3 03 || Steady State Theory

Ryan's P.O.V

"Goodmorning everyone." Panimula ni Joanne.

"Our topic for today is all about Steady State Theory."

She already start reporting pero ang ingay pa rin ng buong klase. May teacher naman, pero kampante lang itong nakaupo habang pinagmamasdan si Joanne. Maybe because we're old enough to handle ourselves at gusto niyang kusa kaming tumahimik.

"Can somebody give me the meaning of Steady State Theory?"

Panandaliang nanahimik ang lahat pero nang walang makasagot ay muli na namang umingay.

"Ryan. May gusto ka bang sabihin?"

Nagulat ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Can you give me the meaning of our topic for today?

Sa pagkakataong ito'y napahinto na ang lahat.

Honestly wala akong masagot kasi nalimutan ko na rin kung ano nga ba yun.

"Wala ka na namang masagot?"

Parang iba ang tingin niya sa'kin.

"Just like before wala ka ring masabi nung malaman ko ang totoo. Am I right?"

Umiwas ako ng tingin. Di ako mapakali. Nakita ko ang mga kaklase ko na umayos na ng mga upo.

"From the very beginning I am Joanne and you are Ryan. Everything went fine. Until the day came na nagbago na ang lahat between us. Lumayo ka."

Damn! Why is she saying this? Reporting 'to di ba? Ba't merong ganito? Napalingon ako kay ma'am. No reaction at all.

"Pag may lumalayo may papalit. Merong mag fifill-up ng space. Tama ba?"

Hiyang-hiya na ako kaya napayuko nalang ako.

"So as I've said before, from the start I'm Joanne and you're Ryan. Walang nagbago dun hanggang ngayon, ako pa rin si Joanne and ikaw pa rin si Ryan the only difference is merong pumalit sa pwesto ko. Merong nag fill-up ng space."

Hindi ako makapagsalita. Natutulala ako.

"The universe has always been the same since the beginning and will remain in it's present state until eternity. New galaxies appear as a result of the drifting apart of other galaxies. That's the Steady State Theory. Yung mga sinabi ko kanina, it was just an example so don't take it seriously. That's all and thank you."

Nanguna sa pagpalakpak si ma'am na sinundan naman ng aming mga kaklase kaya sumabay na rin lang ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

Joanne is my ex girlfriend. Pero lumayo ako nang malaman kong kapatid ko pala siya sa ama. Nangyari yun 2 years ago and now I'm with Lexa for almost 5 months. Lumipat kami ng school that's why hindi nila alam na naging kami ng half sister ko.

Fuck that report!

avataravatar
Next chapter