webnovel

Thick faced woman

"Teka lang!"

Paghihinto ni Victoria kay Teodorico.

"Isama mo ako."

Ito ang pinakamadaling paraan ayon kay Victoria. Sa pamamagitan nito ay makikilala niya nang husto si Teodorico at baka magkita pa sila ni Leah. Hehe it's like killing two birds with one stone.

"Kapag hindi mo ako dadalhin ay sisigaw ako ng rape. Sige ka."

Tinignan lamang siya ni Teodorico na parang nawawalan na ito ng bait. Tinignan rin siya pabalik ni Victoria ng maigi.

Nang mukhang walang plano si Teodorico ay nagsimula na siyang sumigaw.

"Ra-"

"Fine."

Inis na napasabi na lamang si Teodorico. Masisira ang kanyang imahe sa oras na sabihan siya ng babaeng iyon. Mahirap na at maraming mata ang nakatingin sa kanya.

Masayang ipinulupot ni Victoria ang kanyang kamay sa braso ni Teodorico. Mukhang walang hiya ang babaeng ito. Una ay inupuan niya ang ulo ni Teodorico, sinampal, tinawag na rapist at ngayon ay pumupulupot na parang linta sa kanya.

Habang ang nasa ulo naman ni Victoria, "Hindi ko dapat siyang bitiwan. Mahirap na at baka tumakbo."

Sa pagpasok nila sa kung saan kasalukuyang ginaganap ang pagtitipon ay kinabahan si Teodorico. Hindi niya gusto ang kinilos ni Victoria kanina at natatakot siya ngayon at baka ipakita niya dito.

Pero laking gulat niya sa pagbabago ng babae. Mahinhin itong kumilos na parang isang babae at madaling makasalamuha sa ibang tao.

Ito ba ang babae na madaldal kanina?

Halos hindi na niya ito ngayon makilala.

Napangiti na lamang siya, mukhang alam naman ng babae na ito ang pagiging professional. Nais niyang pumalakpak dito. Mukhang hindi na siya mapapahiya dito.

Bata pa kasi si Victoria ay tinuruan na siya ng tamang galaw at etiquette. Ang tamang pagtayo, paghawak ng mga kobyertos at iba pa. Kahit na ganito siya kadaldal at parang bata kakulit ay nag iiba siya kapag nasa pagtitipon at nasa ibang tao. Kaya kapag makulit siya ay madaldal sa iyo, ibig sabihin ay malapit ka sa kanya.

Matapos ang selebrasyon ay nakakapit parin si Victoria sa braso ni Teodorico. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong plano na bumitiw.

Halatang nainip na si Teodorico sa kanyang ginagawa kaya ibinawi niya ang kanyang braso. Pero ang kamay ni Victoria ay hindi maalis alis sa kanyang braso.

"Leah, bitaw. Kailangan ko nang umalis at pumunta ng bahay."

"Isama mo ako."

Meron pa bang mas walang hiya kesa kay Victoria? Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng iyon kay Teodorico ay gusto niya pa talagang sumama dito.

Ayon kay Victoria hindi siya walang hiya kundi makapal lang talaga ang kanyang mukha. Magkaiba raw ito , ayon sa kanya.

Eh ano pa ba kasi ang magagawa niya? Hindi niya alam ang lugar na ito at gusto niyang makita ang bahay ng lalaki. Hehe

Hindi siya pinansin ni Teodorico at patuloy lang sa paglalakad, halatang hindi na niya kaya ang ginagawa ng babae.

Sa pagdating niya sa bahay ay nakasunod parin ang ating bida sa kanya. Nang pumasok na si Teodorico sa kanyang bahay ay papasok na rin sana si Victoria ngunit agad na isinara ang pinto. Kaya dito ay napatigil si Victoria at nauntog ang kanyang ulo sa pintuan.

Walang hiya ka Teodorico, Hindi ka katulad ng nasa isipan ko. Sana sinabi mo man lang na isasara mo ang pintuan.

