1 Prologue

"You will never defeat me Safie." He grinned. His arms crossed in front of his chest.

Hinihingal siyang napaupo sa gilid ng dalampasigan. Basa ang buong katawan. Tinignan niya ang binatilyo. Tulad niya ay basa rin ang katawan nito mula sa paglangoy sa dagat. Malapad ang mga ngiti nito sa mukha. Gusto niyang punitin iyon.

Damn him! Then she exhaustedly lied on the sands. Taas baba ang kanyang dibdib sa magkahalong hingal at inis.

"Tsk.tsk.tsk. Ang hina mo naman." Nagpatuloy ito sa pang-aasar. He knows the right words to piss her off. "I told you, once you beat me, you'll have one wish granted. One wish. Name it, and it will be yours."

She smirked. Yeah. Say that again like a broken recording tape. "Once I beat you, you'll never like what my wish will be. So wish yourself I'll never beat you Jasper or else, say goodbye to that beautiful smiling face."

He laughed at her. One hard laugh na talagang bang sinasadya siyang tuyain. "Sure darling. I am looking forward to it. Sabihan mo lang ako kung kailan mangyayari 'yan ha." And he winked.

"It will be a day you will never forget." At inirapan niya ito.

Pinulot nito ang kamiseta sa buhangin na hinubad kanina at lumakad na palayo.

Naiwan siyang nagngingitngit. "You arrogant beast! One of these days, kakainin mo din ang mga salita mo." At tumayo na siya.

1961.

"Nakikita mo ba ang islang iyon Safira?" Wika ni Luis sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakaturo sa isang di kalayuang isla.

Ngumiti siya at tumango rito.

"Balang araw ay bibilhin ko iyon Safira. At doon kita ititira." Tinignan niya ang katipan.

Huminga siya ng malalim. "Hihintayin ko ang araw na iyon Luis."

Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at itinaas sa mga labi nito. "Pangako ko iyan sayo mahal ko. Paniwalaan mo ako." Wika nito nang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Naniniwala ako sa iyo mahal ko. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Pangako." Sagot niya rito. Ang mga mata ay nagbabadya ng luha.

Lumunok siya upang pigilan ang pagbabara ng lalamunan. "Ano namang ipapangalan mo sa islang iyon?" Imbes na wika niya upang palisin sa isip ang nalalapit na pag-alis nito. Mangangarap na lamang muna siya kasama ng binata.

Hindi agad kumibo ang kasintahan na waring nag-isip muna.

"Isla Azul." Bulong nito makalipas ang ilang sandali. At tuminging muli sa di kalayuang isla. "Iyon ang ipapangalan ko sa kanya. Pagkat iyon ang pinakabughaw na isla sa balat ng lupa."

KASALUKUYAN.

Napabalikwas siya ng bangon. Pawis na pawis ang kanyang buong katawan. Ang mga butil nito ay tumutulo mula sa kanyang mukha.

What the heck was that?

Hinihingal siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kailangan niyang makainom ng tubig. Halos manuyo ang lalamunan niya. Binangungot ba siya?

Ano iyong napanaginipan niya? It was like she went back in time. So vintage. Parang kapanahunan pa iyon na hindi pa nga naipapanganak ang mga magulang niya. Weird. She saw Isla Azul from afar but it looked different and yet still mesmerizing. And there was a man beside him.

She thought about that face. Pinilit niyang alalahanin ang itsura nito.

"It was.. it was.." Nahawakan niya ang noo na tila sumasakit na sa pag-iisip. She knows that face is familiar.

"Jasper!"

avataravatar
Next chapter