webnovel

April Fools Prank Gone Wrong

April 1, meaning maraming magloloko o di kaya'y araw ng mga nanloko lels, pero dahil nga April Fools ic-chat ko na lang si crush. Naisipan kong iprank siya, ano bang magandang prank para sakanya? Sobrang common na ng aamin tapos sasabihin 'happy april fools' tapos ung sasabihin sa crush nila na buntis sila haler, may nangyare sainyo? Diba di nga kayo crinushback? ghad -,-

So i decided to prank him na manliligaw ako, pero ghad ako manliligaw? unica ija 'to sapakin ko siya. Pero promise prank lang, well di naman din ako kilala ng parents niya.

After i decided what i want to do this day, naligo na ko. Bumaba tapos kumain, habang kumakain nagtanong sila mom and dad, "Saan ang lakad, iha?" well nakapang-alis na kasi ko. "Kay El mom, dad" i said then stand up, tapos na din naman akong kumain. "Alis na po ako!" i kiss their cheeks before i go to the door.

I decided to chat El, before maglakad sa gilid ng mga bahay bahay.

El

Active Now

El, i'm going to your house, i'll meet mom and dad oh i mean tita and tito, tas sasabihin ko manliligaw ako ha?

sent

Ha?? What do you mean manliligaw? Ikaw ung babae satin, gusto mong masapak ako ni dad?

seen

whatever, sineen ko lang ung chat niya tapos naglakad na ko ulit papunta sakanila, kabilang kanto lang naman kaya nilakad ko na lang.

El

Active Now

Whatever, open the door na!

sent

Bakit ambilis mo naman!?!?! Argh Ito na wait lang.

seen

tsk, bilisan mo na.

seen

Aba't loko iseen ba ko? Psh.

Bumukas ang pintuan nila, i'm shock! Omg bakit hindi si El nag bukas? shit.

"H-hi t-tita! A-ara nga po pala, k-kaibigan po ni El" I remained my voice pero sht nanginginig padin help mom ghad. "Pasok iha, nasabi kasi ni El na nasa pintuan ka, kaya ako na ang nagbukas. Nga pala iha, manliligawa raw ang anak ko sayo ah?" ha!?!??!!?!?

"Mom!!! That should be a surprise!" El shouted inside their house. Omg!!! "Hoy El anong pinagsasasabi mo jan? Diba ako nga manliligaw sabi ko sayo?" sabi ko habang nasa pintuan na nila at pinapaupo na ni tita. "Well Ara, i told you already babae ka, ako dapat nanliligaw at hindi ikaw tshh." sabi niya at tumabi na saakin. "Nako El tigilan mo ko. Ako nga manliligaw eh!" sabi ko, habang nakatingin lang sakanya ng biglang, "Nako iha! Dapat talaga'y si El ang manligaw. Hindi naman bakla ang anak ko iha para ikaw ang manligaw, hayaan mo na't manligaw yang batang yan." tita naman eh. "Kumain ka na ba iha?" dugtong ni tita, "Opo tita. Kumain ako bago pumunta dito" sagot ko. "Sige iha, magaakyat na lang ako ng meryenda niyo, umakyat na kayo sa taas"

Hinila ako ni El paakyat sa kwarto niya sabay sarado ng pintuan. "S-sige po tita"

"Woi, makahila mawawala ako?" Tinignan niya lang ako ng masama, apaka tahimik naman ne'to. Nanahimik na lang din ako pagkarating namin sa kwarto niya.

"Ara" kalabit niya, tinignan ko lang siya, kala mo ikaw lang? -,-

"Ara" ulit niya, di na maipinta ang mukha, "Lah galit ka na niyan? joke, bakit?" sagot ko, lalo tuloy sumama mukha. Umirap lang siya, sabay sabing "Liligawan kita ha?" weh? aish. "Alam mo El prank lang talaga ung sinabi kong manliligaw ako kaya kung prank lang din itong panliligaw na sinasabi mo nako, di porket crush at kaibigan kita lolokohin mo na ako." sagot ko ng nakatingin sa side table na may mga libro. "Ito ba ung mukha ng nagloloko Ara? Pero seryoso? Yung manliligaw ka prank lang?" kuryoso niyang tanong. "Yang mukha mo seryoso, yung sinabi mo mukhang hindi seryoso. Tsaka oo prank lang yon, April Fools ngayon El jusko naman." sagot ko nakatingin na sa mga mata niyang mapangakit, sa labi niyang mapupula, sa pilik mata niyang mahaba, holy sht.

