1 Chapter 1

Nakapagtapos si Brielle, ng Senior High School sa kanilang maliit na bayan. Kaya naisipan niya ngayong mag kolehiyo sa unibersidad na malayo sa kanila. Masasabi na kabilang sa middle class ang pamilya niya. Although, separated ang mga magulang kahit paano ay may maayos na trabaho ang kanyang Ina na isang nurse sa pam-publikong ospital sa lugar nila. Idagdag pa ang buwanang sustento ng kanilang ama na manager naman sa isang mall.

Dalawa lang silang magkapatid. Siya ang panganay at sampung taon gulang naman ang bunsong kapatid na babae. Natatandaan niyang sumama sa ibang babae ang kanyang ama kaya iniwan nito ang kanyang ina. Wala na siyang sama ng loob dito. Maybe tama ang kasabihang time healed the wounds. Pero para sa kanilang ina ay masakit pa din. May pagkakataon kasing nakikita niyang umiiyak pa din ito. But that's life right? Laging unfair. Sabi nga sa kanta: "bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal, ay siyang madalas maiwan."

Kaya nga ba hate ni Brielle, ang mga love song!

"Mom! I'm going! Nasa labas na po si, Ivan!"

sigaw niya sa baba ng hagdanan. Bitbit ang isang malaking bag pack at maleta.

Ngayon na ang alis nila papunta sa dorm na tutuluyan nila sa university. It was a three hr. drive away from their home. At ang bestfriend niyang si Ivan ang kasama niya.

They have been bff since middle school days. Palaging parehas ng eskwelahan ang pinapasukan nila. Ivan, is her savior. Kapag bigla siya nagka-mens ito ang taga-bili ng napkin, kung sumama ang pakiramdam niya palaging may dalang gamot para sa kanya, katulong din sa pag-gawa ng mga projects. He is the bestfriend that anyone could ever asked for. Kahit masungit minsan napaka swerte pa din niya.

Maski ngayong nasa kolehiyo na, magkasama pa din sila. Magkaiba nga lang sila ng kurso. He will take up business administration dahil may family business ang parents nito. Meron silang ilang branch ng covinient store na papamahalaan daw ng lalaki balang araw kaya pinakuha ng kursong related sa business.

While she will take up occupational therapy course. Malapit sa puso niya ang mga batang may special needs. Tulad ng kapatid niyang si Gale, na mayroong gano'ng kondisyon.

Sumungaw sa nakabukas na pinto si, Ivan.

"Uy bakit ang tagal mo? Kanina pa ako sa labas,"

"Wait ang tagal ni Mommy, eh." Lingon niya sa kaibigan.

Kumunot ang noo niya ng makita ang ayos nito.

Naka white long sleeves, slacks na itim at black shoes, flat na flat din ang hair. Nasa middle school pa lang sila talagang 'di na nawalan ng gel ang buhok nito may braces pa din ito na ewan niya ba't hindi pa ipatanggal, eh. Ilang taon ng nakakabit iyon sa ngipin ng kaibigan na madalas tuloy maging tampulan ng tukso ng mga kaklase nila noon, in short nerd si Ivan.

Pinigilan niyang matawa at baka mamaya  hindi siya nito isabay.

"What?" He raised an eyebrow.

Mukhang nabasa nito, kung anong nasa isip niya.

"Wala lang pormadong pormado ka kasi tapos tingnan mo naman ako," natatawang sagot niya.

Simpleng skinny jeans na faded, fitted plain white shirt at rubbes shoes na puti lang ang suot niya, nakapony tail din ang kaniyang mahabang buhok.

Sumimangot ang lalaki pagkatapos siyang pasadahan ng tingin.

"Brielle, sa campus na ang diretso natin remember? Nasa loob ng university ang dorm natin we need to be presentable!"

Oo nga pala OA din si Ivan bukod sa pagiging nerd. Laging gustong naka-formal outfit kahit di naman kailangan kung minsan.

She rolled her eyes. "Wala namang dress code 'dun 'no? Kaya I will wear whatever I want at yung komportable ako."

Sasagot pa sana si Ivan. Ngunit nakababa na ang Ina galing sa silid nito.

"Guys, ready na kayo?" ngiti ng ina sa kanila at hinaplos ang buhok niya.

Her mom looks young at her age. Mag si-singkwenta anyos na ito ngunit wala ka pang makikitang wrinkles o puting buhok. Maraming nagsasabi magkamukha daw sila ng mommy niya. Feel na feel naman niya. Dahil ibig sabihin niyon ay maganda din siya.

Maliit na babae lang si Brielle. 5ft and 1 inch. to be exact. May mala porselanang kutis na namana niya sa kanyang Ina at mga matang natural na mapungay. Her lips is naturally pink kahit walang lip tint. Matangos ang ilong at Mahaba ang buhok na aabot hanggang beywang. Kahit maraming nagsasabing maganda siya. Tingin ni Brie sa sarili niya ay plain and boring. Hindi niya ugaling mag inggit o ma insecure sa ibang tao. Ngunit simula ng mawala ang kanyang ama. Hindi man niya maamin sa sarili naiinggit siya sa mga kaklaseng masaya ang pamilya.

