Reiko
THIS IS the day na pinakahihintay ko. Ngayon ang unang araw na lalaban ang SWU Wolf sa ibang lugar. Syempre, paano ako hindi mae-excite e, overnight kami kasi malayo iyong lugar.
So magkakasama kami sa tuuluyan. Nakalagay sa waiver ko na may apartment kaming titigilan doon. Nakakatuwa nga kasi pinayagan ako nina Mom kahit nagdadalawnag isip si Dad. Ayaw na ayaw talaga niyang hindi ako nakakauwi sa bahay ng gabi.
Isa pang good news, nagulat ako dahil kasama si Ciara at akalain ko bang may waiver din siya para excuse siya sa mga klase. Naloka ako sa kakapalan ng bestfriend ko. Noong tinuruan siya ng assignment ni Kenzo, hindi na daw siya nagpaliguy ligoy pa. Ginawa pa akong dahilan ng bruha! Sabihin ba naman kay Kenzo na kailangan daw ay kasama siya dahil may stage fright ako. Kumbaga hindi ko daw kaya kapag wala akong kasamang kaibigan saka baka daw maiilang ako kapag hindi siya kasama. Baliw talaga si Ciara! Bilib na talaga ako sa kaniya.
Nakaupo na nga ako rito sa service naming bus. Ang tagal ng bruha. Baka maiwan pa siya.
"Besty! Omg!"
I rolled my eyes. Siya talaga ang pinaka-excited sa lahat. Tumabi siya sa akin pagkalagay niya ng bag niya sa itaas.
"Hindi ko kinakaya besty! Hindi pa nga ako nakatulog kagabi kasi you know, kailangan ko ng beauty rest para naman mahumaling sa kagandahan ko si Kenzo babe!"
Tunawa ako. "Iba ka talaga. Idol na kita. Hahamakin mo lahat para sa crush mo e."
"Oo naman 'no! Mababaliw ako kapag hindi ako nakasama. Kahit nga water girl, papatusin ko makasama lang ako 'di ba? Saka support mo nalang ako bestfriend tayo e.
"Ano pa nga ba? Narito ka na e. Saka masaya din naman ako kasi kasama kita."
"Yeee! Pero besty, may plano tayo ha?"
Kumunot ang noo ko. "Anong plano naman 'yan?"
"Mamaya pagkatapos ng game nila Kenzo, aabutan ko agad siya ng water saka towel. Tapos asarin mo ako sa kaniya ha!"
Nagpokerface ako. "Grabe, Ciara. Desperada ka na talaga."
"Eee! Basta besty ha! Saka dapat lagi mo ako asarin na may crush ko yata si Kenzo ganern, tapos ako syempre ngingiti lang ng pabebe kunwari naiinis. Tapos sasabihin ko, luh parang sira! With matching rolling eyes pa."
Hindi ko kinakaya ang kaibigan ko. Iba na talaga ang level ng kabaliwan niya.
"Sige na besty!"
"Oo na!" Sabi ko saka bumulong kay Ciara."Sa isnag kundisyon."
Kumunot naman ang noo niya. "Ano naman?"
"Ganunin mo din ako kay Enzo." Nahihiyang sabi ko.
"Ay letse ka! Maka judge ka sa akin tapos ikaw din pala. Hay naku, besty talaga tayo. Besty na kapwa umaasa. At besty na mapagpanggap at planado ang lahat!" Hunagalpak siya ng tawa.
Nanlaki ang mga mata ko nang sumakay na sa bus sina Enzo.
Kinurot ko sa tagiliran si Ciara. "Andiyan na sila. Behave na." Mahinang sabi ko.
"Oo nga, mashaket besty!"
Umayos ako ng upo. Ayokong makita ni Enzo na maingay ako. Kailangan babaeng babae na may class. Kailangan dalagang dalaga ang pagkakaupo ko para attractive.
"Hi, Reiko!" Bati ni Renzo. Napaka cheerful talaga niya. "Groufie!"
Hindi man lang ako nakapose ng maganda. Grabe talaga si Renzo. Ang hilig niya talaga magpicture.
