7 TOTGA

Year 2011, Month of November when I met this girl, I used to call her my Demoiselle, the girl with a faraway eyes. She's beautiful and so damn talented, nagkakilala kami dahil nagbabasa siya ng blogs ko sa I.ph. Ang dami naming pagkakatulad. We followed the same pornstars in twitter, nakakatawa nga kung paano kami nagsimula.

I wrote a poem for her as a New years gift and posted it on my blog. January 1 2012, we were unofficial item and I said to myself, hindi naman kami nagmamadali, okay lang if we will take things slow but January 12, 2012, official na naging kami.

Masaya naging relasyon namin. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. I was a playboy back then pero for her, nagbago ako kasi nga she's my miracle find, my morning sunshine, my moon and star. Legal kami both family namin, we were doing so okay, dama kong mahal na mahal niya ako, everytime na nag-aaway kami, umiiyak siya, nagsosorry, hindi namin tinutulugan ang away namin, sinisikap namin itong ayusin hanggat maaari.

Then came 2014. I was so down and depressed. I don't know kung saan nanggaling 'yung unidentified loneliness and misery ko deep inside, but nobody knows it but me.

Month of March, it was too late for me to notice that she's slowly slipping away from me and I was so fucked up to stop it. I was too busy with my own sadness na napabayaan ko ang relasyon namin. Then one day, everything had changed so drastically I couldn't do anything and I just watched our whole world fell apart right in front of me.

Hindi na kami okay. Nararamdaman ko. Hindi na siya 'yung babaeng nakilala ko noon, hindi na siya 'yung babaeng mahal ako until she just said that it was over and we should stop kasi it's not working anymore, I asked her kung may iba na ba sabi niya wala and I believed her. She blocked me, pakiramdam ko n'un gumuho buong mundo ko, pakiramdam ko n'un literal na namatay ang puso ko.

Binuksan ko 'yung dummy account naming dalawa na ginagamit namin para sa candy crush at farmville. I checked her FB at doon ko nalaman na may mahal na pala siyang iba at alam iyon ng lahat ng kaibigan niya, mga kabanda niya at buong pamilya niya. Pakiramdam ko ginago ako ng buong mundo, pakiramdam ko nagkampi kampi sila sa isang laro at ginawa nila akong taya.

But you know what? Nagmakaawa ako sa kanya na ayusin namin ang relasyon naming dalawa. Sabi niya, mag-usap kami pagbalik niya ng Manila.

Nagkaayos kami kahit alam ko na wala na talaga. Pinilit ko pa kasi kahit nararamdaman ko naman na hindi na siya masaya. Alam ko na awa na lang kung bakit siya nag stay, pero sabi ko okay lang, basta lang huwag kaming maghiwalay.

Paalis na siya n'un papuntang Dubai, the night before her flight, sinubukan kong buksan ang fb niya at siguro kinatigan na din ako ng tadhana, nabuksan ko at doon ko nalaman ang lahat lahat. Ang conversation nilang dalawa, na 'yung special bracelet na pinagawa ko sa pamangkin ko at binigay sa kanya, ibibigay niya pala sa iba, kaya pala Violet ang request niyang kulay kahit ang alam kong favorite color niya ay blue, doon ko nabasa na after one year ng kontrata nila sa Dubai, iba ang gusto niyang hanapin at makita pagbalik niya ng Pinas, na for the last time, hinihiling niya na sana magkita sila bago man lang siya umalis ng bansa.

Buong gabi akong umiyak. Ang liit liit ng tingin ko sa sarili ko, lahat lahat ng magaganda at masasaya naming alaala, bumabalik sa akin at ang sakit sakit kasi paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit? Anong nangyari? Hindi ba ako enough? Anong kulang sa akin? Anong mali kong nagawa?

Lahat ng insecurities ko nagsilitawan. Durog na durog ang puso at pride ko. Pero hindi ko sinabi sa kanya na alam ko na ang totoo, pinuntahan ko siya nung gabing 'yun, sabi ko magpapaalam lang ako kasi aalis na siya bukas. Doon lang ako sa baba ng Building ng Condo Unit nila, hindi niya ako pinaakyat. Hindi man lang nagtagal ang pagkikita namin n'un, she was so cold and distant, kahit nung niyakap ko siya for the last time, alam ko na na iyon na ang huli naming pagkikita.

