2 Where it all Begins

24 Hours Earlier...

Sa pagkatagal-tagal ng panahon ngayon lang ulit kami nakalabas ng boyfriend kong si Dexter. Lagi kasing busy ang mga schedule namin pareho...sa work at sa family kaya walang time para mag-date. Pero this time inimbitahan n'ya ako mag out of town. May research kasi s'ya na ginagawa para sa isa n'yang project kaya kami pumunta dito sa Palawan.

"Baby halika dito mag selfie tayo," excited kong sinabi habang hawak ko ang selfie stick at humahanap ng magandang angulo. Gusto ko kasi ma-capture ang waterfalls na nasa likod ko.

"Turn your camera more to the left-side, the success rate of the image is higher than ones that were taken from the right or center. 92% of the sample showed an overall posing bias with 41% favoring their left cheek, 31.5% preferring their right cheek and 19.5% repeatedly posting midline selfies," tugon n'ya sa akin bahagyang tumulo ang dugo sa ilong ko habang pinakikinggan ko iyon.

"Ah baby ganito ba? Gusto ko kasi makuhanan din 'yung waterfalls sa likod natin." Pilit kong sinunod ang turo n'ya sa totoo lang, ang naintindihan ko lang sa lahat ng sinabi n'ya ay 'yung salitang LEFT-SIDE.

"As per my calculation there are about 2000 gallons of water falling from the waterfalls every 60 seconds and it produces 50 small waves every 30 seconds so if you want to take the perfect selfie better do it before the waves reaches to..." Tinakpan ko ang kanyang bibig bago pa niya natapos magsalita.

"Enough Dexter! Gusto ko lang naman ng isang simpleng selfie. Bakit kailangan natin gawing komplikado ang lahat?" bigla s'yang natigilan at tumingin na lamang sa aking mga mata.

"I don't think this is going to work," nangingilid ang aking mga luha ng sinabi ko sa kanya.

"I will make it work, let's use Tripod instead," sabay tugon n'ya sa akin.

"I'm not taking about the selfie. This is about you and me, our relationship. I don't think it's going to work," sabay sabi ko sa kanya habang tuluyan ng pumatak ang aking mga luha.

"Is it because I'm too smart for your puny little mind?" Wow nang insulto pa ang gago!

"It's not you Dexter the problem is me," nagtitimpi kong sinabi habang mariing nakasara ang mga kamao ko sa gigil.

"Of course the problem is you! If you're worried because I'm too smart for you, then I will adjust myself to the level of your intelligence." Deym! Gano'n ba talaga ako katanga sa paningin n'ya?

"It's not that! I'm not that stupid you know!" sabay hirit ko sa kanya nag-english na rin ako para maka level kahit papaano.

"I highly doubt that!" pailing iling pa s'ya ng sinabi nya 'yun. Nampowtah! Gusto 'ata masaktan ng isang 'to!

"I can't be with you anymore." Ubusan ng english to ma-lowblood man ako dahil sa nosebleed bahala na.

"There are 10% chance of a stupid and smart couple ended up to be together. It's like 1 out of 10 if you based it on statistic, we can be that one" bahagyang nahilo ako sa explanation n'ya pero sige pa rin s'ya "There are 106,647,487 people in the Philippines and out of the..." pinigilan ko na s'yang magsalita at feeling ko magko-collapse na ako sa dami ng numbers na nadidinig ko.

"I can't be with you dahil ayaw ko pa mamatay!" mariin kong sambit sa kanya

"Tell me what is the real reason why do you want to break up with me?" seryosong tanong n'ya.

"Allergic ako sa MATH!"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinutok ko ang camera sa mukha ko at solo akong nagselfie sayang naman ang view kung hindi ako makapagpapicture.

Sabay nag-post ako sa social media na may caption na #waterfallsinpalawan #brokenheartedgirl

After ko mag selfie ay nag walk out ako. He is calling my name but I never looked back and the last thing I said to him was....

"It's Over!"

=======================

Present time...

Sariwa pa sa aking alala ang lahat ng nangyari.

"Bakit ba kasi ang bilis kong sumuko? Tinadtad lang ako ng Math at English ay umayaw na ako agad." Pigil ang luha ko habang nakatayo sa labas ng mall sa Cubao at namimigay ng flyers.

"Beshie, bakit kasi pinatulan mo si Dexter, madami pa namang iba d'yan?" tanong ng bestfriend ko, na si Paloma.

College pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Paloma, s'ya rin ang tumulong sa akin para makapasok sa pinagtatrabahuhan ko ngayong Agency as Promo Girl, simula ng mahinto ako sa pag aaral. Nawalan kasi ng work si Tatay, kaya napilitan ako mag stop sa college at nag-decide na magtrabaho na lang muna para mapag-aral ko ang kapatid ko na si Elly at para may pambayad na din sa mga gastusin sa bahay.

Si Paloma, maganda, kutis labanos palibhasa may lahing Kastila kaya meztisa, kung anong laki ng boobs nya ay s'yang liit naman ng utak nya. Sayang ang ganda n'ya kinulang lang sa talino pero kahit na ganoon ay super bait n'ya sa akin. Samantalang ako, hindi naman ako pangit, sakto lang maganda naman ako, dipende nga lang sa angulo, hindi rin ako maputi pero ang maipagmamalaki ko ay pantay naman ang kulay ng singit, tuhod, siko, batok at kuyukot ko. Hindi ako matangkad pero hindi rin pandak. Hindi payat or mataba. Proportion din ang pangangatawan. Isa lang din siguro ang pinagkaiba ko sa ibang mga babae, malakas ang kompiyansa aking sa sarili. Kung sa mayaman tawag nila ay CONFIDENCE sa aming mga dukha tawag dito KAPAL NG MUKHA.

Sadya lang siguro malakas ang dating ko lalo na sa mga weirdong lalaki na parang may kung anong magnet na mabilis silang ma-attract sa akin. Kaya siguro lahat ng relasyon ko ay hindi tumatagal lalo na pag lumabas na ang tunay nilang sapak. May kaniya-kaniyang saltik sa ulo ang mga lalaking nagdaan sa aking buhay.

"Hindi ko alam Beshie kung bakit sinagot ko si Dexter. Matalino kasi s'ya noong una kami nagkakilala, kaya masyado akong na impress sa kaniya."

"Beshie naman buti sana kung gwapo eh muntik ko ng mapagkamalang airport ang noo no'n sa lapad," nangingiting sambit ni Paloma, halatang pinagagaan nya ang loob ko.

"Matalino kasi s'ya kaya malapad noo n'ya. Ano ka ba? Isa pa, naisip ko kasi na if ever magkatuluyan kami, gusto ko sana magmana ang magiging anak namin sa katalinuhan n'ya, para 'di sila matulad sa akin na ganito, undergrad kasi walang pang tuition at hindi rin makakuha ng scholarship kasi hindi masyado matalino."

"Ay basta Beshie, sa susunod na mag boyfriend ka ay do'n na sa pogi para naman manghinayang ka makipagbreak kahit may sapak pa sa utak." In-fairness may point ang beshie ko. "Basta ako kay Dynamite lang ang puso ko," kinikilig na sabi ni Paloma.

Si Dynamite, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam tunay n'yang name. Palibhasa iyon ang tawag ng lahat ng mga babae sa kanya. Sya ang nagpasok kay Paloma sa Agency noong college pa kami. Dito rin kasi s'ya nagtatrabaho as Promo Boy, simula ng umalis s'ya sa Casino as bar tender. Mabait si Dynamite, gwapo at matipuno ang pangangatawan. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit Dynamite ang nickname n'ya. May kinakalaman ba ito sa kaniyang ano? Kuwan 'yung ano? Kung ano man iyon, si Paloma na bahalang tumuklas at hindi kami talo.

"Beshie, need ko ng pera para makaipon ng pambayad kay Don Paks. Ang laki kasi ng utang ko sa kaniya, baka kung ano gawin sa akin nun 'pag hindi ako makabayad. Wala ka na bang alam na pwede pagkakitaan aside dito? Liit kasi ng kita sa pag Promo Girl eh." Sa totoo lang hindi ako sure if si Don Paks nga ang responsible sa nangyari sa akin sa Hotel. Kaya hindi ko pwede talikuran ang pagkakautang ko sa kaniya.

About sa singsing, balak ko sana isangla iyon pero sa sobrang trapik that time ay hindi na ako umabot sa sanglaan. Isa pa nagdadalawang isip din akong isangla iyon. Ang singsing lang ang clue ko para malaman ang nangyari sa akin ng gabing iyon at para matuklasan sino ang totoong nagmamay-ari noon.

"Beshie, sorry pero sa ngayon wala pa akong alam na ibang pwede pasukan. Tatanungin ko si Dynamite 'pag nagkita kami. Malamang busy na naman iyon sa mga chicks n'ya," may halong pagseselos na sinabi ni Paloma.

Hapon na at paubos na ang flyers na pinamimigay namin sa mga nagdadaan na tao sa Cubao nang may lumapit sa amin na isang babaeng naka-corporate attire.