"Kinikilig ako kasi kasama ako sa groufie. Baka isipin ng makakakita sa picture ay girlfriend ako ni Kenzo." Mahina pero rinig na rinig ko kung paano kiligin si Ciara na pabulong bulong pa sa akin.
Umupo na ang triplets. Magkakahiwalay sila ng upuan at iba iba ang katabi nila na kapwa ka-team mates lang nila. Tingin ko naman ay close ang triplets pero hindi sila clingy sa isa't isa.
May naalala ako. Dinukot ko sa bag ang ginawa kong watermelon lollipop kagabi. Kasi naman, napansin ko na favorite flavor yata ni Enzo ang pakwan so I tried to make candies. Pero the best ang lollipop kasi hinulma ko siya na parang pakwan slice.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ciara nang tumayo ako.
"May iaabot lang ako kay Enzo." Mahinang sagot ko.
"Ikaw ha! Ang arti arti mo."
"Arte kasi iyon."
"Gusto ko arti e."
Hindi ko na siya pinansin. Lumapit ako kay Enzo sa bandang likod. Wala pa siyang katabi pero abala siya sa pagkanta kasi naka-headset siya na may design na pakwan. Ang cute!
"Enzo." Kinalabit ko siya. Nakatingin kasi siya sa bintana.
"Reiko?"
"Ginawan ko ng candies si Yuan kagabi and maramung natira so I'll give it to you." Bad mouth! Ang sinungaling ko. Kasi hindi ko naman talaga ginawan ng candy si Yuan kasi bawal siya at magagalit si Mom.
Inabot ko sa kaniya ang candies pati ang lollipop.
Namilog ang mga mata niya. "Hala, Reiko! Hindi ako mahioig sa candies pero kukunin koito kasi effort mo saka bigay mo 'to e. Share ko to sa team." Aniya pa.
Eeee! Kinikilig ako e. Tuwang tuwa siya.
"Sige, Enzo."
"Wait, Reiko!"
Nilingon ko siya. "Yes, Enzo?"
Tinawag niya ako. Enebe! Kumokota ako!
"Madami pang candy?"
I tilted my head. "Huh?"
"Hehe wala wala! Bibigyan ko ang buong team nito. Ang dami nito e." Sabi pa niya.
Nginitian ko lamang siya saka ako bumalik sa upuan ko sa tabi ni Ciara.
"Ano iyong ibinigay mo kay Enzo?" Tanong niya.
"Candies syempre."
"Ano ba 'yan, besty! Ang weak mo. Ginawa mo namang bata si Enzo. Look at me. May ibibigay din ako kay Kenzo."
Aba't sinabihan pa talaga akong weak. Sabunutan ko nga 'tong babaeng 'to mamaya.
"Hi, Kenzo! May binili akong crafts for project kahapon sa national and I remember you. I saw this book. I bought it for you. Thank ypu gift ko na rin dahil sa pagtulong mo sa akin sa assignment ko last time. Alam mo bang perfect ako nang dahil doon?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pag-ngiti ng isang Kenzo Shinwoo! E napakahlbihira kaya niyan ngumiti! Once in a blue moon lang yata. Mabait siya pero straight face palagi siya.
"Thanks, Ci."
Mas nanlaki pa ang mga mata ko sa tawag na iyon ni Kenzo kay Ciara. Ano 'yong Ci?!
"You're always welcome! Mababasa mo ito habang nasa byahe. Enjoy."
Bumalik si Ciara sa upuan niya na malapad ang ngiti. Para siyang constipated na pinipigil ang kilig. Pulang oula ang mukha ng bruha!
"Hoy babae, anong Ci?! Kelan ka pa naging Ci? Ciara ka ah!"
"Kesye enebe, marupok ako!"
Hinila ko ng pabiro ang buhok niya. "Chika mo na dali."
"Kasi nga sabi ko sa kaniya, Ci ang itawag sa akin. Short for Ciara kasi sabi ko para maikli lang. E hindi niya alam, for me, it's a kind of endearment. Enebe!"
Hinila ko ulit ang buhokniya. "Malandi ka!"