"Pake ko sa prank mo? Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." nakasimangot niyang saad tsaka ako hinila para umupo sa tabi niya sa kama. Tsaka siya yumakap, ganoon lang ang pwesto namin.

Biglang dumating si tita dala ang meryenda, "Kumain na kayo at baka may pupuntahan pa kayo" sabi ni tita at nilapag na ang mga pagkain. "Uuwi na din po ako tita, baka po kasi magalit na sila mommy tsaka daddy, kanina pa po ako andito sainyo" sagot ko na may galang, biglang sumabat si El, "Ihahatid ko na lang siya mom, mag gagabi na din po kasi" tumango na lang si tita tsaka ngumiti saakin.

Habang kumakain ako nakatingin lang si El sakin, siguro tatanungin ko ulit siya kung totoo ba yung sinabi niya kanina.

Pagkatapos kumain bumaba kami, "Tita, uuwi na po ako." sabi ko ng makita si tita sa sala. "Ingat iha, umuwi agad El ha?" Ngumiti kami ni El sa mama niya. Tsaka lumabas.

"El?" tawag pansin ko.

"Hmm?" sabay lingon saakin. "Yung kanina, yung sinabi mong manliligaw ka totoo ba yon? O prank lang din?" Nagaalinlangan kong tanong. "Totoo yon wag ka magalala." Ngumiti siya, at humalik sa noo ko.

Lumakad kami hanggang sa makarating sa bahay namin.

"El, uwi agad ah? Yon bilin ni tita" sabi ko. "Yes po, uuwi agad. Pumasok ka na." Ngumiti ako sakanya tsaka nagsabi ng, "Ingat, baka kung ano mangyare sayo"

"Opo pasok na." sagot niya, tsaka ako pumasok sa bahay.

----------

Kinabukasan, nanligaw nga si El saakin.

"Hi tita! si Ara po?" rinig kong tanong ni El habang nasa hagdanan ako.

"Bakit ka andito?" tanong ko, pagkababa ng hagdanan at pumunta sa gilid ni mommy.

"Iha, manliligaw daw sa iyo itong kaibigan mo, maupo kayo't tatawagin ko lang ang daddy at kapatid mo.

"Sige po tita!" si El ang sumagot atsaka ako hinila paupo sa sofa. Tahimik lamang kami habang nagaantay na dumating sila mommy't daddy.

"Tingin mo ano magiging reaksyon ni tito?" basag ni El ng katahimikan, di talaga tumatagal 'to ng limang minutong pag tikom ng bibig.

"Masasapak ka, napaka daldal mo pa naman akala mo babae eh" sagot ko at binuksan ang t.v

"Napaka-sungit mo 'no?" tinignan ko lang siya ng masama at naghanap ng mapapanood na cartoons, bakit ba? Kahit na magb-bente na ako nanonood pa rin ako non 'no, tanyo si El bente dos na isip bata pa rin, paano ko kaya sasagutin 'to sa panliligaw niya diba? Kakaloka.

"Iho, pasensya't natagalan antagal kasing bumangon ni Ley eh. Nga pala, sabi ng asawa ko, liligawan mo daw ang anak namin?" wow bungad daddy grabe. Tsk, palibhasa gusto mo yang si El sakin e. Umupo si daddy bago nakasagot si El.

"Opo tito, kahit po napaka sungit ng anak niyo matagal ko na po yang gusto." aba loko? Ipamuka ba saking masungit ako? "Gusto mo masapak?" sabat ko. Biglang sumama ang tingin ni daddy kaya natahimik ako, pasimple namang nandila si El, mamaya sakin 'to.

"Ganoon ba El? Sige ligawan mo ang anak ko, tutal gusto din naman kita para sakanya." ngumiti si daddy tsaka tumayo, ngumising aso naman si El saakin. Ara kalma masasapak mo yan mamaya. "Wait daddy! Papayagan mo 'to manligaw sakin? Eh tignan mo nga 'to mukang aso nakakairita muka pang bakla sa kadaldalan!!!" sigaw ko bago makalayo si daddy, sumama nanaman tingin niya sakin, ghad oo na mananahimik na.

Oo crush ko si El, pero kaibigan ko din siya jusko naman, paano kung mag break kami? Edi mawawalan din kami ng kaayusan sa pagkakaibigan namin? Jusko.

