webnovel

Ikaapat

Ako si Carlos.

' Carlos! Bantayan mo nga 'tong mga paninda natin! ' sigaw ng nanay ko.

Lalabas na sana ako ng palihim pero nahuli ako.

Ganyan ang pang araw araw naming gawain, ngunit minsan di rin naman akong nahuhuli at pinapabayaan na lamang lumabas.

Isang araw habang nasa tabing ilog kami'y pinagbantay ako ng labahin ni mama, may kukunin daw sya. Wala namang tao dito, bakit sya mag aalala? Hehe, makatakas na nga--

Tumakbo ako papunta sa kabilang ilog. Di ko namalayang naitapak ko ang aking paa sa madulas na bato.

At lahat ay nangitim.

---

Carlos! Nandyan ka pa ba?

sigaw ko.

Ako ang nanay ni Carlos.

Nakita ko lamang ang aking mga labahin na nakapariwara lang sa gilid at walang nagbabantay.

Hayy. Naku naman oh! Tumakas na naman yang batang yan.

May nakita akong dugo sa may batuhan.

Di ko lang din pinansin yaong yung huling pumunta dito ay ang katayan sa kabila

---

News Flash '

3 araw nang di bumabalik si Carlos ah! Matawag ko nga mamaya yan.

Nakuha ng balita sa telebisyon ang aking atensyon.

Balita: Isang bangkay ng bata na di umano ay inanod sa ilog, ayon sa otopsiya, natagpuan ang isang blunt strike sa batok nito. Maaaring sumangguni sa aming hotline ang kung sino man sa nawawalan ng anak na lalaki. Ang aming hotline ay +639-xxxx-xxxx

---