8 KABANATA 08

Mula ng mangyari ang nakakawindang na rebelasyon sa pamamahay nila ay napagdesisyunan ni Alexa na umuwi na lang muna sa condo niya. Gusto niya muna ng katahimikan at hindi niya yon makukuha kung nandoon siya sa mansiyon nila. Gusto niya munang mapag-isa, pakiramdam niya ay biglang lumiit ang mundong ginagalawan niya. Ang dating nakikita lang niya sa school, na naging kaklase niya, at naging kasintahan ng taong mahal niya, na ngayon naman ay kapatid pala niya. Daig pa niya ang pinaglalaruan ng tadhana. Sumasakit na ang ulo niya sa mangyayari. Dagdag pa ang ilang araw na niyang masamang pakiramdam. Marahil ay nasosobrahan na sa stress at kakaisip ng kung ano-ano. Nawawalan na rin siya ng ganang kumain, tulad ngayon.

Lunch break sa opisina at may limang minuto na siguro niyang tinutusok tusok lang ang pagkaing nasa harapan niya. Muka naman itong masarap, pero parang ayaw naman ng sikmura niya.

"Ano na sis? Ilang tusok pa ba ang matatanggap ng chicken na yan? Hindi lang double dead inabot sa'yo ah! " biro ni Wilfred sa kaniya. Napabuntong hininga siya at umayos ng upo.

"Wala akong gana. Busog pa ako." mahinang sabi niya.

Nagkatinginan naman si Nikka at Wilfred.

"Hindi ka mukang busog girl! Wala ka ngang ka-energy energy eh! Para kang lantang gulay!" si Nikka na nagbibiro ngunit makikita ang pag-aalala. Muli niyang ibinalik ang paningin sa pagkain.

"Eh paano naman kasing gaganahan? Hindi pa niya nasisilayan ang kagwapuhan ng amo natin. Alam mong iyon ang energy niya. " nanunukso si Wilfred. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi nito. Sa isang banda ay totoo rin ang sinabi nito. Pinipilit niya itong iwasan ngunit parang hindi niya kaya. Ilang araw pa lang ay para na siyang nanlalata.

"Alam mo kasi Alexa, hindi mo naman siya kailangang iwasan. Just be yourself! Ilang pung taon mo ngang natiis na kababata lang ang tingin niya sayo, ay ngayon ka pa ba masasaktan? At saka, mukang hindi ka naman desididong iwasan siya eh, kasi nandito ka pa sa kompanya niya! Sekretarya ka pa rin niya! Imposible talagang maiwasan mo yun!" oo nga naman. Tama naman si Nikka sa bagay na 'yon. Gusto nga niya itong iwasan, pero heto siya at patuloy na nagtatrabaho para kay Benjie. Kung hindi ba naman siya tanga at kalahati di ba?

"Hindi naman sa ganoon, masyado lang kasing maraming nangyari nitong mga nagdaang araw. Lalo na yung tungkol sa amin ni Ali. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap," sinundan niya ito ng isang malalim na buntong hininga at tuluyan ng tinigilan ang pagtusok sa pagkain niya.

Naikwento na rin niya kasi sa dalawa ang sitwasyon ng pamilya niya.

"Saan ka ba nahihirapang tanggapin si Ali? Nahihirapan ka ba dahil sa nalaman mong may kapatid ka sa labas o dahil siya ang fiancé ng taong mahal mo?" na-corner siya doon ni Wilfred. Nakatitig lang siya sa dalawa.

"Pareho." totoo ang sagot niya. Kaya isa pang sa condo niya muna siya namamalagi, ay may tampo pa siya sa ama dahil sa ginawang paglilihim nito sa kaniya.

Tumango-tango naman si Wilfred at Nikka tapos ay sabay-sabay silang napabuntong hininga. Mahinang tawanan naman ang sumunod dahil sa pare-pareho nilang naging reaksiyon .

"Ganito na lang, since Friday today at wala namang pasok bukas, mag bar hopping tayo! Mag-relax muna tayo. Masyado pa rin akong windang sa mga nangyari sa Isla niyo! Ang bibigat ng eksena! Daig ko pa ang nasa pelikula na kasama si Ate V at Madam Nora! " natatawang wika ni Wilfred na nakaagaw ng intetes niya.

