2 02 || Angkinin Mo

@School

"Okay class get 1/4 sheet of paper and answer the pre test on page 5."

First day of school tapus may aansweran agad? Jusko naman po.

"Ma'am wamport?"

Sigaw ng bingi naming kaklase na si Alvin.

"Hindi, 1 whole yun."

Sagot ni ma'am. Napatawa kaming lahat.

"Pero ma'am Sabi mo wamport?"

Inis na tinitigan ni ma'am si Alvin. Lagot ka boi.

"Alam mo naman pala tapus magtatanong ka pa!"

Tumahimik naman kaming lahat dahil sa takot na baka pati kami madamay.

Kinuha ko nalang ang 1/4 at ballpen ko sa loob ng bag. At magsisimula na sanang magsulat ng may lumapit sa'kin.

Parang alam ko na kung sino 'to.

"Hi SP." nakangiti pa ang loko.

"Ano na naman kailangan mong lalaknit ka?"

Jusko. Simula Grade 7 kaklase ko 'to eh. Hanggang ngayon kaklase ko pa rin. Actually halos lahat kami magkakaklase pa rin.

"Penge ako wamport."

Tangina talaga!

"Hanggang ngayon ba naman? Jusko! First day of school wala kang papel?"

Tumawa lang 'to nang nakakaloko. Inis ko siyang binigyan ng 1/4. Nagtaka ako kasi di pa rin umaalis ang lalaknit na 'to.

"Oh? Ano pa kailangan mo?"

"Ballpen peram ako."

Aarrghhhhhhh! Tangina! Talaga.

"Oh yan!"

Akala ko wala na siyang kailangan pero di pa rin umaalis ang lintek.

"Ano pa ba kailangan mo?"

Ayokong sumigaw sa inis Kaya kinakalma ko sarili ko.

"Correction tape na rin pala." Ngumiti pa ang loko.

"Oh! Yan!"

Jusko! Sana naman wala na.

"Ahhh... SP ano pa pala..."

Waaahhhhhhhh! Puta! Ano pa? Pinanliitan ko lang siya ng mata.

"Ano?" Tinaasan ko na siya ng kilay.

"Pahingi ng time."

Time?

"Yan sa'yo na wrist watch ko!"

"H-Hindi naman yan eh!"

Napasimangot siya bigla. Ewan, pero nawala bigla inis ko.

Matagal ko na rin kasing crush 'tong lalaking 'to pero di naman ako pa easy to get. Aba! Ipaglaban natin ang ating dignidad!

"Eh ano?"

"T-Tagal ko ng nagpapapansin s-sayo t-tapus a-ang... Ang..."

Napapasabay ako sa pagsabi niya ng ANG. Lintek! Ano ba yan.

"ANO?"

Ay pucha! Napalakas ang pagsigaw ko. Buti lumabas si ma'am pero yung mga baliw naming kaklase nakatingin sa'min ngayon.

:AYIIIEEEHHHH!

:Ligawan mo na dali!

:Ang torpe Kasi eh!

:SHIP! SHIP! SHIP!

Ano barko lang teh? Sipain ko kayo eh. Pakilakasan pa po!

"Ang manhid mo. Parang di mo pansin na Ma.... Ma..."

Ma? Anong ma? Mata? Mapa? Mama?

"Na ano?"

"Na Mahal kita."

:Yooooowwn!

:Mabuhay ang bagong kasal!

Ang ganda niyo talaga maging kaklase! Pero andito na 'to eh. Umamin na siya. Aba! Apat na taon din akong nagpa hard to get. Opportunity na 'to let's get it on!

"Mahal din kita."

Mas lalong lumakas ang hiyawan. Tangina talaga! Tapus ang lalaknit na 'to natulala bigla na namumula.

Ang cute niya. Tae! Parang siya yung babae eh. Napaka torpe kasi.

"H-Ha?" Bingi pa ata.

"Mahal kita, I love you, Te amo."

Mas lalong namula ang lalaknit na ikinatuwa ko. Di pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko habang siya nama'y di makapagsalita.

"Ako naman ang hihingi. Pwede ba yun?"

Parang batang tumango-tango ito. Napangiti ako.

"Pwede ko bang hingin apelyido mo?"

Parang nagrarambulan sa loob ng klasrum dahil sa sobrang ingay ng mga sabog kong kaklase. Dun ko lang napansin na abot tenga na pala ngiti ng lalaking 'to. At himala, mukhang natauhan na at lumakas ang loob.

He just give me a smirk na nagpatindig ng balahibo ko.

Ang hot niya! Waahhhhhh! Self kalma!

"Di mo kailangang hingin ang apelyido ko."

Lumapit siya sa'kin. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Inilapit niya ng sobra ang mukha niya sa mukha ko.

Tangina self ikalma mo sistema mo!

"Angkinin mo baby. Angkinin mo apelyido ko pati na rin ako."

avataravatar
Next chapter