1 Operation 1

Nagbabasa ka nito ngayon kasi gusto mong idelete ex mo. Bago mo idelete si ex na try mo na bang isipin kung may feelings ka pa sa kanya? May time kasi na akala natin mahal pa natin ex natin pero ang totoo wala na. May time kasi na yung memories lang ang namiss natin kasi akala natin perpekto na siya.

Kung mahal mo pa si ex ito ang unang operasyon at kung anong dapat gawin para maging successful ito.

Operation 1: Accept the fact na wala na kayo

Masakit isipin na tapos na diba? Ang sakit na yun ang nagiging dahilan para hindi mo siya makalimutan dahil sa puso mo hindi mo tanggap na wala na kayo.

Isipin mo rin na ang isang tao ay hindi permanente sa buhay. May mawawala at may dadating pero hindi mo makikilala ang parating kung ang nakikita mo lang ay yung taong nagpasaya at nanakit sayo.

Kaya mas mabuti pang tanggapin na WALA NA TALAGANG KAYO DAHIL MAY TAONG MAS BETTER NA PARA SAYO.

Yun lang for operation 1.

avataravatar