6 KABANATA 06

KABANATA 06

Mula sa dalawang araw na bakasyon ay bumalik na rin agad sila Alexa sa trabaho. Medyo tambak ang mga papeles na dapat niyang papirmahan kay Benjie. Ayaw man niya muna itong makaharap ay wala siyang magagawa dahil parte ito ng trabaho niya. Normal naman ang lahat sa opisina maliban lamang sa kaibigan niyang si Nikka at kay Wilfred na kapwa lutang pa at wala sa sarili. Pareho namang ayaw magkwento ng dalawa sa kung ano ang nangyari noong gabing hindi na siya nakabalik sa cottage. Si Bea naman ay babalik daw muna sa New York para ayusin ang mga naiwang trabaho.

"Ma'am Alexa. Okay na po ba yung sa Smith's Corporation? nag-follow up na po yung secretary ni Sir David. Lastweek pa po kasi iyon ipinasa," napabuntong hininga naman siya, malamang ay hindi pa napipirmahan ito ni Benjie. Hindi rin kasi ito pumasok kahapon.

"Ibababa ko na lang mamaya Miss Melanie. Wala pa kasi si Sir eh. Pasensiya ka na." nakangiti nitong sagot sa katrabaho. Nag-okay naman ito at iniwan na siya muling mag-isa.

Masakit pa rin ang ulo niya sa mga nangyari, hindi pa siya nakakatulog ng ayos. Puro si Benjie na lamang ang tumatakbo sa isip niya.

Maging si Ali. Gusto rin niya kasi sanang makausap ito para sana humingi ng pasensiya sa mga inasal niya. Nahihiya at nagi-guilty siya. Maling-mali ang mga inasal niya sa harap nito at ng lahat. Daig pa niya ang kasintahan ni Benjie kung mag-inarte.

"Miss Alfonso..to my office now." halos malaglag siya sa kinauupuan ng bigla na lamang dumating si Benjie. Mukhang mainit ang ulo nito. Ano na naman kaya ang problema?

Dala ang mga papeles na papapirmahan at mga nabinbing schedule ay humugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago pumasok sa opisina nito.

Si Benjie ay kunot noong nakaupo sa kaniyang swivel chair. Seryoso ang itsura nito at malamig ang ipinupukol na tingin sa kaniya.

"Schedule." napitlag pa siya ng magsalita ito.

Hindi siya sanay sa ganitong asal ni Benjie. Nakakapanginig ang malamig nitong pakikitungo.

"M-may board meeting po kayo mamaya at 10:30 am. Next is lunch meeting sa Thang Rum with Mister Katindig. Last is at 3pm with our new investor, kay Mister David Smith. At mga kaunting papeles na lamang na dapat pirmahan. " sabay lapag niya sa lamesa nito ng mga folder.

"Alright." tipid na sagot lang ang ibinigay nito habang binabasa ang laman ng mga folder na iniabot niya. Natigil naman ang binata at taas ang isang kilay na tumingin sa kaniya. "Ano pang hinihintay mo Miss Alfonso? Go back to your place." nagulat siya sa sinabi nito. Hindi mapaniwalaan ang inaasal ng binata.

Sa loob loob niya ay ito pa ang may ganang magalit matapos ng mga nangyari sa Isla.

"Galit ka ba?" wala sa sariling tanong niya kay Benjie.

Bumuntong hininga naman itong si Benjie at matamang tumitig sa kaniya.

"If you want to talk to me Miss Alfonso, set an appointment. Nasa trabaho tayo. Mahalaga ang bawat oras. Hindi ka binabayaran para makipagkwentuhan lang." tila sinuntok ang kaniyang puso sa mga narinig kay Benjamin.

Hindi na niya nagawang sumagot dito at nilayasan niya kaagad. Kung sasagot pa kasi siya ay baka bigla na lang siyang maiyak.

Pasimple naman niyang pinunasan ang taksil na luhang tumakas mula sa kaniyang mata. Ang sama sama ng loob niya. Tila kasalanan pa niya ang lahat ng nangyari. Alinman doon ay wala naman siyang ginusto.

"Alexa." si Anikka. Nakasalubong niya sa hallway na tulad niyang papuntang restroom.

Nang makita niya ang kaibigan ay tuluyan ng bumigay ang lungkot na nararamdaman. Agad naman itong niyakap ni Anikka at kinalma.

Mukhang hindi lang isang tabo ang mauubos niya ngayon kay Benjie. Lagi na lamang siyang pinaiiyak nito ng hindi niya nalalaman.

