webnovel

Our Asymptotic Love Story 'Poem'

_OUR ASYPMTOTIC LOVE STORY_

Ilang dekada na tayo muling nabuhay sa iba't ibang katauhan,

Nadarama natin para sa isa't isa ay di mapigilan,

Nang tayo'y nag-katitigan tibok ng puso nati'y nag-uunahan,

Tila ba'y napuno ng kaligayahan na parang walang katapusan,

Sa pag buhos ng ulan,

Diko mawari ang aking nadarama,

Tila ba isang trahedya,

Kung ika'y akin pang lalapitan,

Alam kong tayo'y muling itinadhana upang mag-kita,

Sa tuwing ikaw ay aking makakasama,

Mga alala nating dalawa'y bumabalik sa aking memorya,

Yung mga panahong mahal na mahal natin ang isa't isa,

Pero masyado tayong pinag-lalaruan ni tadhana,

Kung kailan alam ko na, na mahal kita,

Saka pa sya umeeksena,

Kaya di matuloy-tuloy ang ating istorya,

Sinubok na naman tayong dalawa,

Madaming sirkumstansyang pumipigil sa pag iibigan nating kay saya,

Kaya pinili nating lumayo sa isa't isa,

Dahil takot na tayong maulit ang mapait na trahedya,

Ang pag-iibigan natin ay isang eksperimento ng matematika,

Kahit gaano pinag-lalapit tayong dalawa,

Alam nating kahit kailan ay di tayo mapag-iisa

Kahit anong laban natin sa gyera ng pag mamahalan, sa simula pa lamang alam nating ay talo na,

Sapat na siguro saking malaman kong mahal natin ang isa't isa,

Kahit pinag laruan tayo ni tadhana,

Alam kong sa puso ko ikaw ay nag-iisa

Saksi ang ulan,

Kung paano ko natag-puan ang dapat na aking kasintahan,

Ngunit saksi ang ulan,

Kung paano kita bitawan,

Asymptota na kahit anong pag-lalapit sa atin,

Kahit kailan hindi ka mapapasakin,

Siguro nga tama ang pinalaya kita,

Kahit alam kong sa huli ako ang magdurusa,

Mahal kita,

kahit alam kong sa iba ka sasaya,

At patuloy akong minamahal ka,

Hanggat ang istoryang tayong dawala ay mag-katuluyan na sana.

𝓛𝓲𝓰𝓱𝓽🖊

please support my poem i love you all, my poem is all about story in wattpad, then i made a poem for that story.

John_Carlo_Olfindocreators' thoughts