1 Uno

As I stepped my feet on the first step of the bus, I sighed. The same bus, same area, same time. Bawat araw na umapak ako sa bus nato, bumibigat ang dibdib ko dahil sa pagpasok ko ay siya ang unang matatanaw sa likuran laging siya ang tinatamaan ng mata ko. Kaya ganon nalang kung bumalik ang aking mga alala sakanya.

"Miss ano ba? Papasok ka o hindi? Kung pwede ay umalis kana sana aalis na kami." Sabi ng konduktor na nakatayo sa harap ko at nakataas ang kilay sakin.

"Papasok napo. Pasensya na." Sabi ko at humanap ng upuan pero iisa nalang ang bakante. Doon mismo sa tabi niya.

"Come sit here. Tatayo nalang ako." Sabi niya at tumayo na at kumapit sa railings.

"Just sit beside me." I said habang inaayos ang gamit ko.

"Okay." He said and sat.

Kinuha ko ang phone ko at sinalpak ang earphones at finull volume yon shinuffle ko at sakto na sa paborito naming kanta iyon naplay. Hindi nako gumalaw imbes ay tinaasan ko pa ang volume non medyo malayo pa ang biyahe namin kaya naisipan kong ipikit ang mata ko pero hindi matutulog. Sakto naman na nasa chorus na ang kanta, bumigat ang dibdib ko.

"Tama na. Ayoko na. Congratulations, you've been used and discarded after serving your purpose. Hindi naman talaga kita minahal eh pinili lang kita kasi ayaw na niya sakin. And also, I don't see my future in you. Ngayon din sa araw na'to, puputulin natin ang lahat ng meron satin. Wag mo nakong habulin. Mas payapa ang buhay ko kung wala ka." He said right infront of my face. I slapped him that hard gayong nanghihina nako.

"Siguro nga. Hindi narin naman kita kita mahal eh. Pareho lang naman nating sinasaktan ang isat isa. Tama naden. Buti nalang naghiwalay na tayo. Ayoko ding magsisi sa point na kasal na tayo kasi linoloko lang natin ang isat isa. Yes, let's end it here. Pahinga na tayo. Pagod na tayo. I'll miss walking with you home, if only I knew this is the last, I'd walk slower." I said and ran as fast as I can.

"Wipe your tears andito na tayo." He said at umalis na sa tabi ko. Minulat ko naman ang mata ko at tinitigan ang likod niya at napaluha muli.

"Siguro nga mahal pa kita pero tama na. Wala na kong babalikan pa sayo. Walang wala kanading babalikan saken."

avataravatar
Next chapter