2 chapter 1

Jj: Ang ganda talaga ng tanawin sa lugar na ito napaka presko ng hangin at sariwa pa at ang mga puno ay naglulutian sana ay napanatili ang ganitong kapaligiran sa lugar na ito hanggang sa mga susunod pang generation😄😄😄

May pasok pa pala ako akala ko lola na ako at wala na akong gagawin😅😅

Nanay Tina: hoy! aba Jj malilate ka n sa school nangangarap k na naman ata ng gising na bata ka mukhang nakatulala ka na naman sa may bintana ahh! Hindi porket maayos ang marka mo sa iskwela ay tatamad tamad ka na ngayon dahil nalalapit na ang bakasyon! hindi pa po bakasyon para magagaganyan ka ilang araw ko ng napapansin na lagi ka ng late pumapasok ngayon..

Jj: Opo Nay! maliligo na po tsaka lagi pong late yong teacher namin sa unang subject ngayong buwan na ito kasi po ay naglilihi sa kanyang unang baby, morning sickness daw po kaya ok lng daw po medyo late pumasok kasi halos tapos na naman na po kami mag final exam. puro mga abala nalang sa darating na recognation at graduation! don't worry mother dear mabait naman po akong bata kung tulog nga lang hehehe...

Nanay Tina: hala sige at mag-almusal ka nalang dito pagkatapos mong maligo at ako ay aalis may lakad kami ng tita Zhel mo... At lumabas na ng bahay

Jj: ok po Nay! Nay! ayayy iniwan na ako nagmamadali 😟 hayysss ang hirap talaga na mag-isa ka lang na anak maiiwan ka din ng mag-isa..

***********

Jj: Malapit na din sa school, sana bakasyon na kakatamad ng pumasok ng ganito wala naman na halos klase.. aba! maaga yata pumasok beshy ko ngayon oi besh!! ay mukhang di nya ako naririnig naka earphone siguro..

Samantala.... blaaaagggg.... bigla na lang may nakabangga sa kanyang likuran mabuti nalang at hindi ganun kalakas muntikan na syang matumba..

Jj: ano ka ba wala ka bang mata? sobrang liit ko na ba para hindi makita? abat hindi man lang magsalita

hoy! tinakasan ka na ba ng kaluluwa o baka naman nashock ka sa kagandahan ko? sabay simangot😒

guy: 😯 pasensya na akala ko kasi yong kakilala ko hindi ko sinasadya miss nagmamadali kc ako di ko napansin na nandyan ka pala.. sige ayos ka nmn siguro kaya aalis na ako may hinahanap kasi ako ehh sabay kamot sa ulo at nilampasan na si Jj..

Jj: Parang ngayon ko lang nakita mukha noon ahh sino kayang hinahanap noon dito sa school.. what ever! bahala sya di naman sya nagtanong ehh bakit ba.. hey! beshy sinong pinagkakaabalahan mo dyan gurl?

Trisha Mae: Naku beshy pasensya na kasi may manliligaw ako 😊😅😅

Nakilala ko sya kahapon beshh nong pag-uwi ko, friend sya ng ni kuya Richard ko at ngayon nga lang sya bumalik ng pinas at dito na raw sya mag stay siguro dahil sakin..

Jj: ehhh bakit hindi mo sya kilala dati ehh friend naman ata ng kuya mo?

Trisha Mae: Ehh kasi po beshy bata pa ako non at wala pang alaala sa kanya di ko na sya matandaan pero ako natatandaan daw nya ...

At may papikit pikit pa habang nagkukwento dahil sa kakiligan..

Jj: Asus beshy hinay hinay ahh wag agad bumigay kakikilala lang kahit pa friend sya ni kuya Richard laking abroad yon masyadong independent ang mga galing ibang bansa at medyo masyado atang mabilis sya noh... at ikaw din medyo pakipot pag may time wag agad bibigay kilalanin mo muna beshy ok...

Trisha Mae: Thank you beshy andyan kanaman ehh kilatisin mo para sakin pero alam mo feeling ko kasi nalove at first sight ako sa kanya iba kasi yong dating nya sakin besh alam yong pakiramdam na ayaw mong mawala sa paningin mo ang kahit na prisensya nya ayiieee!!!😍😍😍

Jj: Haysss kaya ako iwas muna ako sa mga ganyan at sana wag muna mainlove ang puso ko kasi daming baliw sa love love na yan hindi healthy ewww!

Trisha Mae: Naku! beshy kapag ikaw talaga tinamaan ni kupido sinasabi ko sayo di makukuntrol beshh sarap kaya mainlove...

Jj: Bakit nakakabusog ba yan naku hindi naman ikaw nalang muna besh...

Teka lang besh wala pa ba si teacher Mabel?

Trisha Mae: Ay beshy wag ka ng umasa kay ma'am ngayon medyo napasama ang lasa kaya wala sya ngayon kaya free tayo magchekahan muna kaya lang besh kachat ko kasi sya ngayon ok lang ba kiligin muna ako dito..

Jj: aissshhh sige na nga jan ka muna punta lang ako library magbabasa lang ako ng books ..

avataravatar