Bigla akong hinila ni El at bumalik ako sa realidad na nasa gilid ko siya.

"Saan tayo pupunta, bakla?" tanong ko, dahil mukang aakyat pa kami sa bahay ko papunta sa kwarto ko, at baket bahay mo ha?

"Sa kwarto mo, maligo ka. Alis tayo." sagot niya aba magaling. "Bakit napaalam mo na ko ha!?" sigaw ko sakanya ng nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ko. "Hindi pa, kaya nga maligo ka na ipapaalam na kita." ngumiti nanaman siya ng nakakaloko. Tss, pumasok na ako sa kwarto tsaka sinarado ang pinto. Mahirap na baka masapak ko pa yon. Maliligo na lang muna ako.

Nagbibihis na ako ng biglang kumatok si El, "Patapos ka na? Dalian mo pumayag na sila tita." nagsuot lang ako ng highwaist pants, croptop shirt, and rubber shoes. Hindi naman siguro siya magagalit dito diba?

"Oo, sandali nagmamadali ka ba?" naglagay lang ako ng pulbo at liptint, tapos nag sling bag lang ako laman lang non wallet, cp, pulbo, suklay at liptint.

"Oo, kaya dalian mo na-" bigla akong lumabas ng pinto, gulat ka? "Bagal mo"

"Anong mabagal don El? Nagulat ka pa nga paglabas ko tss."

"Paanong di magugulat bigla bigla ka nagbubukas ng pinto?" bat ka galet?

"Oo na, manahimik ka na. Saan ba tayo pupunta? Bawal bang kumain muna ng tanghalian? Gutom na ko El." pano ba naman kasi, di manlang ako pinakain ng mga magulang ko inuna pa si El na manliligaw jusko.

"Lagi ka naman gutom anong bago don, Ara? Papakainin naman kita, sa mall tayo pupunta wag ka magalala. Puro pagkain ang gagawin mo." lumiwanag naman mundo ko sa sinabi niya, puro nanaman pagkain gagawin ko.

"Libre mo ah? Ikaw nagayaw jan, imbis na nananahimik ako sa bahay eh." aba syempre dapat libre niya, siya nagsabing papakainin niya ko eh.

"Malamang Ara, tsk tara na." bumaba kami ng sabay sa hagdan. Nagpaalam kami kila mommy't daddy bago lumabas ng bahay. Dala niya ang motor niya, ayaw niya daw dalhin ang kotse dahil baka magasgasan mayayare siya kay tita't tito pagnagkataon.

Nanood kami ng sine, kumain sa mcdo, kumain sa foodcourt. Nagpalipas kami ng ilang oras sa food court, kain lang kami ng kain ewan ko kung magkano na nagastos niya, sinabihan ko rin siyang ako ang magbabayad ng snacks sa sine bago manood kanina pero sabi niya siya na daw. E di wag, di kita pipilitin ikaw mayayare kay tita tamo tse.

Umuwi kami ng ala-syete ng gabi.

"Ara, pasok na. Kumain ka muna ulit bago ka umakyat para magpahinga ha? Uwi na ko, pakisabi na lang din kila tita na umuwi na ako." pamamaalam ni El.

"Ingat bakla!!" kinaway niya ang kamay niya bago pinaandar ang motor.

Lumipas ang buwan na ganoon ang set up namin kung hindi kami gagala, nanonood kami sa kwarto ko, kung hindi ganoon pinapanood ko siyang makipaglaro ng basket ball kay Ley.

-----------

Isang araw, alam ko na sa sarili kong gustong gusto ko siya. Sasagutin ko na siya ngayong araw, "El" panimula't tawag pansin ko. "Yes po?" aba magalang ata 'to.

"A-ano kasi"

"Ano yon, Ara?"

"S-sinasagot n-na kita!" sht bakit ako nautal? Ahhhh bahala na nga.

"Shit! Totoo? Don't prank me." umiling ako bilang sagot.

"Shit,shit,shit!! After 4 months sinagot mo na din ako fck ang saya ko" yumakap siya saakin ng mahigpit, ang saya saya niya. Masaya din ako, dahil natagpuan ko siya.

----------

Normal naman ang relasyon namin may tampuhan, selosan, galit, iyak, saya, katulad lang ng mga magkakarelasyon ang amin.

