webnovel

Enemies

PASADO alas cinco na ng hapon. Narinig niyang tumunog ang alarm sa paaralan. Hudyat ito na maaari na silang lumabas.

"Safie, halika na." Pagyaya ng kaibigan niyang si Cassey habang nagliligpit na ito ng gamit.

Isa isa niyang pinasok sa bag ang mga aklat at notebook sa ibabaw ng silya. "Sure. Just give me a minute."

"Uh-oh." Anas nito na nagpataas ng ulo niya mula sa pagkakayuko. Tinignan niya ang kaibigan. At ngumuso naman ito sa direksyon ng pintuan ng silid-aralan. Sinundan niya ang tinutumbok nito.

Sa nakabukas na pinto ay naroon si Dave.

"Hmp. Mukhang hindi naman tayo magkakasabay sa pag-uwi. Nandyan na ang suitor mo bes." Taas kilay nitong sambit ngunit nanunudyo. "O siya, mauuna na po ako at baka pa ako makaabala." Walang sabi sabi ay mabilis na itong nakalakad palabas ng silid na hinidi na nahintay pa ang sasabihin niya.

"Hi," wika ng binatilyo sa kanya sabay lapit kung saan siya nakapuwesto.

"Hi yourself," balik niya rito at ngumiti. "Bakit sobrang aga mo naman yata Dave? Kaka-dismiss lang ng klase pero nandito ka agad sa kwarto namin."

Ngumiti ito sa kanya at nagkibit balikat. "Wala lang. Para-paraan. Para abutan kita." Nilabas nito ang pantay pantay nitong ngipin sa pag ngiti.

Dave is really something. Ito yata ang itinuturing na Junior Heartthrob ng paaralan nila. Nasa third year high school na siya katulad nito at isang taon na lamang ay makakaalpas na siya ng sekondarya. Natatandaan niyang, simula nang pasukan ay sinimulan na siya nitong suyuin. Taas ang kilay ng lahat ng malaman ng mga ito na siya ang nililigawan ngayon ng binata. Dave is the school MVP, kabilang din ito sa kilalang boy dance group ng paaralan na tinitilian ng lahat, at ang tinaguriang Junior Heartthrob. Masasabi din niyang matalino ito despite the fact that he is active in these extra curricular activities. And plus points, galing rin ito sa isang well off na pamilya. In short, all-in package.

"You cut classes?", tanong niya rito bagama't siya mismo ay alam na ang sagot.

"No way! Why will I do that?" Natatawa nitong balik sa kanya habang marahang kinuha ang bag niya.

She chuckled as well.

"Wala ang teacher namin sa last subject ngayon kaya maaga kami nakalabas." Pagpapaliwanag niya habang ginigiya siya nito palabas ng silid.

"Oh. I already thought you did that for me. Kikiligin na sana ako." Biro niya rito.

Sumulyap ito sa kanya. "Really? So 'pag ginawa ko pala yun, mapapasagot na kita?"

She crossed her eyebrows. "I'm not that cheap."

Humagalpak ito ng tawa. Siya naman ay nangingiti habang binabaybay nila ang hagdanan pababa ng gusali. Kung katulad lamang siguro siya ng ibang babae na patay na patay rito ay maaaring noon pa niya sinagot ang binata. Halos walong buwan na mula ng ligawan siya nito. Guwapo ito, mabait, maalalahanin, subali't hindi pa siya handa na makipagrelasyon or its more like, hindi niya ito ganoon kagusto. Mas nais niyang maging kaibigan lang ang lalaki. Matagal na niyang sinabi ang saloobin niya rito. Ngunit, siguro nga ay ganoon na lamang siya pinapahalagahan ng binatilyo dahil hindi pa rin ito sumuko.

"Winners never quit. Quitters never win." Naaalala pa niya ang sambit sa kanya nito noon. "Just let me do this. I want to do this."

"But I cannot promise anything Dave. I don't make promises that I cannot keep." Nag-aalangan niyang tugon dito.