Sa kabilang dulo naman ng hallway ay malungkot na pinapanood ni Benjamin ang magkayakap na si Alexa at Nikka. Sinundan niya ito ng padabog na lumabas sa kankyang opisina. Hindi naman niya gustong saktan ang kababata at pakitunguhan ng ganoon, ngunit ito lang ang naiisip niyang paraan para lumayo ito sa kaniya. Kailangan nila ng space pare-pareho para rin makapag-isip isip ng mabuti sa mga nangyayari at sa mga magiging desisyon niya. Matapos kasi ang komprontasyon niya kay Alexa ng gabing iyon ay hindi na siya pinapatulog ng konsensiya at ng sistema niya. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang ilang parte ng pag-iisa nila ni Alexa. At konsensiya para kay Ali na nasaksihan pa ang katangahang nagawa niya. Sinoman sa dalawa ay ayaw niyang masaktan dahil pareho itong mahalaga sa kaniya. Ngunit ang namagitan sa kanila ni Alexa ay nagdudulot na sa kaniya ngayon ng kalituhan. Ang mga narinig naman mula sa kapatid at mga kababata ay nagbibigay ng pag-aalinlangan niya kay Ali.

Matapos ang pag-aaway nila ni Alicia ay hindi pa sila ulit nag-uusap. Hindi nagpaparamdam ang babae. Galit talaga ito sa kaniya. Natural! Sino ba namang kasintahan ang hindi magagalit kung naaktuhan ang pagtataksil na ginawa niya. Hindi naman niya ito masisisi. Ibang iba kasi ang pakiramdam niya ng gabing iyon. Parang halimaw na hayok na hayok makatikim ng sariwang laman. Para siyang sinisilaban sa kakaibang init na nararamdaman, init na hindi nakakasakit at hindi kayang pahupain ng kahit na anong malamig na inumin. Init na naghahatid ng kakaibang sensualidad na gustong gustong makalabas. At lalo siyang nabaliw ng makita ang hubad na katawan ni Alexa doon. Hindi na niya magawang pigilan ang sarili at tuluyan ng tinakasan ng katinuan.

Gusto niyang sapukin ang sarili sa mga pinaggagawa niya at ikinilos niya sa harapan ng kasintahan.

Hindi niya tuloy alam ngayon kung paano niya kakausapin at susuyuin ang fiancé ,lalo pa't kung ano-ano ang isinagot niya rito nung nakaraang nagtalo sila.

"Arrgghhh! Siraulo ka kasi!" sabay sapok niya sa sariling ulo at bumalik na sa opisina.

NATAPOS ang araw na iyon ng hindi sila masyadong nag-kikibuan ni Benjie, tanging tungkol lang sa trabaho. Sumasagot lang siya kapag may itinanong ito sa kaniya o ito ang unang kumibo. Nag-undertime na nga lang siya pagkatapos ng huling meeting ni Benjie. Gusto niyang makapahinga ng maaga. O mas tamang sabihin na ayaw niya munang makita si Benjie. Nagdahilan na lamang siyang masama ang pakiramdam, pinayagan naman siya ni Benjie kahit alam nito na hindi naman ito ang totoong dahilan. Alam niyang nagtatampo ang kababata niya at talagang nagi-guilty siya. Wala pa nga silang maayos na pag-uusap sa dapat na gawin sa nangyari sa kanilang dalawa ay heto na naman siya at dinagdagan pa ang sama ng loob ni Alexa.

MATAMLAY na umuwi ng bahay si Alexa, tila lantang gulay at walang ka-ene-enerhiya. Hindi naman ito nakatakas sa paningin ng kaniyang ina.

Nagdiretso siya sa kaniyang kwarto, ibinagsak ang katawan sa malambot niyang kama. Nakatitig lang sa kisame at blangko ang isipan. Naiinis na siya sa mga nangyayari. Wala naman siyang kasalanan sa mga naganap. Kung siya lang ay hinding hindi niya gagawin iyon dahil alam niyang may masisira siyang relasyon. Nagkataon na talagang wala siya sa sariling katinuan at wala ng kontrol sa sariling katawan, kaya nangyari ang kahiya-hiyang bagay na 'yon. Nung una ay wala siyang pinag-sisisihan dahil masaya siya na si Benjamin ang lalakeng nakakuha ng kaniyang kainosentehan , ngunit ngayon ay nagsisimula na siyang makaramdam ng pagsisisi dahil sa mga nangyayari. Lalo pa't pakiramdam niya sa inaasal ni Benji kanina ,kahit hindi nito direktang sabihin ay parang siya ang may kasalanan sa nangyari. Hindi naman niya iyon sinasadya!

"Alexa..." tawag ng mommy niya mula sa labas. Walang gana naman siyang tumayo para pagbuksan ito.

"Mom." malungkot niyang tawag dito.

"Pwedeng pumasok?" malambing na tanong nito. Ngumiti naman siya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

Naupo ang kaniyang ina sa couch at siya naman ay naupo sa gilid ng kama. Matamang tinitigan siya ng ginang na tila binabasa ang kaniyang ekspresyon.

"Okay ka lang ba anak? Mag-mula ng makauwi ka galing sa Isla ay ganyan ka na? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito sa anak.