Ilang araw bago ang 5th anniversary namin, nagkakalabuan na kami. Yes nagkakalabuan na talaga. Wala ng sweetness, puro na away, puro tampuhan, pag nagkakagalit kami kapag gabi tinutulugan na niya ko. Hindi niya yon nagagawa noon, pero ngayon nagagawa niya. Hindi na siya nagpupunta sa bahay, hindi na siya clingy tulad dati, hindi na din siya madaldal. Ewan siguro ganon talaga? Habang tumatagal nagkakalabuan na.

5th anniversary namin ngayon, pupunta ko sa bahay nila para ibigay ung letters na ginawa ko kagabi, pinagpuyatan ko pa. Habang papunta ako sa bahay nila, pabigat ng pabigat ung mga paa ko parang ayaw nilang magpunta kung nasaan si El, pero pinilit ko ibibigay ko lang 'to pagtapos uuwi na din ako.

Malapit na ako sa bahay nila El nilakad ko lang muli iyon, pagdating ko doon nadatnan ko siyang paalis na sisigaw sana ako sakanya para kausapin siya pero nagulat ako ng hinarang siya ng babae.

That girl? He's ex Iya, antagal na non. 10 years before, nagtagal sila ng 10 months lol, bakit andito yon? Di naman pwedeng hayaan ko lang kaya lumapit na ko.

"E-el" tawag ko sa boyfriend ko. "Baby? I'm about to go to your house, why you here?" tanong niya.

"M-may ibibigay lang ako. Happy 5th Anniversary" sabay abot ng regalo kong nasa paper bag, puro yon handwritten letters with our pictures together, ngumiti ako sakanya na siyang kinakunot ng noo niya. "Sino siya El?" Iya asked.

"Girlfriend ko." sagot ni El ng hindi pa din tinatanggal ang tingin sakin, palipat lipat ang tingin niya sakin at sa inaabot ko, nangangawit na ko! "Akala ko ba nangako tayo sa isa't isa? Hindi ba? Babalik ako after 10 years, El bakit may iba na?" Iya said, so nangako pala sila sa isa't isa, hindi man lang na-kwento ni El sakin yon, siguro mahal pa din ni El si Iya. "W-wag kang m-mag-alala Iya, aalis na din ako. And nakikipag-break na ko El, may letter dito sa paper bag about sa break up natin, you both can continue your love story. Kunin mo na 'to El."

"Pumasok sa bahay, umakyat ka sa kwarto ko Ara, maguusap tayo." may diin niyang sinabi. "P-pero uuwi na nga ako, maghiwalay na tayo." nangingilid ang luhang banggit ko. Ako nahihirapan bullsht.

"Alam mong ayoko ng hiwalay Ara." naiirita niyang saad. "El pabayaan mo na siya, andito na ko ulit oh? Please?" Iya said, pero hindi pa rin inaalis ni El ang tingin sakin.

Biglang gumitna si Iya sa pangitan namin ni El, muntik pa kong matumba kung hindi biglaang hinawakan ni El ang kamay ko at nilapit ako sakanya. "Sira ba ulo mo Iya? Itutumba mo pa talaga si Ara? Seryoso? Bakit kailangan mong gumitna ha? Wala na tayo sampung taon na nakakalipas. Yung pangako na sinasabi mo? Wala akong alam don, ikaw lang may alam non." sabi ni El habang si Iya ay umiiyak na. "Umalis ka na." dugtong pa ni El tsaka ako hinila papasok. Kinuha niya rin ang hawak kong paper bag.

Pagpasok dumiretso kami sa kwarto niya, wala sila tita? "Umalis sila mommy at daddy, sila ate tulog." nababasa ba ne'to utak ko?

Pinaupo niya ko sa kama tsaka siya nagsalita, "Sino nagsabi sayong gumawa ka ng letter para sa break up?" sht, galit nga siya. "W-wala" tinanggal ko ang tingin ko sa mata niyang nagaalab sa galit. "Wala? Oh sawa ka na sakin?" nagulat ako sa tanong niya "H-hindi yon ganon, masyado na tayo nagkakalabuan El hindi mo ba nakikita?"

"Alin ang hindi ko makita? Ah, oo. Nawalan ako oras sayo, lagi na kong galit sayo. Yun ba iyon baby?" mahinahon na niyang saad. "O-oo kaya akala ko nakalimutan mo na din pati 5th anniversary natin." umiwas akong muli ng tingin.

"Bakit ko kakalimutan yon baby? And why are you calling me 'El' by the way? That suppose to be baby, psh" ngumuso siya na parang bata.

