webnovel

#2: Hey, It's Me

Do you still remember me?

Do still know me?

Maybe not.

You already forgot.

I'm using my dummy account nang makilala kita. My wattpader friend added me in one of her GC's.

At first I thought you were a girl dahil sa sobrang daldal at kulit mo. Lagi mong binabaha at binubulabog ang GC sa mga messages mong walang kwenta. You're flooding the GC with stickers and emojis.

One day, wala akong magawa, it's because walang pumapasok na prof sa klase and again nag-iingay ka na naman sa GC. Walang pumapansin sa'yo, so I did is nagreply ako sa mga emoji's mo.

"Hey!" I chatted and you replied "Hay sa wakas may pumansin rin."

Humaba ang usapan natin sa GC and then you asked me how old I am. Sinabi ko sayong hulaan mo at puro 20+ taon ang pinagbabanggit mo so I cut you off and said. "Hey sis! I'm just 18!"

"Sis? The fuck! I'm a boy." I was shocked of what you said. Wait--what? You're a boy?

Tawa ako nang tawa sa naging reaction mo nung sinabi ko ang 'sis' kaya everytime na nagkakausap tayo sa GC ay tinatawag na kitang sis.

One day nagtaka ako dahil ang tahimik ng GC. Nasanay ako sa sobrang kaingayan mo kaya nag PM ako sa'yo. At first I thought hindi ka magrereply because it's almost an hour  nung nag chat ako.

"Sorry late reply, may tinatapos lang akong kwento." You replied.

"Ahh, anong binabasa mo?"

"No, I'm mean I'm writing a story. Hehe."

"Writer ka?"

"Hmm. Aspiring."

Starting that day nang malaman kong nagsusulat ka pala hindi na ako nagtataka kung hindi ka nag-iingay sa GC. Minsan chinachat mo ako at nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa isang babae para sa story mo, like, "Nagsusungit ba talaga ang mga babae pag may mens" "paano kiligin ang mga babae" at kung anu-ano pa.

Sinabi mo sa akin na itry kong basahin ang isa sa mga stories na ginawa mo at masasabi ko namang maganda ito. I became your number 1 reader. Ako ang nagche-cheer sa iyo na huwag tumigil sa pagsusulat kasi minsan nawawalan ka ng pag-asa dahil kaunti lang ang nagbabasa sa gawa mo. Minsan kinukumpara mo pa ito sa mga masisikat na authors.

Never compare your works to others. Lahat tayo may iba't ibang estilo sa pagsusulat.

Tinulungan kitang magplug ng stories mo sa iba't-ibang groups at pages. Minsan nga pinagpapaliban ko pa ang mga homeworks at projects ko kasi tutok ako sa pagplug ng stories mo. Ni recommend din kita sa mga kaklase ko na nagbabasa sa wattpad. I'd never stop plugging and recommending your works. Hindi ako kailanman nakaramdam ng pagod sa ginagawa ko kasi masaya akong natutulungan kita.

Until one day isang magandang balita ang ibinalita mo sa akin. Nagbunga lahat ng paghihintay at pagsisikap natin. Your work got the number 1 rank in its genre.

Ramdam kong sobrang saya mo.

Akala ko okay ka na sa ganoon. But I'd never think maghahangad ka pa pala ng mas mataas doon. Sinabi mo sa akin na gusto mong mapublished bilang libro ang mga gawa mo. Wala namang masama doon. Wala naman akong tutol doon. The thing is parang may nag-iba sa iyo.

Noon chinachat mo ako pag nangungulit ka, kapag may itinatanong ka pero ngayon iba na. Chinachat mo nalang para lang sabihing "nakapag-plug ka na ba sa group na ito? Blah blah" "Bakit hindi mo sinabi sa kanila na dinelete ko na ang kwentong iyan?!" "Diba sabi ko wag mong kalimutan?" "Ikaw naman kasi eh! Di ka nakikinig."

The way you treated me have changed. I'd never applied to be your assistant! I'm here to support you because I'm your friend!

Simula nang araw na iyon ay nawalan na ako ng gana na mag open ng dummy account ko. Gusto kong iparamdam sa iyo at ipakita sa iyo ang laki ng ipinagbago mo pero sa tingin ko hindi iyon nangyari.

Kahit hindi ako nag-oopen ng dummy account ko ay sinu-stalk kita gamit ang real account ko. You're really serious about that 'publishing your book' thingy.

Hindi na ikaw yung kilala ko. Hindi na ikaw yung kaibigan ko. Nag-iba ka na.

One day, nag-open ako ng wattpad account ko. I visited your account and I was shock when I saw your works.

Tatlo sa mga stories mo ang umabot ng million reads. Dali-dali kong inopen ang account mo sa facebook at may isang post ka roon na kumuha ng atensyon ko.

"My first ever book. Thank you for the support!"

Nakaramdam ako ng matinding lungkot. Ni isang beses hindi ako nakatanggap ng thank you galing sa iyo. Sa lahat ng ginawa ko wala akong natanggap kahit isang salamat sa mga iyon. Maybe, you don't treat me as your friend. You only treat me as nothing.

Sumikat ka sa wattpad. You already have your own book signings at nandoon ako every event mo. Kung nasaan ka, nandoon din ako. I'm still your reader. I'm still your fan. I'm proud that one of my friends is now a  writer.

Minsan gusto kong lumapit at magpakilala sa'yo. But I think you don't need me anymore. You suddenly forgot me. You suddenly forgot the things and efforts I did.

If I have the chance to approach you I just want to say "hey, its me."

(end)

-----------

Please also follow my wattpad acc for more stories.

Wp: MswRIGHTer