"You don't need to promise me anything." He smiled gentlemanly.

"Would you care for a snack? Halika muna sa tapat ng school. Mag-meryenda tayo." Untag na sabi nito sa kanya.

"Oh, yea-"

"I doubt that is possible Mr. Alonzo", isang baritonong tinig na nagmula sa kanyang kaliwa ang bigla na lamang pumaibabaw sa sanay sasabihin niya. She knows exactly this very familiar voice which automatically made her roll her eyes. Madinig pa lamang niya ang boses nito ay naiirita na agad siya.

Napatingin ang binatilyo sa nagsalita ng walang emosyon. "Jasper."

Nilingon niya ito and with a bored voice, "So what are you doing here?"

Lalo pang kumunot ang noo niya ng madinig ang impit na tili ng mga babaeng estudyante na nakatingin sa kanila. Mali, kay Jasper lang pala.

Yeah. How can she ever forget. Jasper. The Senior Heartthrob. Though he graduated few years ahead of her, but still, sa hindi malamang dahilan, hanggang ngayon ay ito pa rin ang kinikilalang Senior Heartthrob ng paaralan. The original. Who came from a filthy rich, all dangerously handsome men, at ang isang pinakanagpapataas ng puntos sa score nito, his brains. How can anyone here forget? He graduated as valedictorian with extra curricular awards on sports.

"What a show off!" She exclaimed in her thoughts.

"What could be?" Balik na tanong nito sa kanya na talaga namang ikinainis pa niya. "I am escorting you home 'Princess Sapphira'", nakangisi nitong wika.

"Mukha yatang nakakalimutan mong may dapat kang daluhan ngayong gabi." He said looking at Dave beside her na para bang hudyat iyon sa lalaki na maaari na siyang iwanan nito.

"Arrghh. Fine!" She doesn't really know why she loses her cool when she talks to him.

"Dave, I am really sorry." Baling niya sa binatilyo. "I forgot about this. Let us go out soon. See you on Monday." Paghingi niya ng dispensa rito.

"Yeah. Sure, Safie. Walang problema. I'll see you then." Ngumiti ito at iniabot ang bag niya.

"Salamat." Inihatid niya ito ng tingin hanggang sa makalayo. Habang sumandal naman sa barilya ng grills ang binatang kaharap at naghalukipkip ng mga braso.

"How romantic Juliet." He said in a sarcastic voice.

Binalingan niya ang lalaki at inirapan ito. "That's very polite of you Lord Capulet." Referring to him as Juliet's father.

Sarkastiko itong tumawa. "Sorry youngsters for cutting your lovey-dovey moments. Mukhang mali ang timing ng dating ko. But dear, you are still very young for a boyfriend. Not in your high school years."

"Hmm. Talking about young Mr. Garcia. Ilang taon nga yung mga nagiging girlfriend mo? I can still clearly remember. Was it Amber? The third year student sa kabilang section?" Wika niya habang unti unting humahakbang dito.

"Oh! Wait. Wait. There's one more, Reigne, the fourth year 'girl'", she emphasized the word 'girl' to point him out. At ginaya niya ang paghalukipkip nito ng mga braso. She will never lose in any debate with this arrogant.

His smile suddenly turned tender then naughty. At hindi na niya napansin kung gaano na lamang ang distansya niya matapos ang paghakbang na ginawa papunta rito. He lowered his head, making his face almost only few inches from her. Napasinghap siya sa ginawa nito.

"Yeah. You clearly remember Sapphire. I can see that."

Her face turned red for whatever reason. At para hindi nito mapansin iyon ay itinulak niya na lamang ito sabay talikod at mabilis na naglakad palayo. "The hell with you."

"Tsk. Tsk. Tsk. Kids should not swear Sapphire." Ngiting tagumpay ng binata na naglakad kasunod niya.

Naglakad siyang nauuna sa binata subali't malalaki ang mga hakbang nito. He opened the passenger door for her and she hopped in. At hinintay niyang makasakay ito sa loob. He swiftly got on the driver's seat at nakatingin lamang siya rito with her commonly unfriendly eyes. Nilingon siya ng binata.