Si Alexa ay nakayuko lang at nakatingin sa mga daliring naglalaro. Humahagilap ng sasabihin sa Ina. Alam niyang nag-aalala ito, at mas lalo itong mag-aalala kung sasabihin niya ang nangyari sa pagitan nila ni Benjie.

"Anak?" muling tawag ni Anastasia sa kanya. Sa puntong iyon ay nag-angat na siya ng paningin, may pilit na ngiti.

"Mom? Bakit ang sakit? Nagmahal lang naman ako pero bakit nasasaktan ako? Akala ko ba, masarap ang magmahal? Masaya? Pero bakit ganito mommy? Ang sakit-sakit dito!" nangingilid ang luhang nakaturo ang isang daliri sa tapat ng puso. Naaawang nilapitan naman ito ng ina at niyakap.

"Mommy, may mali ba sakin? May kulang ba? Ano ba'ng kulang sakin para hindi na lang ako yung piliin niya?" hindi na niya nakaya pang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong mag-silabas. Ang ina naman ay yakap pa rin siya habang hinahagod ang likod niya para kumalma.

"Anak....huwag mong iisipin yan..walang kulang sayo. Walang mali. May mga bagay lang talaga na...hindi natin maipipilit. Anak ang pagmamahal, kusa yang nararamdaman, hindi mo madidiktahan ang puso sa kung sino ang mamahalin mo at kung kailan ka magmamahal. Si Benjamin ba? " marahan naman siyang tumango sa tanong ng ina.

"Ganoon kasi talaga ang anak pagmamahal eh, kahit gaano mo kaayaw at pilit na awatin itong maramdaman sa isang tao ay hindi mo yon mapipigilan. Kahit gaano ka pa kainis sa taong iyon, kapag ang puso mo ay tumibok para sa kaniya, wala kang magagawa. Hindi rin kasi lahat ng taong mamahalin natin ay mamahalin din tayo pabalik. Minsan nga ay sila pa mismo ang makakasakit sa'tin. Siguro, hindi siya talaga ang taong nakalaan para sa'yo. Mahal ka rin naman niya, yun nga lang ay hindi siguro sa paraang tulad ng nararamdaman mo. Ang tunay na pagmamahal anak, walang hinihintay na kapalit. Marunong tumanggap ng pagkatalo, magiging masaya sa kasiyahan ng minamahal. Hindi ko sinasabing bitawan mo na lang at kalimutan ang nararamdaman mo para kay Benjamin, ang sakin lang anak, ayaw naming nakikita kang nasasaktan at umiiyak ng ganito, kung sa tingin mo wala ng pag-asa, hindi masamang bumitaw ka na, masyado ng matagal ang panahong inilaan mong mahalin siya ,anak. Sa lahat ng desisyon at kasiyahan mo sa buhay ay lagi siyang may espesyal na parte. Siguro anak, panahon naman na para sarili mo naman ang mahalin mo. Hindi lang naman siguro si Benjie ang maaaring dumating sa buhay mo. May makikilala ka pang iba. Kung wala, nandito kami ng Daddy mo at ng mga kaibigan mo para sa'yo. Bilang magulang mo ay higit kaming nasasaktan sa tuwing masasaktan ka, lalo na siguro ang Kuya mo , kung nandito lang siya at nakita ka ngayong umiiyak, nako! Lagot talaga ang Benjamin na 'yan!" bahagya silang natawa sa sinabing iyon ni Anastasia.

"Lalake lang iyan anak. Hindi 'yan mauubos. Deserve mong mahalin ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay kay Benjie. May taong darating sa'yo na pahahalagahan at ibabalik ng higit ang pagmamahal na ibibigay mo. Maging masaya ka na lang para kay Benjie. Kung iyon ang kaligayahan niya, kung talagang mahal mo siya, ang tanging paraan na lang para maipakita mo ang pagmamahal sa kaniya ay ang palayain mo at suportahan kung saan siya magiging masaya." mahabang litanya ng ina. Iniangat ang mukha ng anak at pinunasan ang mga luhang halos humilamos na sa magandang mukha ni Alexa.

"You deserve to be loved and happy too, anak. You're complete and enough. Baka parating pa lang ang Prince charming mo. Bata ka pa..huwag kang magmadali. I love you baby. " sabay yakap muli ng mahigpit sa anak.

"Dalaga na talaga ang baby namin." bahagyang natawa si Alexa sa sinabi ng ina. Matagal na ring panahon mula ng mag-yakap sila ng ganito kahigpit.

Siguro nga ay tama ang kaniyang ina. Wala naman siyang ginawa kundi ang mahalin si Benjie, ngunit wala ring naging dulot ito kung hindi ang masaktan lang ng paulit-ulit. Hindi naman niya sinisisi si Benjie, wala naman itong alam sa nararamdaman niya, ngunit tama na siguro ang mahabang panahong inubos niya para mahalin ito. Siguro nga ay tama na sarili na lang muna niya ang mahalin niya.

avataravatar
Next chapter