webnovel

Chapter 1

ELLA

Hays. Sa wakas ay nakahiga din! Papikit pikit na ako nang tawagin ako ni mama.

"Mikaella! Ano ba naman yan?! Halika ngang bata ka dito!"

Agad naman akong tumayo sa higaan ko at tumungo kay mama.

"Ma? Ano po yun?"

Tumingin siya sa'kin. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni mama ng makita ako.

"Ikaw bata ka! Ang sabi ko ay lutuan mo ako ng masarap na pagkain! Eh ano 'to?! Itlog at hotdog?!"

"Ahm. Ma. Sorry po. Wala na kasing nakalagay na mga stock sa ref. Kaya itlog at hotdog nalang po ang naluto ko." Aniya ko kay mama.

Huminahon naman ang mukha niya at mukhang ikinakalma ang sarili.

"Ah ganun ba? Oh sige. Mag grocery ka nalang bukas. Ibibigay ko nalang yung pera ha? Kumain kana ba?"

"Sige po. Kumain na ako ma."

Pinagmasdan ko si mama. Kumuha siya ng plato at kutsara't tinidor. Inilatag niya ito sa table at umupo na. Tumungo ako sa kusina para kuhanan siya ng baso at tubig.

Inilapag ko ito sa table at umupo malapit kay mama.

"Anak. Pagpasensyahan mo na si mama ha? Medyo mainit ang ulo ko kanina pag uwi kaya pati ikaw ay nasigawan ko."

Kitang kita ko naman ang sinseridad sa mata at tono ng pananalita ni mama.

Nginitian ko siya.

"Ok lang po. Dala ng stress lang siguro yan ma."

Tumango siya at kumain muli.

"Nga pala. Sila ate mo? Nasaan?"

"Tulog na po sila. Napagod po ata sa school."

"Osiya. Matulog kana din pala. Maaga pa kayo bukas."

Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni mama.

"Goodnight ma."

"Hmm. Goodnight din." Nakangiting sabi ni mama.

Naglalakad na ako paakyat ng hagdan ng makita kong pinunasan ni mama ang pisngi niya.

'Hays.'

Dumeretso na ako sa kama ko at humiga.

Nakakapagod ang araw na'to.

Unti unti na akong pumikit at nakatulog na.

~KINABUKASAN~

*Clang *Clang *Clang

"Mikaella!"

"Ella! Ano ba?!"

'Ay shemay!'

Mabilis akong bumangon sa kama ko at nag ayos.

"Ella!"

"Wait te! Eto na po!"

Tumakbo na ko pababa ng hagdan. Para mapuntahan kung saan nanggagaling yung boses.

"Ella!" Ah. Sa kusina!

"Bakit po ate?" Agad na tanong ko ng marating ang kusina.

"Anong bakit?!" Inis na tanong ni ate Stella sa akin.

"Asan na ang breakfast namin?!" Tanong din ni ate Shiela sakin.

Aish! Nakalimutan ko!

"Ahm. Hindi pa po kasi ako nakakabili ng groceries natin for this week."

"Ganon ba?! Binigyan ka na ba ng pera ni Mommy?" Sabay na tanong nila Ate Shiela at Ate Stella.

"Opo. Iniwan niya po sa table yung pera pambili."

Pumunta naman si ate Shiela sa table at kinuha yung pera. Binilang niya ito at kumuha ng isang libo.

"Oh ayan! 1,500 nalang yan. Kinuha ko yung isang libo pang salon namin ni Stella mamaya." Aniya ni ate Shiela at ibinigay sakin ang pera.

"Sige po."

"Ay nga pala. Don't dare you say word to this about Mommy okay?!" Pahabol niyang sabi at lumabas na ng bahay.

Hah? Ano daw?

"Ahm Ella. Ako na ang hihingi ng sorry about dun sa pera ha. Eto oh. 500, yan lang ang kayang ibigay ni ate Stella mo eh. Mag iingat ka mamaya pagpasok ha. Alis na kami." Mahinahong sabi ni ate Stella.