Tumawa siya. "Ano ka ba, besty. Dapat happy ka sa akin kasi hindi nalang ako hanggang tingin ngayon. Nakakalapit na ako kay Kenzo tapos kinakausap pa niya ako tapos nahulig lalo ang puso ko nung ngumiti siya kanina. Huhu siguro nagandahan siya sa akin."
"Huwag kang ambisyosa. Ngumiti siya dahil nakakita siya ng book. O baka naman akala niya book ka? Kasi flat ka besty e."
"Ikaw na babae ka. Tanggap kong flat ako, duh! Pero kailangan talaga ipamukha? Sama ng ugali."
Natawa lang kami pareho pero jusko, nakakaloka kaming dalawa. Para kaming mga teenagers na pumoporma sa mga crush namin.
"Alam mo ba besty, iyong mga books ko, pinapirmahan ko kay Kenzo noong nasa library kami."
Kumunot ang noo ko. "Kelan pa naging author si Kenzo?"
"Baliw!i mean iyong mga academic books ko."
Seruously? "Baliw ka talaga! Buti pumayag si Kenzo? Iniisip niya siguro, baliw ka."
"No, no, no! Natawa nga siya nun kasi sabi ko para mas ganahan akong aralin iyong mga books e. Kasi inspiration ko siya kasi matalino siya. Hindi niya alam, siya ang ultimate bias ko sa SWU Wolf."
Wala na. Nilamon na siya ng sistem.
"And look at this, besty."
Ipinakita niya sa akin ang wallpaper ng phone niya. Kamay iyon.
"Ano 'to?"
"Kamay 'yan ni Kenzo babes habang sinasagutan iyong assignment last time. Ang pogi 'di ba? Bago ako matulog, tinititigan ko pa 'to."
Napailing nalang ako. "Besty, tulog ka muna. Mahaba haba ang byahe."sabi ko saka isinuot ang earphones ko.
Umandar na ang bus at mas napuno ng excitement ang dibdib ko. Hindi sa game kundi dahil makakasama ko sina Enzo sa iisnag apartment.
❥
MALAPAD ang ngiti sa mga labi ko. Unang una, nanalo ang SWU Wolf. Tinambakan nila ang PLU Growl. Nakakatuwa kasi ang galing galing ni Enzo. Feeling girlfriend nga ako kanina sa pag-cheer e.
Hindi ko lang talaga kinaya ang bestfriend ko. Kung makasayaw at kembot, hindi ko kinaya! At ginawa talaga niya iyong sinabi niya sa akin na bibigyan agad niya ng tubig at towel si Kenzo. Ako namang si gaga, inasar sila. Jusko!
"Nakakapagod besty pero ang saya!" Sabi ni Ciara.
Sunod sunod kaming pumasok sa apartment na tutuluyan namin. At dahil may celebration, excited ang lahat.
"Wooo! Cheer for beer!" Sigaw ng ilan sa SWU Wolf.
May kasama kaming matanda syempre. Iyong coach at manager nila saka iyong P.E teacher namin na si Mrs. Magalang. Tapos, kami ni Ciara at ang buong team.
Isang magarang apartment ang tutuluyan namin. Sagot ito ng SWU kaya siguro maganda tapos andito pa ang triplets.
May tatlong kwarto ang apartment. Sa isang kwarto kaming mga babae, iyong SWU Wolf tapos iyong isa ay sa coach at manager nila.
Bago kami umuwi dito sa apartment ay kumain kami sa labas. Iba talaga ang SWU e. Lahat sponsor!
"Mauuna na akong matulog. Nakakapagod." Sabi ni Mrs. Magalang. Nasa forties na siya pero mabait naman siya at active talaga sa sports since she's a P.E teacher.
"Huwag sosobra sa beer, mga bata." Sabi nung coach nila. "Hahayaan ko kayong magcelebratedahil nanalo kayo pero tandaan niyo na maaga tayo uuwi bukas ng manila."
"Yes coach!" Sabay sabay na sagot ng SWU Wolf.
Inilagay na namin ni Ciara ang gamit namin sa kwarto saka nagpalit ng damit. Nauna ako sa banyo saka isinuot ang dala kong jogging pants at sando. Saka ako lumabas para si Ciara naman ang magpalit.
