8 Otso

"The hardest thing in a relationship is to let go. May part na maghihiwalay na kayo. Oo maghihiwalay kayo pero paglipas ng ilang araw, magsisisi ka na sana hindi nalang kayo naghiwalay dahil mahal mo pa pala. It's in you that you've chose that path. That path to say goodbye to that person because you know that path is the easier way. To live to breathe to freely move and flap your wings. I'm saying this not to hurt you but for you to understand and to learn. Sabi nila, darating yung tamang tao sa hindi inaasahang pagkakataon. You don't know na baka yung kaibigan mong lalake, siya na. Malay mo isang estranghero yung tinadhana para sayo. Isang estranghero na magiging parte ng buhay mo. Konting hinga nalang, makakalaya kana sa sakit. Makakalaya kana sa lahat ng sakit dito sa mundo. Pag hindi mo na kaya, umiyak ka. Umiyak ka, ilabas mo yang sakit. Hindi yung pipili ka na naman sa dalawang paraan. Sa dalawang paraan na lalaban paba ako o susuko na ba ko? Palagi mong piliin mo yung lalaban. Kase walang patutunguhan lahat kung pipiliin mo na sumuko lahat. Sa lahat ng kababaihan na nakararanas ng sakit, ng pasuko na, kapit lang. Malalagpasan mo din yan. Malalagpasan mo din yang sakit. " I said infront of the camera. Mga luha na kanina pa nagbabadyang mahulog ay tuluyan ng nahulog. Ang sakit. Ang sakit pala ng ganito. Pero ang sarap. Ang sarap mailabas yung sakit. Nakakagaan ng loob.

"Malaya kana. Malayang malaya kana. Mahirap man, pero kakayanin." Sabi ko at umalis na.

avataravatar
Next chapter