"Hindi ko alam, b-baby"

"Bakit ka nauutal?"

"H-hindi ako nauutal 'no!" giit ko

"Nauutal ka baby." humalakhak siya, nakakatuwang makita ulit siyang ganyan. Tumgil siya sa pagtawa tsaka ako binalingan muli ng tingin, "Bakit?" tanong ko. "Gusto mo kumain?"

"Hindi naman ako gutom pero kung luto mo sige" ngumiti ako ng malapad sakanya. "Nood tayo movie please? May t.v naman dito sa room mo dito na lang tayo tas dito na lang din tayo kain" dagdag sabi ko pa. Ngumiti siya tsaka binuksan ang t.v "Anong gusto mo panoorin?" tanong niya, napaisip naman ako. Ano nga ba? "Hmm, ikaw na lang pumili pag akyat mo wala ko maisip panoorin eh" natawa siya sa sinabi ko, di naman nakakatuwa pektusan kita eh. "Okay, wait me here ha? I love you." humalik muna siya sa noo ko bago siya lumabas ng pinto para bumaba sa kusina, gawain niya yon hahalik sa noo kahit bababa lang mawawala ba ko? "I love you too" saad ko bago niya maisara ang pinto, narinig ko naman siyang tumawa kaya panigurado narinig niya.

We spent our 5th anniversary watching romance, thriller ang such. Umabot nga ako ng 11 p.m sakanila at mukang di ako pauuwiin nito aish. Tatawag na lang ako kila mommy, "Hello mommy?" sagot ko ng may sumagot na sa kabilang linya. "Hello anak, nakausap ko si El ang sabi bukas ka na lang daw niya iuuwi dahil gabing gabi na. Ayos lang ba saiyo yon?" mas mabilis pa si El kesa sakin. "Ah nasabi na po pala niya, tumawag lang po ako dahil doon akala ko kasi hindi na niya pa nasasabi kaya tumawag ako. Sainyo ba ni daddy, mhie okay lang?" nagaalala kong tanong, pero sabagay papayag silang dalawa dahil si El naman ang kasama ko. "Oo nasabi ko na din sa daddy mo, oh sige iha magtext ka na lang din sa daddy mo para hindi magalit ah? Matutulog na ako." hm, sanay na kong dito nila ko patulugin. "Goodnight mom, i love u!" i said "Love you too anak." binaba ko na ang tawag. Tsaka ako nag-text kay daddy, nagreply naman siya agad pumapayag dahil nga si El yon tss, nagpaalam din ako kay daddy agad sa text.

"Baby, tulog na tayo. Tabi ba tayo? O sa baba ako matutulog?" tanong niya't natatawa loko talaga. "Dito ka, kwarto mo 'to tas sa baba ka matutulog. Tabi pati tayo andilim dito pag pinatay ang ilaw"

"Ah sige sa baba ako ah?" natatawa nanaman niyang saad.

"Nananadya ka?" inis kong tanong

"Nagbibiro lang, galit ka agad. Sige na matulog ka na di ko papatayin ilaw. I love you." humalik siya sa noo ko pagkatapos. "I love you more" yumakap ako sakanya tsaka nakatulog.

Kinabukasan kumain ako sa kwarto ni El dahil siya ang unang nagising at sanay siyang paghandaan ako ng pagkain dahil madalas anong oras na ko nagigising, nang tanghalian bumaba kami para kumain atsaka nagkwentuhan kasama sila tita't tito. Hapon na ko umuwi, hinatid naman ako ni El kaya mabilis.

Lumipas ang araw, nagiging busy nga si El pero kalaunan naman ay bumabawi siya pagkatapos niya maging busy.

He's now ceo of his own company. And i'm a profesional chef who own a bakery, restaurant and such. Lumipas ang dalawang taon, nagpropose si El ng kasal saktong 7th Anniversary namin.

Lumuhod si El sa harap ko tsaka niya sinabing "Baby will you marry me?" nagulat ako pero "Yes!!" yan ang sagot ko. Pinlano namin ang kasal, naging maayos lahat. Naging simpleng kasal yon, kasal sa simbahan lang ang pinili ko dahil kung magb-beach pa ang kasal mapapalayo pa. Ayoko ng engrande pero dahil magaling ako pumili mukang naging engrande ang kasal.

"You may now kiss the bride" sabi ng pari, then El kissed me. Akalain mo yon? Yung dating kaibigan ko, asawa ko na ngayon.