Nang matapos si Ciara ay lumabas na kami sa salas. Naroon sila at inaayos ang mga pinamioing beer at chips at kung anu ano pang snacks.
"Reiko! Ciara! Join kayo sa amin." Tawag sa amin ni Jimson.
Lumapit kami sa kanila. May mahabang sofa kaya naupo kami roon.
"Besty, kalong kaya ako kay babes?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Landi mo." Bulong ko.
Tumawa naman siya.
"Reiko, umiinom ka ba?" Tanong ni Renzo. "Baka mapagalitan ka ni Tito Lance."
Umiling ako. "Hindi talaga ako umiinom. Hanggang juice lang ako." Sabi ko.
May mga juice in can naman sa mahabang mesa dito sa salas e.
"Wow, good girl!" Sabi ni Lemuel---isa sa Wolf.
"Ako umiinom!" Sabi ni Ciara.
Nasapo ko ang noo ko. Baliw talaga 'tong babae na 'to.
"Juice lang for girls. Huwag niyong paiinumin ng beer." Sabi ni Kenzo.
Napatingin agad ako kay Ciara at tama ako ng hinala. Nangingisay na siya sa kilig. Feel na feel niya talaga bwisit!
"Reiko oh."
Ngumiti ako kay Renzo nang abutan niya ako ng juice in can na nakabukas na.
"Thanks."
Napatingin ulit ako kay Ciara dahil hindi pa niya binubuksan ang juice niya na nasa table sa harap niya.
"Besty, inom ka na din ng juice." Sabi ko.
"Oo nga pala. Hehe. Akala ko ipagbubukas din ako ni Kenzo." Mahinang sabi niya.
Wala na talaga. Nilamon na talaga ang sistema.
Nagsimulang uminom ang SWU Wolf. Tawa sila ng tawa kasi ang dami dami nilang kalokohang pinag uusapan. Habang kami ni Ciara ay abala din sa girl's talk namin.
"Ciara, sandali." Sabi ko. "Banyo lang ako."
Tumango naman siya. Pumunta ako sa may banyo pero kumunot ang noo ko nang makita si Enzo sa may maliit na balcony. Sa halip na dumiretso ako sa banyo ay pinuntahan ko siya.
"Enzo." Tawag ko sa kaniya.
Nagulat ako nang vigla niya akong hilahin palabas ng balcony. Napasandal ako sa pader. Nakaharap siya sa akin at ang lapit lapit niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko.
"E-Enzo..."
Ang awkward! Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung bakit.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti unting lumapit ang mukha niya sa akin. Ang brain cells ko, ang buong sistema ko, nagwawala na! Pero wala akong magawa. Hindi ako makakilos. Para akong tuod na nakatitig lang sa kanya, hinihintay ang gagawin niya.
Hanggang kusa akong mapapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Ang puso ko....
Bakit ako hinahalikan ni Enzo? Bakit... mahal na ba niya ako? Gusto niya din ba ako?
"Nalasahan mo ba, Reiko? Nakakatuwa. Hindi ako maka-move on kasi hanggang ngayon, nalalasahan ko pa rin sa bibig ko iyong watermelon candy."
Napalunok ako. It was... because of that? Seryoso ba siya?!
Nahihiya akong tumawa. "Ah, oo. Hehe."
Jusko, mababaliw ako. Ano ba namang klase iyon! Ipapatikim niya lang sa akin iyong candy pero sa paraang ganito pa?
Ang lakas lakas ng pagtambol ng puso ko!
"Bigyan mo pa ako non, Reiko ha? Favorite ko na 'yon."
"Oo, s-sige. Tara na sa loob?"
Tumango siya. Maloloka ako, grabe. Pakiramdam ko ay matutumba ako sa ginawa ni Enzo. I feel so weak. Parang nanginig ang tuhod ko. Grabe.
Palagi ko na siyang bibigyan ng candy para kapag ipinatikim niya sa akin, hahalikan niya ako.
My gosh, siya ang first kiss ko!