"May dumi ba ako sa mukha at ganyan kang makatitig sa akin?" Kailang tanong nito sa kanya as he put on his seat belt and getting himself ready.

"Bakit mo ako sinundo?"

"Do you have to ask that? Alam mo namang may salu-salo sa villa. Were you not informed?" He said plainly.

"That is not what I mean. Kaya kong pumunta mag-isa roon. I am not a kid anymore."

Bumuga ito ng hangin. "Yes you are." He said in an older brotherly tone.

"I am not! How dare you!" Tumaas ang isa niyang kamay subali't napigilan nito iyon ng kanang kamay nito at hinila siya palapit.

"Sapphire. You are still a kid. Look at you. With your braces and your lip tint. You think you're old enough? You're even barely eighteen."

She gritted her teeth. "I hate you!" She hissed. "You cannot just insult me like that."

"I am not insulting you darling." Heto na naman ang tonong iyon. A tone of tenderness, of concern, of care, of love? No way!

"Hindi pag iinsulto ang pagsasabi ng totoo. High school ka pa lang. Ni hindi mo pa alam ang puppy love."

She grinned. "Oh yeah? Compared to an expert like you, I don't really have a master's degree." Gusto niya ring inisin ito tulad ng pang-iinis nito sa kanya. She won't be beaten without getting even.

"Yes. And because of that, you are not yet allowed to have a boyfriend sweetheart. Not under my watch." Nakita na naman niya ang devious smile na iyon.

"Oh really? Who said so? You are not my father. You cannot just command me what I should or should not do." Hindi nito binibitawan ang pagkakahawak sa kanya na lalo pang humigpit.

"And in due time you'll know you just don't have a choice."

"Dare me."

"I hope you don't mean that." And finally he loosen his grip. She automatically pulled her arm. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Put on your seat belt little girl or I will have to do it for you."

"Damn you Jasper!"

Nagpakawala lang ito ng isang mahinang tawa bago ini-start ang makina.

Kailan nga ba nagsimula ang ganitong treatment niya sa lalaki? She remembers how sweet she was towards Jasper.

Mula bata ay kilala na niya ito. His and her family are friends and considering themselves already as a family. They owned the two parts of Isla Azul, the bluest island in the world na matatagpuan malapit sa Puerto Galera. Tinawag itong Isla Azul dahil sa mga kulay bughaw na corals na pumapaligid sa buong isla na endemic lamang sa Pilipinas at tanging dito lamang makikita sa isla. Isa itong tourist spot at karaniwan na ay pangarap ng marami ang makapunta rito lalo na sa five start hotel na pagmamay-ari ng mga Garcia. Ang kalahati ng isla ay pagmamay-ari nila Jasper samantalang ang kalahati naman ay sa kanila. Sa loob ng isla ay matatagpuan rin ang isang komunidad na inilaan para sa mga mamamayang doon na naninirahan noon pa man. Hanggang sa lumago na ito at naging isang maliit na probinsya. Walang sino man sa isla ang hindi nakakakilala sa kanila.

"Hi Jasper!" Bati niya sa labin-limang taong gulang na binatilyo. Kasalukuyan itong nasa third year high school at siya naman ay graduating ng elementary.

"Hey Safie. Nandyan ka na pala. Hinihintay ka na ng sundo mo. Hindi kita maihahatid ngayon. May kailangan akong puntahan." Paliwanag nito sa kanya. m

"Why? Saan ka pupunta?" kunot noong tanong niya.