"Speaking of Isla. Ano ba talagang nangyari nung gabi na 'yon? Sabi ni Catherine, nagkainitan daw si Heubert at Benji, tapos nag-away yata sila Maita, Bea at Ali, yung magkapatid namang si Winston at Philip ay nagkainitan dahil sa'yo Nikka. At ikaw bakla, daig mo pa daw ang ninakawan ng kamusmusan matapos yung dare game na 'yon. Ano'ng nangyari? " tila nalunok naman ng dalawa ang kanilang mga dila, mukhang walang gustong magkwento sa kung anoman ang nangyari. Lalo na si Wilfred na namumula ang mga pisnge dahil sa sinabi niya.

"Huwag na muna nating pag-usapan. Hindi pa ako ready. Ano game ba kayo?" pag-iiba sa usapan ni Wilfred, nag-oo naman kaagad si Nikka. Natawa na lang siya sa dalawa, nahihiwagaan tuloy lalo siya kung ano talaga ang mga nangyari. Kalaunan ay nag-okay na lang din siya sa pag-aaya nito.

ALAS NUEVE ang naging usapan nilang pagkikita nilang tatlo sa bar na pag-aari ni Philip, nauna siyang dumating sa dalawa. Ngunit sampung minuto na ang lumilipas matapos ang alas nueve ay wala pa ang mga ito kaya napagdesisyunan na lamang niya munang mag-order ng maiinom. Light drink lang, ayaw na niyang malasing tulad noong huli. Hindi maganda ang epekto.

May kadiliman ang paligid habang sinasabayan ng isang nakakaindak na tugtugin. Hindi pa ganoon karami ang tao, may ilang sumasayaw sa gitna ng bar, ang iba ay mag-isa lang na tulad niya'y nagpapalipas ng oras. Mayroon ding entablado roon kung saan ay may tatlong taong nag-aayos at nagse-set up ng mga instrumento, siguro ay tutugtog ngayon ang banda ni Philip.

"Giiirrrllll!!!" "Lexi!!!" "Alexa!" matinis na tinig ang bumasag sa kaniyang pagmumuni-muni. Nagulat siya ng malingunan ang mga dumating.

Kasama nila Nikka at Wilfred ang mga kababatang sina Maita, Bea, Mikaella, Catherine, Philip, Martin at Benjamin. Ano ang ginagawa ng mga ito dito? Sa pagkakaalam niya'y tatlo lamang sila?

Agad siyang niyakap nila Bea at Maita. Nagtatanong naman ang mga matang bumaling siya sa gawi nila Wilfred at Nikka, nagkibit balikat lamang ang dalawa at ngumiti.

"Malungkot ka daw sabi nilang dalawa..kaya sinama nila kami para mapasaya ka..alam naman namin kung sino este na kami ang magpapasaya sa'yo eh!" sabay kindat ni Maita.

"Tara! Nagreserve na ako ng pwesto, tamang-tama at tutugtog ngayon ang banda namin. Kung gusto niyo, pwede rin kayong kumanta diyan mamaya." sabay turo ni Philip sa stage.

"Ay! Bet ko yan! Marami pa namang bagong kanta si Olivia Rodrigo! Napapanahon!" si Catherine na tila kinikilig pa. May banda rin kasi ito, pero nasa probinsiya. Lead vocalist siya doon.

Nang makalapit sa pwestong sinasabi ni Philip ay nagkani-kaniyang upo ang mga ito, para bang mga nananadya dahil talagang ang iniwang espasyo lang ng mga ito ay ang sa tabi ni Benjie.

Agad namang lumundag ang puso niya ng madikit ang balat sa binata, ilang araw din silang hindi nag-uusap at madalang magkita. Bigla siyang nakaramdam ng pananabik dito.

Ang galing naman ng pag-iwas mo Alexa! May lumulundag ka pang puso ano?!" sarakastikong sita ng isang bahagi ng isip niya.

Nag-order na ang mga ito ng kanikaniyang inumin.Tulad ni Mikaella ay isang non alcoholic wine lang din ang inorder niya. Ayaw na talaga niyang malasing.

"Kamusta na ba Alexa? Namayat ka ah. " panimula ni Martin.

"H-Ha? W-wala naman. " tanggi niya na sinundan ng paglagok sa kaniyang wine.

"Actually, nakwento na sa amin ni Nikka ang kung ano'ng meron sa pamilya mo at kay Ali." si Maita. Ang daldal talaga ng Nikka na ito! Lagi na lang siyang pinangungunahan.

"Hindi mo ba alam ang bagay na iyon Benjie? Hindi ba niya nabanggit ni minsan sa iyo ang tungkol sa pamilya niya?" tanong ni Martin sa katabi niya. Uminom muna ito ng isang shot, tapos ay lumingon sa gawi ni Alexa. Nagulat naman siya sa tinging iyon kaya nag-iwas din siya agad. Bumilis tuloy lalo ang tibok ng puso niya.

