5 05 || Corrected By

Hannah's P.O.V

"Check the papers and write corrected by. Ayusin ang pag-check kung ayaw niyo ng minus 2," sabi ni ma'am.

Nakangiti naman ako dahil sa akin napunta ang test paper ni Cedrick. Ang lalaking minahal ko kahit na weirdo.

Ang talino talaga niya. Out of 50 nakakuha siya ng 47.

Pagkatapos ko i-check nilagyan ko na ng corrected by—bigla akong nakaisip ng kalokohan. Nilagyan ko ito ng 'Corrected by your future wife' natatawa ako sa isiping yun.

"Ibalik sa may-ari ang papel," sabi ni ma'am.

Naku. Baka malaman niya ako ang nagsulat. Kaya binigay ko ito sa katabi ko at pinabigay ko sa kaniya. Buti naman wala itong pakialam.

"Ma'am 48 dapat ako pero 47 lang ang nakalagay rito sa papel ko." Namula ako nang biglaang umangal si Cedrick sa papel niya.

Tangina. Inayos ko yun pagbilang ah.

"Sino ang nag-check niyan?" tanong ni ma'am.

"Future wife ko raw po" sabi ni Cedrick.

Napahilamos ako sa mukha ko. Lagot na ako nito.

"Sino ang nag-check niyan. Ang hindi magsalita minus 10 ang lahat" sabi ni ma'am.

Nanginginig akong tumayo.

"Sorry. Ako po, ma'am. But chineck ko po iyan nang maayos. 47 lang po talaga," pag-amin ko. Tiningnan ko naman si Cedrick na nakangiti sa akin.

Halos umalsa lahat ng buhok ko sa katawan at para na akong kamatis sa sobrang pula.

"No excuses, minus 10—"

Hindi natapos ni ma'am ang pagsasalita niya nang biglaang sumabat si Cedrick.

"I was just kidding, ma'am. Gusto ko lang naman pong makilala kung sinong future wife ko ang nag-check ng papel ko" nakangiting sabi niya.

"So, dahil kilala ko na, hi future wife. I'm your future husband."

Namula ako sa kilig at hiya. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko dahil kinikilig din.

"BOTH OF YOU! MINUS 5 DAHIL SA KAHARUTAN!" sabi ni ma'am. Wala akong pake sa minus 5 na 'yan basta kinikilig ako.

avataravatar
Next chapter