Sa madalas ay sinasabayan siya nitong umuwi. He was like a brother figure to her, tulad ng kuya niya. At dahil malapit ang mga pamilya nila sa isa't isa ay hindi na iba ang turingan nila. Siya ang bunso sa magkakapatid na Salvatierra. Ang kuya niyang si Nathaniel ang panganay na sinundan ni Lyka. Ang mga Garcia naman ay tatlo ring magkakapatid, si Jonathan, ang panganay na halos kasing edad ng kuya niya. Si Joseph naman ang ikalawa. At si Jasper ang bunso katulad niya. Kinalakihan na niyang over protective ang kanyang kuya at mga Garcia sa kanilang dalawa ni Lyka. At iyon ay dahil sa isang kaganapan sa pamilya nila noong hindi pa siya naipapanganak, matapos mawala sa dagat ng kakambal na babae ng kanyang kuya. And Jasper became automatically her protector katulad ng kung paano naman si Joseph sa kanyang Ate Lyka.

"Boys' secret little girl." Sabay kindat nito sa kanya.

"Manliligaw ka lang siguro 'noh?" tanong niya na itinaas ang isang kilay.

"Bata ka pa. Kung ano ano na yang sinasabi mo. Sige na. I promise bukas sasabay akong umuwi sayo. Ililibre pa kita ng paborito mong ice cream cake."

Nagningning naman ang kanyang mga mata. "Talaga?! Sige sabi mo yan ha. Promises are never meant to be broken."

"I know princess. Now, go." Ngiting wika nito sa kanya.

Beep! Beep! Busina ng isang sasakyan sa kanan niya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Reigne, ang ex-girlfriend ni Jasper. Reigne is a senior high sa kanilang paaralan and also very popular lalo na sa mga lalaki. Alam niyang naging girlfriend ito ni Jasper subali't tatlong buwan lamang ay nabalita nang hiwalay na ang dalawa. Well, what's new? He never really had a relationship that lasts. Para itong nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng girlfriend.

Jasper rolled opened her window.

She wanted to smirk and yet she just tried to smile at the girl who's car window is also open. Noon niya lamang napagtanto na nasa crossing na sila ng bayan.

"Hey Jasper!" Bati nito sa binata. "Safie."

She forced a smile.

"Hi there beautiful." Balik naman nito sabay ng kindat.

Reigne chuckled. "Going home yet? Baka gusto nyo muna dumaan somewhere?" Pag aaya nito sa kanila.

"Sorry babe next time. Family comes first."

'Babe'. Eww. She wanted to throw up.

"Ohh." Pa-cute naman ng dalagita. "Few minutes won't hurt babe. Miss na kita."

'Oh, please. Ilayo nyo ako sa lugar na ito. Dito ko pa yata madidinig magharutan ang dalawang ito.' Hindi niya mapigil na kausap sa sarili.

"Really sorry. Bawi ako next time ha." And he threw a flying kiss before closing the car window. Siyang pagberde naman ng traffic light.

Napapailing na lang siya sa mga nadinig.

"You should have just covered your ears little Juliet. Mukhang masyado ka pang bata para makarinig ng ganoong conversation."

"Yeah. I regretted now I did not do that earlier." She said with a bored voice.

"Hindi pa ba yan nasabi sayo ng loverboy mo sweetheart?" Sarkastikong wika nito.

"Dave is not my loverboy. And he is not like you. Malayong malayo kayo sa isa't isa. He is a real gentleman." Pagtatanggol niya sa binatilyo.

"Kaya naman pala hanggang ngayon hindi mo pa siya sinasagot. I guess kulang pa siya sa flirting lessons."

Isang marahas na lingon ang ginawa niya rito. Gustong lumabas ng luha niya sa pianghalu-halong emosyon dito. She is fuming mad and at the same time, she felt hurt.

"When did you start to be like this Jasper? How could you be this cruel?" Hindi niya napigilan ang panginginig ng boses sa sinabi. Alam niya sa sarili niyang hindi ang huling sinabi nito tungkol sa binatilyong manliligaw ang dahilan ng biglang pagbabago ng emosyon. But it was the past. At paanong ito pa ang may ganang maging sarkastiko ngayon sa kanya? Why can't he just totally leave her life?

Napahinto naman ang binata. Ipinarada nito sa gilid ng highway ang sasakyan.

"Damn it! Are you crying?" Napukpok nito ang manibela. "Jewel please don't cry." At doon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. He should have not called her that.