8 08 || Mundo

Rain's P.O.V.

"Ms. Concepcion? Present your report here. May meeting kami ngayon kaya 'yung classmates mo na ang bahalang magbigay ng score sa 'yo. Okay?"

Taas-noo naman akong naglakad papunta sa harapan. Chin up, chest out kahit walang chest.

"Magandang umaga classmates at sa asawa kong nakaupo ngayon sa unahan, good morning hubby, Zirk!" sabi ko kaya 'yung tahimik na classroom kanina, napuno ng tili at asaran.

"Shut up muna mga kumare, kumpare. Mukhang wala sa mood si hubby at napagod yata kagabi—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil agad niya akong sinamaan ng tingin.

"—kakareview siyempre. You know, masipag ang asawa ko. Para sa future na rin namin." Ngumiwi lang siya at sumandal sa upuan na parang bagot na bagot na sa buhay niya.

Ay jusmeyo marimar! Hindi ba siya kinikilig sa mga banat ko? Umpisahan ko na nga 'yung report ko, hmp!

"So my topic is all about earth. Mundo. Mundo kita, Zirk."

Hindi niya ako pinansin at seryoso ang mukha niyang binabasa ang report ko. Aish naman!

"Go, Rain! Kaya mo 'yan!"

"Ulanan mo ng banat biliss!"

"Uyy, Zirk pansinin mo naman 'yung misis mo!"

Sigaw ng nga kaklase ko.

Nginitian ko lang sila. Kaya ko 'to! Fightiingg!

"Naniniwala ba kayo na bilog ang mundo?" Tumango naman sila at 'yung iba naman parang walang pakialam.

"Naniniwala ba kayong bilog si Zirk?" Naghiyawan ulit sila at 'yung iba may pahampas pa sa desk.

"Tsk, proceed," walang modo sagot nya.

Ang kj ampochi. Pero kahit ganiyan ka, asawa pa rin kita!

"Eratosthenes proved that the earth is oblate spheroid. Means that the Earth's surface is flat and bulging on its both side. Sinukat pa 'yan ni Eratosthenes pero gusto kong tumutol!" Sumulyap muna ako kay Zirk bago tumuloy.

"Bakit nung sinukat ko 'yung pagmamahal ko kay Zirk, wala akong nakuhang sukat? Ibig sabihin lang nun, ang mundo ay walang sukat!"

Tumikhim naman siya at sinamaan ulit ako ng tingin. Nagsitawanan tuloy 'yung mga kaklase ko. Huhu, bakit kasi ganiyan siya?

Sineryoso ko na tuloy 'yung report ko. Siyempre kahit maharot ako, gusto ko pa rin magkaroon ng score sa reporting.

"May tanong ba kayo about sa report ko?" Nakita ko namang nagtaas si Zirk ng kamay kaya tinanguan ko siya.

"Ganiyan ba 'yung tamang pagrereport? Tsk,pag nagtanong ako siguraduhin mo lang na masasagot mo ako."

Hmp! KJ ka lang kasi!

"Ano 'yung tanong mo?" Humakbang siya palapit sa akin.

"Your report is about earth, right? Ms. Rain, my question is, can you be my world?"

Nanlaki naman yung mata ko. A-Ano raw?!!

"Silence means yes. Simula ngayon mundo na kita. Akin ka lang. Mundo ko lang..." sabi nya sa akin with matching smirk.

avataravatar
Next chapter