(Baka atakihin ka diyan Alexa ah, mawawalan ako ng bida. Kalma ka lang 😂)

"Wala..wala siyang naikwento tungkol sa relasyon niya kay Tito Felix. Ang natatandaan ko lang sa kinwento niya ay matagal ng hiwalay ang mga magulang niya at lumaki siyang kasama ang mommy niya. Iyon lang naman." sagot nito.

"Five years na kayo Dude, yung totoo, is there a chance na nakilala mo na ang mommy niya?" tila nag-iimbestigang tanong ni Philip.

"Nope, never." sa sinagot na iyon ni Benjie ay napuno siya ng mga tanong sa isipan niya, kaya hindi na napigilang hindi mag-tanong.

"Sabi ni Mommy ay kaibigan daw nila ni Tita Lorena ang mother ni Ali noong college days. I'm just curious, alam ni mommy ang tungkol kay Ali ever since bago pa man ito ipanganak, at alam din ni Ali noon pa man na ang daddy ko ay daddy niya rin- na magkapatid kami, sa tingin ko ay alam din ni Ali ang tungkol sa friendship nila mom and tita noon sa mommy niya,so how come na hindi manlang niya ito nabanggit sa iyo? Or kahit si Tita Lorena? I bet she knows about it too." natahimik silang lahat sa mga sinabing iyon ni Alexa..pare-parehong napaisip.

"Like what I've said before, marami pa kayong hindi nalalaman tungkol sa kaniya. At...hindi ko sasabihin kung anoman ang mga nalalaman ko.That is out of my business and I have my own story to tell. " sabay lagok ni Bea ng alak.

"Hay nako! Nandito tayo para mag-enjoy di ba? C'mon let's enjoy the night! Philip kumanta tayo!" sabay hila ni Catherine kay Philip, iniyakap pa nito ang isang kamay sa beywang ni Philip, agad namang ikinasimangot ng mukha iyon ni Nikka, lalo pa ng gantihan ng akbay ito ni Philip. Hindi maitago ang pagkainis sa dalawa ng bigla nalamang ini-straight nito ang isang punong shot glass at padabog na binagsak sa table nila. Nagkatinginan naman ang mga kababata niya at kani-kaniyang pigil ng pagtawa.

"Haay nako, more deny pa kasi..." natatawang biro ni Maita na ikinatawa din nila.

"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMAN. I'm just so happy tonight dahil nandito ang aking mga kababata, hindi nga lang kumpleto." si Philip ang nagsasalita sa mikropono na sa kaliwang bahagi ay nandoon si Catherine .

"So I have one of my kababata here on our stage, Miss Catherine Asis! Yes please, clap your hands. She's a guitarist slash lead vocalist to her own band in the province. But tonight, she's going to sing with me, for you guys! So Cathy, the stage is yours, hit it!"

Nagpalakpakan naman silang magkakaibigan pati na ang mga taong nasa ibaba na tulad nila ay nanonood, ngunit tila may isang hindi natutuwa.

"Tss...kakanta lang dami-dami pang sinasabi." sabay ubos na naman ni Nikka ng isang punong shot glass. Natatawa na lamang ang mga kasama sa inaasal niya. Pabebe pa kasi.

"Hi guys! Before we start, I'm going to warn you, baka kasi hindi niyo masyadong maenjoy yung vibes ko. Just tell me if you want me to stop na. So my first song will be Just A friend to you, and I will dedicate this to some of my friends over there, na alam niyo na, friendszone. " bahagya namang natawa si Alexa sa sinabi ni Cathy..parang alam na niya ang patutunguhan nito. Nagsimula na ngang tumugtog ang banda.

*Just A friend to you *

Oh, oh, oh

Oh-oh-oh-oh

Why you gotta hug me like that every time you see me?

Why you always making me laugh

Swear you're catching feelings

I loved you from the start

So it breaks my heart

When you say I'm just a friend to you

Cause friends don't do the things we do

Everybody knows you love me too

Tryna be careful with the words I use

I say it cause I'm dying to

I'm so much more than just a friend to you

Mmm, mmm, mmm"

Ninanamnam ni Alexa ang bawat liriko ng awiting kinakanta ni Catherine at Philip, nang bigla na lamang bumulong ang katabi niya.

"Para siguro sa atin yung kanta." napitlag pa si Alexa ng biglang bumulong si Benjie sa kaniya na ikinalingon niya rito.

Nakangiti ito. Malayo sa nagsusungit na Benjie nung mga nakaraang araw.

"Yan siguro yung matagal mo ng gustong sabihin sakin?" sabi pa nito na silang dalawa lang ang nakakarinig. Tila nanunukso nitong tanong. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito.

