabang naka uniporme na sa pagkaka alam ko may mataas na posisyon batay sa pangangatawan at uniporme nito. Tinanong ko'. Sir pwedi po bang kunin ang lisensya ko.' Tiningnan niya ako na para bang nasasabi na sino ka para utusan ako.? ! Napasabi tuloy ako ng magagandang uuuumaga po sir. Sasabihin ko sana pangalan ko kaso inunahan nya ako ng tanong? Anong violation mo? Sabi ng matabang naka uniporme. Ah eee sir kasi. Naumid ang aking mga dila. Para bang batang pagagalitan ng kanyang magulang.Na hindi makapagsalita. Alam ko na! isang malaking boses nana man ang lumabas sa kanyang bibig. Sumulat siya sa isang papel at ibinigay sa akin. Ibinigay niya sa akin. Kinuha ko ang papel at dahan dahang binuksan at binasa ang naka sulat. Sabi sa sulat bayaran ko daw ang halagang 20k para makuha ang aking lisensya.At wala daw dapat na makaka alam. kung hindi alam ko na ang mangyayari.Takot na takot sa pangyayari. Umuwi akong malungkot at baba ang balikat. Naisip kong ibinta ang motorsiklo ko kahit 10-15 k lang. Dahil hindi naman ito bago at marami na ring sira. At ang kulang pag iiponan ko at patratrabahoan ko ng mabuti. Dumating ang araw na ipon ko ang pera na 20k. At pinuntahan ko ang lugar address na ibinigay na dambuhalang naka uniporme. Isa pala itong condo unit sa isang syudad. Pinindot ko ang doorbell sa room na kanyang sinabi. Lumabas ang isang babae mga nasa 16-20 years old.na naka tualya lang at tinanong nya ko' sino ang hinahanap ko?Ng akoy sasagot na lumabas ang malaking isda o baboy siya pala yong nasa likod. At sinabihan ako, oi ikaw bakit nandirito? Sir kunin ko sana lisensya ko at ito na po ang bayad ko . Sabay ko pinakita ang sobre. Sabi ng may malakas na boses ibigay mo sa kanya. Puntahan mo ako sa istasyon bukas ng umaga.. pagkatapos kinuha ang sobre sinara ang pinto at tuluyang kinain ang isda ng baboy. Kayo na bahala ang humusga at mag isip kung ano ang sumusunod na pangyayari. Umalis na naman ako na tila ba hindi alam ang aking gagawin. Maraming katanungan sa aking sarili, mga tanong na hindi ko alam ang mga kasagutan. Isang araw ulit bumangon naman ako at nagbihis at mabilis na pinuntahan ang istasyon. Pagdating ko doon. Lumaki ang aking mata sa aking nakita... Tumakbo ako ng mabilis pinuntahan ko ang tinapik sa balikat..sabi ko sir natatandaan nyo ba ako.? (Tinanong ko ang traffic enforcer) sabi niya hindi, ako yong nahuli niyo dahil sa backride. Napaisip siya ng ilang minuto. Sabo niya. Ah o o ikaw yon na tumulong sa mga tao na aksidente. Hinanap kita noon para ibigay ang iyong lisensya. Kaya dinala ko dito sa istasyon. (Dali daling pumasok kami sa loob ng istasyon). Ilang oras lang nasa akin na ang lisensya ko. Walang violation o kahit ano.. maliban nalang sa 20k ko. Umuwi na naman akong parang may mabigat na dala. Napa isip kong puntahan ang malaking baboy iste malaking taong naka uniporme. At kunin ang perang ibinigay sa kanya.Kinabukasan bumalik ako sa condo unit.pinindot ang doorbell. MaTagal bago na buksan. Ilang minuto at bumuka ang pintuan. Ibang babae nanaman nasa 20-24 years old. Para bang umiiyak at humihingi ng tulong. Hoyyy ikaw, galing sa isang malaking baboy tao pala at naka uniporme. Bakit ka naman nandito? Tanong niya sa akin..siirrr pwedi po bang hindi ko pa maituloy ang aking sasabihin may kinuha na siyang makinis na bagay na may dikit na numero at sabi niya.... Ano? Umalis ako ng patakbo sabi ko sa sarili bahala na yong 20k ko king buhay naman ang kapalit. Umuwi na naman akong mabigat ang balikat. Nang akoy mapag isa napa isip ko sinu sino kaya ang mga babaeng yon? Saan kaya sila nanggaling ? Kagustohan ba talga nila yon.? Napaisip ko tuloy ang aking mga pangarap dba gusto kong mang lingkod sa bayan. Sigoro sa pamamagitan nito parang makakamit ko rin ang mga pangarap ko. Hindi ako nakatulog at kinabukasan ulit pinuntahan ko ang nbi para ilahad ang lahat ng aking nagawa at nakita. At gumawa agad ng hakbang ang NBI at ako ay nilagay sa witness protection program. Nahuli ang malaking baboy at nailigtas ang mga maraming babae sa condo. Pinag patuloy ko ang aking pag aaral kahit nasa wpp ako.. at ngayon isa ng police at totoong naglilingkod ng bayan. Dito nagtatapos ang kwento.