webnovel

PANGAKO

Briana's POV

"Mauna na ko ha,"

Hindi mawala sa isip ko yung mga huling salitang binanggit mo sa akin bago mo ako tuluyang iwan.

"Mauna na ko ha,"

Ilang taon na rin ang nakalipas nung iwan mo ko pero hanggang ngayon. Bitbit ko pa rin ang mga alaala mo.

Malapit ko ng makalimutan ang boses mo.

Malapit ng mawala sa isip ko ang features ng mukha mo.

Malapit ng…

"Yana!" ani ng isang babae sa gilid ko. Gustuhin ko mang lumingon pero hanggang ngayon mas pipiliin kong alalahanin ang masasayang alaala nating dalawa.

"BRIANAA!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw nya.

"Ano ba!" sagot ko.

"Kanina pa kita tinatawag nakatulala ka na naman dyan. Tulungan mo na kong ayusin tong mga gamit para makapag pahinga na tayo."

Si Rina, kaibigan ko simula pagkabata. Siya lahat ang nakasaksi sa bawat yugto ng buhay ko. Siya rin ang naging kasangga ko sa lahat.

"Teka lang." ani ko.

Sabay tingin ko sa salamin at tinali ang aking buhok.

Lumapit na ako sa tabi nya at kinuha ang mga gamit namin. Napag desisyunan na naming kumuha ng apartment at magsama ng sa gayon ay makapag ipon kami at maranasan naming mamuhay ng hindi na na-asa sa mga magulang namin.

"Kamusta naman pala sila tita? Tagal ko na ring hindi naka kapunta sa inyo baka miss na nila ko." sambit ni Rina habang inilalagay ang mga damit niya sa cabinet.

"Asa namang na-miss ka nila noh. Tsaka anong sinasabi mong matagal ka ng hindi nakakabisita? Nung thursday lang nandun ka." sambit ko.

"HAHAHAHA basta usapan at least twice a month uuwi tayo sa kanya kanya nating bahay ah."

"Malamang! Alangan namang all throughout ng buhay ko mukha mo makikita ko." sabi ko habang inaabot sa kanya ang mga natupi kong damit.

"Maiba tayo Bes, kamusta ka naman. Are you still having nightmares?" ani Rina.

Napatigil ako. Bigla kong naalala yung panaginip ko kagabi.

"Ha? Ano ka ba. Pag nanaginip ako ng masama, ikaw ang unang unang makaka alam wag kang mag alala." ani ko at tumayo na ko para pumunta sa kusina.

"Anong gusto mong ulam? Magluluto na ko ng hapunan." dagdag ko pa.

"Ikaw na bahala Bes. Basta masarap goods na yon hehe." ani ni Rina ng hindi man lamang ako tinignan. Nakayuko lang sya habang patuloy na nagtutupi ng mga damit.

"Okay. Ikaw na muna bahala dyan." ani ko at dumeretso na sa kusina para magluto ng hapunan.

Panaginip. Madalas lumabas sa panaginip ko ang isang lalaki pero hindi ko talaga maaninag ang mukha nya.

THROWBACK (Last night)

"I love you." ani ng isang lalaki sa di kalayuan. Tinitigan ko lamang sya pero di ko makita ang mukha nya. Nakaputing polo ito at nakamaong. Bigla kong naalala si Luke, madalas siyang tumitig sakin sabay nyang babanggitin ang mga katagang "I love you" o di kaya ay "Mahal Kita".

"Si-sino ka? Magkakilala ba tayo?" ani ko na may halong takot.

"Hindi mo na ba ko maalala?" sabi nya na tila may halong sarkastikong tono.

Nakita ko ang mga labi nyang ngumisi. Pamilyar na mga labi.

Unti - unti siyang lumapit sa akin at ako naman ay tilang nanigas sa kinauupuan ko.

"Hindi mo na ba ko maalala Yana?" - aniya na kina taasan ng mga balahibo ko. Parang may halong pagbabanta ang mga ito.

"I-itatanong ko ba kung kilala at naalala kita?" sambit ko habang patuloy siyang lumalapit sa akin.

"Ganoon mo na lang ba kabilis kakalimutan ang lahat?" patuloy parin sya sa paglapit sa akin na naging dahilan ng pagtayo ko mula sa kina uupuan ko. Napatakbo ako at nakita kong biglang dumilim ang paligid.

"Tuparin mo ang pangako mo Briana! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sasabihing mahal mo rin ako at tanging ako lamang ang mamahalin mo!" ani nito at naramdaman ko ang paghabol nya sa akin.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko.

"Tigilan mo na ko! Please!" "Please tigilan mo na ko!" ani kong may pagmamaka awa.

*Ring RIng* - Narinig ko sa di kalayuan ang isang tunog.

Pagtingin ko sa aking harap ay may isang puting bumbilya.

*Ring RIng* Patuloy kong naririnig ang tunog na iyon habang kumakaripas ng takbo.

*RING RING RING*

Pagdilat ko ay ramdam ko ang hingal. Kinapa ko ang aking paligid at napagtanto kong,

Panaginip lang pala ang lahat.

Hindi ko na napigilan at naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking mga luha.

*RING RING RING* - Patuloy parin ang pagtunog ng phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Nang makita kong si Rina ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"BESSS! Ang tagal mo namang sumagot." - sigaw nito na kaya't nilayo ko ang cellphone sa tenga ko.

"Bes alas tres palang ng madaling araw. Excited ka naman masyado." bigkas ko.

"Eh ano? Inaayos ko na nga yung mga gamit ko dito para kaunti nalang ang aayusin mamaya. Maaga kaya ang lipat bahay natin." sagot nya.

"Oo alam ko. Mamaya ko na aayusin mga gamit dito. Patulugin mo muna ko. Sige na bukas na tayo mag usap. Bye."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at ibinaba ko na ang cellphone.

END OF THROWBACK.

Next chapter