Ano bang pinagsasasabi ng lalakeng ito?

"L-Lasing ka na ba?" natatawa niyang tanong kay Benjie.

Umiling naman ito na ang labi ay nakangiti pa rin.

Maya-maya ay mas lumapit ang mukha ni Benjie sa gawi ng tenga niya.

"Na-miss kita..sorry sa mga inasal ko nung mga nakaraan." tila nanlambot naman ang puso niya sa mga sinabi nito. Buti na lamang at madilim, kundi ay nakita nito ang pamumula niya.

"Okay lang, naiintindihan ko." sagot naman niya na nakangiti.

"Usap tayo after this." bulong nito ulit. Alanganin naman siyang tumango.

Gusto sana niyang tanggihan, kaya lang ay may bahagi sa isip niya na gusto rin niya itong makausap, kahit hindi naman siya sigurado kung ano ang sasabihin at pag-uusapan nila.

In short Alexa, lalandi ka lang.. bulong ng kalahati ng isipan niya.

(napapadalas na yang pagkausap mo sa sarili mo Alexa, baka mauna ka pa mabaliw kay Alicia, wag ganon! 😂)

Si Catherine at Philip ay patuloy sa pagkanta. Siguro ay nakakailang set na sila at lahat ay parang nakakarelate sa mga kinakanta nila, may mga sumasabay pa lalo at pag-bitter ang dating ng kanta. Katulad na lamang nila Maita at Bea na halos sumisigaw na sa pagsabay sa kanta. Parang relate na relate. Mukang tinamaan na ito ng espirito ng alak. Paano ba naman ay daig pa ang nagpapaligsahan ng dalawa sa pag-inom. Hindi pa man nag-iinit ang pwet nila sa upuan ay nakaubos na agad ang dalawa ng tag-isang bote ng Jack Daniels.

"You betrayed me

And I know that you'll never feel sorry

For the way I hurt, yeah

You'd talk to her

When we were together

Loved you at your worst

But that didn't matter

It took you two weeks

To go off and date her

Guess you didn't cheat

But you're still a traitor"

Pasigaw na kanta ng dalawa na nakuha pang tumayo habang ang tag-isang kamay ay may hawak na bote ng alak.

"Pre, hindi mo ba aawatin kakambal mo?" natatawang bulong ni Martin kay Benjie na bahagya pang inilapit ang mukha para magkarinigan.

"Hindi na pare! Mukang may pinagdadaanan eh." sagot naman nito na bahagya pang natawa.

" God, I wish that you had thought this through

Before I went and fell in love with you

(Ah-ah-ah)

When she's sleeping in the bed we made

Don't you dare forget about the way

You betrayed me

'Cause I know that you'll never feel sorry

For the way I hurt, yeah

You'd talk to her

When we were together

You gave me your word

But that didn't matter

It took you two weeks

To go off and date her

Guess you didn't cheat

But you're still

You're still a traitor (ah-ah-ah)

Yeah, you're still a traitor

Ooh-ooh-ooh"

Natapos ang kanta at nagulat na lamang sila ng biglang ang dalawa ay parehong tumawa , ngunit si Bea ay tumatawang may luha ang mga mata.

Taka naman silang nagkatinginan ng mga kasama.

"O? Ano'ng nangyari sa dalawang iyan?" si Philip kasama si Catherine.

"Ewan. Pagkatapos ng kanta ganiyan na 'yan." sagot naman ni Mikaella.

"Ang sakit! Ang sakit sakit pa rin pala hanggang ngayon!" si Bea na nakasandal ang ulo sa inuupuang couch, habang ang mga mata ay nakapikit at may luha.

"Okay lang 'yan besh, kaya natin yan." si Maita na nakikipag apir pa kay Bea at mukang lasing na talaga.

"Akala ko ako lang ang mahal niya at ang babae sa buhay niya. Alam niyo ba...planado na lahat..lahat-lahat! Pero dumating lang siya, sa isang iglap...na-wash out lahat!" ganoon pa rin ang ayos niya, ang mga tawa niya ay puno ng pait at sakit, bakas ng mapait na ala-ala at masakit na nakaraan sa taong minahal.

"Ssshhhhhh...baka malaman nila...kalma ka lang..." si Maita na katulad na ni Bea ang ayos.

"Traydor talaga ang kaibigan nating iyon eh ano? Hayop! Tapos.... Tapos iniwanan ako ng responsibidad at obligasyon..ba't kaya hindi na lang nawala ang isang iyon eh ano? " nagkakatinginan na lamang ang ilan at nakikinig sa mga pinagsasabi ng dalawa.