Napangiti naman ako sa sinabi ni ate Stella. Close kami ni ate Stella, pero kailangan niyang magpanggap na masungit para hindi magalit sa kanya ang kambal niya.

"Thank you ate! Ingat din po kayo ha. Bye bye!"

"Stella! Ano ba?! We're gonna late na!" Sigaw ni ate Shiela.

"Tss. Ano ba namang 'tong kambal ko. Nakakahiya. Puro grammatical error." Bulong ni ate Stella at lumabas na din.

Naiiling akong umakyat sa hagdan at pumunta sa kwarto nila ate.

Pagbukas ng pinto ay panlulumo ang bumungad sakin.

Maaliwalas tignan ang mga gamit sa bandang kaliwa. Organized. Walang kalat. Naka ayos ang higaan.

Samantalang sa kanan, haay! Grabe Sobrang kalat. Yung kumot nasa ibaba na, yung unan nasa paahan na ng kama. Yung mga damit na pinagpilian mukhang iniwasiwas nalang kung saan saan.

Kitang kita ko na ang pagkakaiba ng kambal.

Stella Clarence Rodriguez at Shiela Clarenciel Rodriguez ang kambal na mga kapatid ko. I mean Step Sister. Well, di naman kasi ako totoong anak ni Mama. Pero kahit na ganon, inaalagaan at pinapakain parin naman nila ako.

Hays. Tama na ang drama. Maglilinis pa ako at may pasok pa.

~After 30 Minutes~

"Job well done Mikaella! Finally!" Aniya ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga pinamili at nilinis ko.

Pagkatapos kong mag ayos ng bahay at itago ang pinamili, ay naligo na ako at kumain.

Bago umalis ng bahay ay tinitigan ko muna ang sarili ko.

Alon alon na buhok na hanggang sa bewang, may mapupulang pisngi at labi, maputi din ako at medyo matangkad.

Pero lahat to binabalewala ko. Kaya naman tinirintas ko ang mahaba kong buhok at kinuha na ang salamin ko sa table. Nilagyan ko ng mapula pula na liptint ang mukha ko para magmukhang pimples. Then yey! Tapos na.

Sa pangalawang pagkakataon ay tinignan ko muli ang mukha ko. Magkaibang magkaiba na ang itsura ko sa totoong ako.

Siguro nga ay ito ang nakabubuti para sakin. Ang magtago.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Cling *Clang *Cling *Clang

Waahhh! Late na akooo! Tinakbo ko na ang malawak na hallway ng Academy para makapunta sa aming Auditorium.

"Hello. Hello. Mic test. Mic test."

Lagot na! Malapit na mag start! Natatanaw ko na ang pintuan ng auditorium nang -- "Aray! "

Nabangga ako. Ang sakit huhu. Yung pwet koo!

"Sorry! Di ko sinasadya! Bye!" Sigaw ko sa nabangga ko at tumakbo na uli.

Hindi ko na namukhaan yung nakabangga ko basta matangkad siya! Yon na yon.

"Ella dito!" Sigaw ng bessy ko.

Asan ba siya?

"Ella!"

"Mira! San ka?!"

"Dito sa harap! Ella!"

Kumaway si Mira kaya naman nakita ko na.

Hala magistart na! Agad agad akong tumungo don. Bahala na sa mga mabangga ko!

Sa wakas!

"Ella! Akala ko di ka na dadating huhu. Kinakabahan ako! Akala ko ako ang gagawa eh! Buti dumating kana!" Tuloy tuloy na sabi ni Mira.

"Teka Mira huminga ka naman!"- Ako

Tumingin naman ako sa mga kasama ko.

"Ano na? Ready na ba guys?"

Tumango sila pero halatang kabado sila kaya nginitian ko sila.

"Ano ba kayo! Kaya natin 'to! Dali na ayusin niyo na sarili niyo!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ready na kayo?!"- Ako

"Ready na bes!" -Mira

"Gora na mga beh!"

"1, 2, 1, 2, 3 Go!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ako nga pala si Mikaella Faye Rodriguez. Isang Senior High student sa Star National Academy. At ako.

Ako ang bida sa istoryang ito.

Next chapter