webnovel

CHAPTER 1 - PAGKIKITA

(Maingay na mga tunog ng sasakyan, bababa si Ai ng sasakyan)

AI

Hello couz, nasaan kana ba? nandito na ako

LISA

Hintayin mo ako dyan okay? Naglilinis pa ako ng bahay eh, basta hintayin mo ako dyan Ai

AI

O sige, sige basta bilisan mo ah?

LISA

Oo couz, basta wait mo ako

Maya-maya sa paglalakad ni Ai ay bumili sya ng inumin at sa kanyang paglalakad may isang lalakeng nakabangga sa kanya dahilan kaya natapon ang kanyang inumin sa kanyang sarili.

AI

HOY!

Hinde sya narinig lang lalake kayat sinubukan nya uli itong tawagin

AI

HOY!

TAN

Ako ba ang tinatawag mo?

AI

Oo ikaw nga, dimo ba nakita ang ginawa mo? Yung juice ko naging panligo, di ka man lang ba mag sosorry ha?

TAN

Miss, nagmamadali ako, late na ako sa training ko, kaya wala akong panahon para makipag-away sayo

AI

At ako pa ang sinisisi mo? Na late kana kaya nagmamadali ka? Eh ang lawak lawak ng daan oh, ang lawak lawak, kasalanan ko ba na tanghali ka nang gumising?

TAN

Tsk. Bahala ka.

AI

HOY!! Kinakausap pa kita wag mo akong tatalikuran, bastos! Walang manners!

Ilang minuto pa ay dumating na ang pinsan nitong si Lisa.

LISA

Oh, couz bakit ang beast mode, beast mode mo dyan? Para kang nakipag gera? Tsaka bakit ganyan ang itsura mo? Bakit basa ka?

AI

Eh pano ba naman? Yung lalaki kanina binangga na nga ako hindi man lang nagsorry, ganoon ba talaga ang mga tao dito? Walang manners!

LISA

Uy! Ano ka ba couz, baka may makarinig sayo

AI

Eh totoo naman eh, walang manners!

LISA

Tara na couz, pagod ka lang sa byahe kaya ka ganyan, tara na

Next chapter