11 Pagkakataon ng Tadhana

Crizelle Kymme

Gutom na gutom na ako, hindi pa rin dumadating si Laurie.

Lalo akong ginugutom ng mga pagkaing nakikita ko rito sa loob ng cafeteria. Kukunin lang daw nkya ang kanyang lunch box pero hanggang ngayon ay wala pa siya.

"Super tagal naman ni Laurie, Kendie. Sundan ko na kaya?" baling ko kay Kendie habang nagkakamot ako ng ulo. Si Kendie ay naiinip na rin siguro kahihintay kay Laurie.

"Malapit na siguro iyon. Hintayin na lang natin siya rito," aniya.

"Gutom na ako, e."

"Sige, bahala ka."

Dali-dali akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at saka naglakad palabas sa cafeteria para sundan si Laurie.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Sky. Mukhang wala siya sa mood ngayon. Ay, parang araw-araw naman soyang ganoon.

Binilisan ko ang aking paglalakad.

Teka. S-Si Rhei ba iyon?

Nakita ko si Rhei sa hindi kalayuan. Mukhang nagmamadali siya. Magkakasalubong kami.

Kailangang mabangga niya ako.

Kunyari ay hindi ko siya nakikita.

Haharangan ko siya.

Luh, bakit siya lumipat?

Lilipat din ako.

Lipat!

Lipat!

Lipat ulit!

"Are you blocking my way?" Ha?

Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko na buong akala ko ay makakatulong sa aking pinaplano.

"H-Ha? Hindi! Hindi!" pagtanggi ko kasabay ng pag-iling.

"Okay," tugon niya sabay lakad paalis.

"Teka! Wait! Sandali! Hindi hindi ang ibig kong sabihin."

Lumingon siya sa akin. Mukha siyang naiinis at dismayado. "Ano?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sabay ngiti.

"What?" singhal niya.

"Where are you going?"

Humakbang siya nang isang beses. "Nang-iinis ka ba, Miss?"

"Mukha ba? Naku, hindi." Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Wait," mahinang sambit niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Nang makalapit na siya ay saka siya muling nagsalita. "I remember you."

Finally! Naalala mo na rin ako!

"Ikaw iyong babae sa cafeteria na nakatapon ng juice sa kapatid ko. Ikaw nga ba iyon?"

"Ajo nga iyon! Ako! Hahaha! Si ano. Si Crizelle Kymme. STEM student. Nakatira sa-"

"Okay. Okay. I'm not asking you about that matter."

"Crizelle!"

Babanat na sana ako ulit nang biglang may tumawag sa akin. Alam kong si Laurie iyon. Nilingon ko siya.

"Bakit ka nandito?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

"Kinakausap si-" Ano? Nasaan na iyon?

"Si Rhei ba? Tinakasan ka na! Hahaha!"

"Nakakainis naman!"

"So bakit ka nandito?" pangungulit ni Laurie.

"Nagugutom na kasi ako at napakatagal mong dumating. Bakit ka ba natagalan? Nagutom ka na, ano? Kaya kinain mo na 'yong lunch mo ro'n?"

"Hindi, ah. Nahirapan akong buksan iyong kandado ng locker ko, e kaya ako natagalan."

"Ay, iyon lang naman pala. Tara na nga."

- - - - -

Nandito na kami sa cafeteria. Mabuti na lang, hindi pa kami naaagawan ng pwesto.

"Hindi lang pala mabuksan ni Laurie iyong locker niya, e," bungad ko kay Kendie na hindi mawari ang itsura. "Pero in fairness, nakita ko naman si Rhei. Nakausap ko pa!" pagmamalaki ko sa kanya.

Pagkasabi ko niyon, narinig kong nagsalita iyong isang babaeng kalapit namin. Aniya, "Asa ka naman, girl." Sumagot naman iyong kasama niyang ma-attitude rin na kunyari ay para sa isa't-isa ang kanilang mga sonasabi. "I know, girl. Sa taas ng standards niyon, hindi ka talaga papasa."

Tsk.

Mga pusa ito.

Binalewala ko na lang sila. At least ako, naaalala niya. Kilala na niya akoooo! Nakausap ko pa nga siya kahit tinakasan niya ako pagkatapos. Ay, hindi pa nga pala kami tapos mag-usap noon.

Nagsimula na kaming kumain. Napansin kong marami ang napapatingin sa gawi namin.

Kung positive sana ang dahilan, e okay lang. Ang kaso ay mukhang hindi naman.

"Uy, Kendie, nakita ko rin pala si Sky doon. Wala na naman sa mood. Ano ba naman iyang crush mo? Robot?" baling ko kay Kendie.

"Nakita mo? Saan?" tanong niya. Uy, interested siya.

"Sa locker area nga."

"Ah..." Hindi man lang siya kinilig? Hmm... #TheRobotCouple.

Habang kumakain kami, napansin kong wala sa aming dalawa ang focus ni Laurie. Kanina pa siya walang imik. Malayo ang kanyang mga tingin. Ah, nakatuon ang kanyang atensyon kay Kaylie na ngayon ay nakikipagtitigan sa kanya.

Maya-maya pa ay sumuko na si Kaylie at saka inirapan si Laurie. Nakita ko namang ibinaba lang ni Laurie ang kanyang mga tingin sa kanyang pagkain at mahinahon na nagpatuloy sa pagnguya.

May something ba sa kanilang dalawa? Something deeper? Something untold?

avataravatar