"Agree ako sesh! Parang nananadya ang tadhana..." si Maita na bigla ay umayos ng upo at tinignan sila isa-isa ng may lumuluhang mata at humihikbi.

"F-First...her mom...kidnapped you and tried to kill you..." sabay itinuro ng isang daliri kay Alexa, na ikinagulat naman niya. "That caused the sudden death of Andrei ,your brother, my friend! At alam niyo ba guys huh?" sabay pahid ng luha nito at pilit na pinipigilan ang paghikbi. Si Mikaella naman ay panay ang hagod sa likod nito. "Dahil sa pangyayaring iyon, pati ang pinakamamahal kong si Ryan ay nasamang mamatay dahil sa kanila! Napakasakit! Hanggang ngayon...nandito pa rin ang sakit..." sabay turo niya sa tapat ng dibdib niya, maging si Mikaella ay naluluha na rin.

"And guess what? Year after that tragedy, inahas naman niya ang long time boyfriend ng kapatid mo Benjamin!" napatingin sila sa gawi ni Bea na ngayon ay nakatulog nang may luha sa mga mata.

"Sinira ang lahat ng pangarap na magkasama sana nilang bubuoin. Lahat-lahat! Tapos ngayon, heto na naman siya, pati ang pinakamamahal nating si Alexa ay balak namang guluhin. Ang kapal kapal talaga ng pagmumuka ng babaeng iyon! Ang kapaaallll!!!!" sabay sandal ng ulo nito sa katabing si Bea. Ilang sandali pa ay natahimik na rin ito at nakatulog na.

Napapaisip naman si Alexa kung sino ang tinutukoy nito. Gusto niyang malaman.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang lahat. Maingay ang paligid ngunit tila hindi nila ito naririnig.

"So...I guess, all of us need to go home na..sorry Alexa, parang hindi ka naman namin napasaya..." nahihiyang sabi ni Catherine.

Ngumiti naman siya, ngunit mababakas ang lungkot sa mukha.

"That's okay, maybe some other time...sa ngayon, kailangan na nating umuwi...madaling araw na rin. " sabi niya na sinang-ayunan naman ng lahat.

Tatayo na sana siya ng bigla ay nakaramdam siya ng hilo , napansin iyon ni Benjie dahil bahagyang tumama ang likod niya sa katawan nito.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong nito na inalalayan siya sa kaniyang likod.

Tango lang ang naisagot niya, ngunit muli parang biglang umikot ang paningin niya. Naipikit pa niya ang kaniyang mga mata , ilang ulit na nagpikit dilat, ngunit hindi nawawala.

"Just take her home Benjie..ako na ang maghahatid kay Bea at Maita, presinta ni Martin.

"Ako na ang mag-uuwi ng sasakyan ni Alexa bukas. Sakin ka na sumabay Mikaella, Catherine.." singit ni Philip.

"H-ha? Eh kasi...si Nikka na lang ang isabay mo Phil...magkalapit lang kasi kami ni Wilfred, sa kaniya na ako sasabay." si Wilfred naman ay tila nagulat sa sinabi ni Mikaella, ngunit sumang-ayon na lang din ito.

"Let's go." si Benjie kay Alexa. hindi naman na siya tumanggi. Inalalayan siya nito hanggang sa makaupo sa kotse.

Hihilot hilot niyang isinandal ang ulo sa headrest ng inuupuan habang nakapikit ang mga mata. Nasobrahan na yata siya ng puyat at stress.

"Maybe bumababa na naman ang dugo mo kaya ganiyan ka na naman. Don't stress yourself too much Lex.." hayun na naman ang paraan ng pagtawag nito sa kaniya, na huli pa yata niyang narinig mula kay Benjie ay noong bago pa nito makilala si Ali. That's refreshing...tulad noon ay masarap pa rin pakinggan ang pagtawag nito sa nickname niya na mismong si Benjie pa ang nagbigay .

"Sounds good, but how I wish na kaya kong gawin ang sinasabi mong wag magpaka stress, lalo pa at nandiyan ka..tsk..." he chuckled.

"Akala ko ba ako ang stress reliver mo? You said it before, Lex.." sa sinabing iyon ni Benjie ay napalingon siya at tila nawala ang sakit ng ulo.

"You still remember that, eh?" namamanghang tanong niya rito.

"Yes, everything about you...I still remember everything about us..." makahulugang sabi nito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

----------------

Sorry na!! Ilang araw na akong sabaw.. Nag-e-Lbm pa ako 😂😂

avataravatar
Next chapter