Napaupo si Victoria sa labas ng bahay. Wala siyang pupuntahan o matawag man lang na driver upang sunduin siya dito. Ang lamig ng gabi ay patuloy na lumalamig. Hindi mo makikitaan ng kahit na isang bituin ang langit at ang buwan ay hindi mo man lang mahagilap. Mukhang uulan ngayong gabi.

Hindi niya mapigilang maalala ang kanyang kuya at si Roj. Ano kaya ang kanilang ginagawa ngayon? Iniisip ba nila ako? Hinahanap?

Isang nakakasilaw na kidlat ang lumabas at sumunod ang napakalakas na kulog.

Bang!

"Ah!" Hindi mapigilan ni Victoria na sumigaw. Hindi siya takes sa kidlat at kulog, pero madali siyang mabigla. Kasulod nito ay ang malakas na agos ng ulan.

Bakit ba kasi umulan? Ngayon pa talaga na wala siyang masilungan? Kung minamalas ka nga naman.

Hindi na talaga niya maiwasang hindi magalit.

Pero hindi nagtagal ay isang katulong ang nagbukas ng pinto.

"Pumasok kana iha."

"Ah huwag na po. Baka magalit po ang boss niyo."

"Ah okay lang iha."

"Ah okay lang po ako dito"

Hindi nagtagal ay napabahing siya .

"Pumasok ka na kasi. Akala ko ba wala kang hiya?"

Kinuha ni Teodorico ang tuwalya sa katulong at itinapon kay Victoria.

Hindi niya man aminin ay nag alala siya dito. Iniwan niya si Victoria sa labas. Doon pa lang ay hindi na siya mapakali, malamig dito kapag gabi kaya baka sipunin ito. Sinabi niya na baka umuwi na ito nang isinara niya ang pintuan, na nagpagaan naman sa loob niya. Pero nang kumidlat at kumulob at napasigaw si Victoria ay agad nalaman niyang hindi ito umuwi.

Agad na bumuhos ang ulan kaya dali dali niyang inutusan ang katulong na pagbuksan ito ng pinto. Pero ang babae, mukhang sinapian na ng hiya at ayaw pa talagang pumasok. Sa pagbahing nito ay hindi na niya mapigilan ang sarili at ito na mismo ang pumilit.

Agad na pumunta ang matandang katulong sa kusina upang ipagtimpla si Victoria ng tsaa.

"Iha inumin mo ito."

Dahan dahan namang ininom ito ni Victoria.

"Aba, mabuti naman at nagustuhan mo ang staa."

Napangiti si Victoria sa katulong.

"Salamat po."

Napabaling ang tingin ni Victoria kay Teodorico. Nakatingin ito sa kanya.

"Saan ako matutulog?"

Napataas ang kilay ni Teodorico sa sinabi ni Victoria.

"Hindi ka dito matutulog. Hintayin mong tumigil ang ulan at umalis ka."

"Wala kasi akong matirhan."

Sinabi ito ni Victoria sa mahinang tinig kaya hindi maintindihan ni Teodorico.

"Ano ang sabi mo?"

"Hehe, wala kasi akong matirhan nayon eh."

"Eh ano naman ngayon?"

"Hindi ka ba naaawa sa isang babae na kagaya ko?"

Hindi.

Nais sabihin ni Teodorico. Pero sa kaunting panahon na nakilala niya ito ay alam niyang makapal ang mukha nito at gagawin talaga ang lahat para ma tupad ang gusto niya.

Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong hininga.

"May guest room doon sa itaas."

Agad na napatayo si Victoria at agad na pumunta sa kuwarto.

"Eh saan ang pamalit ko?"

Halos na pumutok na ang ulo ni Teodorico sa mga sinasabi ng babaeng ito. Itinapat naman ng matandang katulong ang balikad niya at sinabi ng ito na ang bahala.

"Teodorico."

"..."

"Teodorico "

"..."

"Teodorico!"

"Matulog ka na!"

Agad na pumasok si Teodorico sa kanyang kuwarto.

Napagod talaga siya sa araw na ito.

Next chapter