"Miss, matagal na ba kayong nagpo-Promo Girl?" tanong n'ya sa amin ni Paloma

"Ay opo mag iisang taon na din po," magalang kong tugon.

"May bagong product kasi kaming ila-launch at need namin ng mga modelo, interesado ba kayo mag apply?" nakangiting sabi ng babae.

"Ay opo naman kahit ano pa 'yang produkto n'yo ay interesado po kami!" masayang tugon ko, pag nga naman sinuswerte ka.

Inabot n'ya sa amin ang business card at sinabi na may screening at interview kami bukas ng umaga. Hindi naman ako nag-alinlangan pa at kinuha ko agad ang business card.

"Madrigal Group of Companies," ang nakalagay sa business card.

Nagpaalam na ako kay Paloma na uuwi ng maaga para paghandaan ang interview ko kinabukasan.

=======================

Kinabukasan...

Early birds, eat early breakfast. Maaga pa lang 'andoon na ako sa location kung saan ang interview.

"Paksyet! napaaga ata ako ng sobra bakit wala kahit isang aplikante ang nandito?" Nilibot ko ang buong floor ng building, pero wala masyadong tao except 'yung mga empleyado na postura kung manamit.

Sinuri ko ng mabuti ang address sa business card at tama naman ito kaya dumiretso na ako sa reception para sa interview ko.

"Good morning! How can I help you?" tanong ng receptionist, in-fairness maganda s'ya at may pagka sosyal.

"Good morning! I'm looking for Mr. Corpse!" malugod kong tugon sa kaniya pero kumunot ang noo ng babae sabay sabi.

"Mr. Corpus you mean?" Nanlaki ang mga mata ko at binasa ulit ang nakalagay sa business card. Ay, oo nga mali ang basa ko.

"Y-yes Mr. Corpus." Deym wrong move ako, baka ma-bad shot agad ako nito hindi pa nagsisimula interview.

"Right this way Ms...?" sabay tingin n'ya sa akin.

"Perpetua Balentina Cagatin po! PB na lang po for short," nakangiti kong tugon. Napangiwi naman s'ya.

Tinungo na namin ang mahabang hallway papunta sa opisina ni Mr. Corpus, at ng matunton namin iyon ay pinapasok na ako ng receptionist sa loob. Nandoon naghihintay ang taong mag-iinterview sa'kin, nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa akin. Mistulang pinapanood n'ya ang magandang tanawin mula sa malaking glass window at ng humarap s'ya sa akin ay...

Paksyet! bangkay nga, matanda na at payat si Mr. Corpus. Parang naagnas na din ang balat n'ya, siguro sa sobrang dry ng skin n'ya at mukhang ang isang paa nito ay nasa hukay na.

"Go-good morning Sir!" bati ko sa kaniya.

"Ms. Cagatin, do you have your resume with you?" wala s'yang inuubos na sandali mukhang nagmamadali s'ya na matapos ang interview, hindi kaya dahil papanaw na s'ya? Huwag naman sana.

"Ito po Sir." Agad kong inabot sa kaniya ang resume ko.

"Gaano ka na katagal na Promo Girl?" tanong n'ya sa akin.

"Mag iisang taon na po Sir," mabilis kong sagot

"Ano naman ang mga nai-promo mo na?" tanong n'ya ulit sakin, sabay ubo ng malakas sa gulat ko bigla akong napasagot.

"Kabaong po! Kung gusto nyo ako na din mag make up sa inyo." Yay! Bakit ko ba nasabi iyon? Napakunot noo ang matanda. "May promo po kasi kami dati, kabaong na buy one take one. May libreng make up na rin po noong time na 'yun. Kung bibili ka ng para sa'yo, may libreng isa pwede ka pa magsama ng ka-berks mo," pilit akong ngumiti sa kaniya at napangiwi naman siya.

"Ano pa ang mga nai-promo mo?" Seryoso n'ya ulit na tanong

"Arinola po!" mabilis kong sagot.

"Ano pa?" mabilis nyang tanong

"Kaserola po!"

"Ano pa?"

"Thumb tax po!"

"Ano pa?"

"Bakya po!"

"Ano pa?"

"Hanger po!"

"Ano pa?"

"Uling po!"

Tumagal ang Q & A namin ng 15 minutes, hanggang sa napagod na rin 'ata s'ya magtanong at medyo hinihingal pa n'yang sinabi na...

"OKAY you're Hired!"

"Talaga po? maraming salamat po!" excited kong sagot. "Ano nga po pala ang Product na imo-model ko?" curious kong tanong.

"CONDOM"

avataravatar
Next chapter