August nung nagpunta sila ng mga kabanda niya sa Dubai. Kami pa din kahit na alam kong malabo na, kumapit pa din ako kahit alam kong wala naman na akong kinakapitan. Umasa ako na baka isang araw magising siya na ako pa din pala ang mahal niya, na sa huli, ako pa din pala ang pipiliin niya.

Naging okay kami for two Months, Bumalik kami sa dati, nabuhayan ako, sabi ko, baka ito na 'yung second chance na binigay sa amin ni Lord. Pero everything was too good to be true. Mid October nang magsimula na naman siyang manlamig, ang dami niyang excuses para hindi kami mag-usap, dumalang na ang tawag at chat hanggang isang araw, iniskandalo sila nung GF nung Butch na kabanda niya sa Facebook.

Niloloko na naman pala niya ako, this time, 'yung kabanda niyang butch ang kabit niya.

Nagkausap kaming dalawa. Iyak ako ng iyak, doon siya tuluyang nakipaghiwalay sa akin, I asked her kung mahal pa ba niya ako at sinagot niya ako ng; "Hindi na."

Sabi ko n'un, ganito pala magpakatanga sa pag-ibig, sabi ko n'un ganito pala talaga ang magmahal, ang sakit sakit. Para kang pinapatay unti unti. Parang kinuha sa iyo lahat lahat, kasi 'yung nag-iisang taong minahal mo at inakala mong hindi ka sasaktan ay basta na lang tumalikod sa lahat ng pinagsamahan n'yo para maging masaya sa piling ng iba.

Pero hindi ako nagalit sa kanya. Sa dalawang taon ng relasyon namin, naramdaman ko ang totoong pagmamahal niya, pag-aalaga, pag-unawa, pagtanggap sa lahat lahat ng kashitan ko sa buhay and I think, I still should be thankful kahit na hindi maganda ang naging ending naming dalawa.

Somethings don't have to stay to be beautiful, marami kaming magagandang memories, we were so happy then, I should be happy for her now kahit hindi na sa piling ko.

Naintindihan ko na for us to move on and to move forward, dapat i-let go natin lahat ng hatred, lahat ng grudges sa puso natin, mahirap maging masaya completely kung may galit pa din diyan sa dibdib mo. I still want her to be happy with the person na pinili niya dahil 'yung taong 'yun ang dahilan kung bakit kami nasira, mas masakit isipin at tanggapin na nasira kami para lang sa wala. Never kong hiniling na sana hindi sila magtagal at sana karmahin sila, isa pa din siya sa mga pinag pray ko noon kay Padre Pio.

Kahit na siguro nasaktan ako ng sobra sa kanya, kahit na niloko niya ako, she still deserve to be happy, Nobody deserve pain and misery. I'd been there at hindi maganda sa pakiramdam 'yung malunod ka sa kalungkutan kaya hinding hindi ko hihilingin na sana maranasan 'yun ng kahit na sino.

Lagi kong iniisip na nagmahal lang siya, nagmahal siya ng iba at iniwan niya ako para makuha niya 'yung kaligayahan na nararapat sa kanya, mas magiging unfair sa aming dalawa kung patuloy ko siyang ikulong sa isang relasyon na nagiging dahilan lang para magsinungaling siya sa akin at sa sarili niya dahil hindi na ako ang source of happiness niya.

I let her go, kasabay ng bitterness at galit sa puso ko. Dahil minsan at madalas, ang pagmamahal ay tungkol sa pagpapalaya.

But this I will say to you and to the whole world,

I WILL ALWAYS BE THE ONE WHO GOT AWAY.

.

.

.

.

.

(Ito ang dahilan kung bakit ayokong i-judge ang mga taong nag cheat, it is not right to judge them dahil ako sa sarili ko, hindi ko din sigurado kung ano ba ang mga kaya kong gawin para sa pag-ibig. Huwag nating hilingin na makarma sila dahil sa pagkakamaling nagawa nila, dahil lahat tayo deserve maging masaya at lahat tayo nagkakamali kaya kung karma din lang ang pag-uusapan, deserve din nating lahat ang makarma.)

avataravatar
Next chapter