4 04 || Calculator

Cortez's P.O.V

"Okay class, get your scientific calculator. Ang walang calculator, bawal magsagot!" sigaw ng teacher namin.

Palibhasa matanda kaya galit na galit gusto ng manakit?!

"Sino ba'ng walang calculator?" tanong ni ma'am.

Nagtaas naman ako ng kamay.

Ako lang mag-isa? Nakakahiya!

"Ms. Cortez? Bakit wala ka? Pinadala ko na 'yan kahapon ha? Ratatatatat boogsh boom peew peew!"

Kaya pala pangalawang tahanan ang school kasi hanggang dito may sermon. Hehe joki.

"Naiwan ko po kasi sa bahay, ma'am," sagot ko.

"Manghiram ka na lang sa may extra pa. Bawal kayong gumamit ng cellphone, okay?"

Nilibot ko naman ang paningin ko at nagpaawa sa mga kaklase ko.

Leche! Sino pa'ng may extra-calcu diyan?

"Meron pa akong isa." Napalingon naman ako sa nagsalita. Omg, Joshua!?

Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin at halikan at pakasalan dahil sa pagpapahiram niya sa akin ng calculator kaso ang OA ko naman masyado.

"T-Thank you!" Inabot niya sa 'kin 'yung calculator kaya naman halos maihi ako sa kilig.

Alam ko namang concern ka para sa future natin kaya mo ginagawa 'to.

"Start answering, now!"

May magic 'ata 'tong calculator ni Joshua kasi ang bilis ko magsagot. Ako nga 'yung kauna-unahang nagpasa.

Bago ko ibalik kay Joshua 'yung calculator niya, nilagyan ko muna ng 143.

I love you sagad gano'n!

"Joshua, thank you ulit!" nakangiting sambit ko.

Number 32 pa lang ang asawa ko, tulungan ko kaya?

"Ano 'tong mga number? Sagot mo ba 'to?" Tanong nya.

Teka hindi niya ba alam 'yung 143? Sana 150 na lang 'yung nilagay ko!

"143...I love you," bulong ko.

Ayaw ko namang marinig ni ma'am 'yung kaharutan ko. Nakita ko naman siyang napangisi at may tinype sa calculator.

"1432?" tanong niya.

Binasa ko 'yung mga number na nakasulat doon.

Ano meaning no'n?

"1432...means, I love you too! Simula ngayon sa 'yo na 'tong calculator na 'to. Kunwari puso ko 'to at simula ngayon, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko..."

avataravatar
Next chapter