"Yup! Ang tagal mo lang kaya." sagot niya sa ina na parang barkada lang kung minsan ang turingan nila.

Sabay sabay silang lumabas ng bahay.

May sariling sasakyan si Ivan pinaglumaan ng Daddy nito. Pero in good condition pa.

Ipinasok na ng lalaki ang mga gamit niya sa compartment at sumakay na sa driver seat

Habang siya ay nagpapaalam sa Ina.

"Tatawag ako agad, Mi. Pagdating ko doon," habang nakayakap sa ina.

"Ang anak ko dalaga na. Mag iingat ka doon, Brie. Huwag muna magboboyfriend. Distraction lang yan."

Natawa siya. "Ma, hindi na ako bata. Im 19 already dont worry about me. At kahit hindi mo na dapat ipalala, Mom. Wala pa isip ko iyan."

Ngumiti ang ina at hinaplos siya sa pisngi.

"Sige na umalis na kayo. Mag iingat ka sa pag d-drive Ivan,"at sinilip ang kaibigan na nasa driver seat.

"Yes Tita dont worry! Mag iingat din po kayo lagi," nakangiting sagot nito.

. . .🏫🏫. . .

Ilang oras din silang nagbyahe bago nakarating sa Unibersidad.

Welcome to College University of the South

Nabasa ni Brielle na naka-sulat sa itaas ng malaking arko.

Marami ng istudyante ang nakasalubong ng nasasakyan nila. Mukhang mga kakarating lang din ng iba.

Kaliwa't kanan ang naririnig niyang malalakas na party music ng makapasok na sila sa university at papunta sa dorm na uukupahin nila. Pakiramdam niya pumasok siya sa isang hollywood movie na college scene ang set up.

May mga nadaanan silang mga Fraternity at Sorrority house na nagsosoundtrip din ng malakas. At mukhang binabati ang mga bagong dating na estudyante.

Mga babaeng naka crop top at short shorts habang may bitbit na party cups! May nakita pa nga siyang mga naka topless na lalaking labas ang mga abs habang nag aayos ng gagamitin sa party ng isang fraternity. May Ibat ibang klase din ng sasakyan tulad ng Sports car, ford ranger etc. Halatang mga rich kids ang pumapasok sa naturang unibersidad.

Wellcome to college life! Woohooo! Sigaw ng isipan niya.

Nasa pinakadulo yata ng mundo este ng campus ang Dorm nila. Kumpara sa mga nauna nilang naadanan na mga Dorm na akala mo mga hotel ang isang to ang pinaka simple. Siguro dito tumutuloy ang mga katulad nilang pang middle class lang.

Malawak din naman ang lobby niyon. Wala nga lang elevator. Isang malaking paikot na hagdanan lamang. Puro babae lang ang nasa dorm na iyon. Habang ang dormitoryo ni Ivan ay di rin naman kalayuan sa building niya.

Kinuha na nito sa compartment ang mga gamit niya.

"Ihatid pa kita sa taas?" tanong nito.

"Hindi na keri ko na to" nakangiting sagot niya niya sa kaibigan.

"Okay! pano see you tomorrow! Huwag kang magpapalate magkita tayo hallway papuntang registrar."

"Sure!" anya sa kaibigan at niyakap pa ito.

"Para saan yun?" nakasimangot na tanong nito.

"Thank you hug lang! Ang arte nito! Babush!" natatawang sagot niya dito at lumakad na papasok sa dorm.

Sa ikalawang palapag ang silid na para kay Brielle. Dalawang kama ang naroon at ukupado na ang isa. May tig isa silang built in cabinet at study table na may lamp shade maluwang iyon kahit may kasama pa siya.

Nag aayos na siya ng gamit ng pumasok ang ka magiging ka share niya.

Tipid na ngumiti siya dito.

"Hi!! Thank god may kasama na ako!" exaggerated na sabi nito at pasalampak na umupo sa kama nito. "By the way I'm Abigail nasa sophomore year na taking up tourism!" nakangiting wika nito.

Tinitigan niya ang babae. Maganda ito hanggang balikat lamang ang haba ng buhok may bangs at braces. Typical na kikay ang itsura.

"I'm Brielle. Freshmen student, taking up occupational therapist."

"Wow! That's interesting!"

"Ang alin?" nagtatakang tanong niya

"Yung course mo, akala ko tulad ko tourism ka din"

Bahagya pa siyang natawa.

"Nope. Hindi ako maboka para kumuha ng ganung kurso. At isa pa sabi nila magaganda lang daw ang kumukuha ng ganoong course at matangkad. Disqualified ako"

"Of course not! You're pretty din kaya! Kaya nga akala ko same course tayo."

Natawa na si Brielle bago sumagot.

"Thanks for the compliment!"

"I think magiging super close tayo!"tili ng babae.

Nakangiting iiling iling na lamang si Brielle. Mukhang hindi magiging boring ang pag stay niya sa dorm na iyon lalo kung kasing daldal ni Abigail ang makakasama niya.

This is it! College life! #NoParentsAllowed! Excited na sigaw ng isip niya!

avataravatar
Next chapter