webnovel

Beautiful girl

Pagkagising ni Victoria ay napakapresko ng kanyang pakiramdam. Ang ganda kasi ng kanyang panaginip. Siya raw ay napunta sa panahon na kung saan lahat ng bagay ay makaluma at ang kanyang idulo ay siyang nabubuhay pa. Hay!Di bale at least kahit sa panaginip ay nakita ko Teodorico.

Bumangon siya sa kanyang higaan upang bumaba at masimulan na ang kanyang almusal. Sa kanyang pagdilat ay ibang kuwarto ang kanyang nakita.

Asan na ang malaki kong teddy bear dito? Ang walk-in closet ko? Ang collection of Barbie dolls ko?

Ang bumungad sa kanya ay ang makalumang desenyo ng kuwarto. Hindi ito ang kuwarto ko!

Halos ihagis niya ang lahat na makita niya.

Ay oo nga pala at hindi niya ito kuwarto. Naaalala na niya lahat. Totoong bumalik pala siya sa nakaraan.

Agad agad siyang bumaba upang mag-almusal at hanapin na rin si Teodorico. Mabilis siyang bumaba at nakita niyang bihis na bihis si Teodorico habang nag aalmusal.

"Mukhang bihis na bihis ka ngayon ha? Saan ka ba pupunta."

Uminom lamang ng kape si Teodorico at hindi na nag abalang sagutin siya. Nang matapos mag almusal si Teodorico ay tumayo na ito upang umalis.

"Sandali."

Agad agad na tinapos ni Victoria ang kanyang kinakain.

"Isama mo ako."

"Ayoko."

"Bakit? Sinabi ko bang may choice ka? That's a command not a favor."

Halos pumutok ang ugat sa ulo ni Teodorico.

"Ilang beses ko bang sa sabihin sa iyo, ayaw ko nga!"

Agad na umalis si Teodorico.

"Sandali sabi eh."

Hinabol ni Victoria si Teodorico.

"Ayokong maiwan dito sa bahay. Kaya sige na at isama mo na ako. Promise magpapakabait ako."

Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga si Teodorico. Hindi na niya maisip kung ilang beses na niyang ginawa ito.

"Sige. Pero magpapakabait ka ha?"

Para kay Teodorico, para lamang siya kumakausap sa isang bata.

"Okay! Ako pa."

***

Habang sumasakay sila ay hindi mapigilan ni Victoria na tumungin sa mga daanan. Ibang iba ito sa nakasanayan niya. Sa sobra ng palipat lipat niya ng posisyon ay hindi na nakapagpigil si Teodorico.

"Umupo ka ng maayos!"

Tatanda agad si Teodorico sa patuloy na kalikotan at katigasan ng ulo ng babaeng ito.

Sa sobrang katahimikan ay nainip na si Victoria. Hehe may nainip siyang ideya. Bakit hindi na lamang siyang kumanta. Tutal ay mukhang matatagalan pa ang biyaheng ito. Malaki ang kumpiyansa niyang alam niya ang lyrics ng kanta.

"Beautiful girl, whereever you are

I knew when I saw you, you had opened the door "

"Shut up!"

Ang sakit sa tainga ng boses ni Victoria. Kung may roon mang isang bagay na hindi maipagpupuri mo sa kanya, ito yung talento niya sa pagkanta. Pero talento nga buang matatwag ito?

Ayon kay Victoria ay walang taong hindi marunong kumanta. Hindi nalang sila nakapagpractice ng husto.

Sabi ng isang babae na bata pa lamang ay binigyan na ng voice lesson.

Walang nagawa si Victoria kundi ang umupo at tumahimik. May kumpiyansa siya sa lyrics pero hindi sa tinig.

Ang agad na nahagilap ng kanyang mga mata ng sila ay bumaba ay ang mga souvenirs. Agad niya itong nakita at pinuntahan.

"Heto, bilhan mo ako."

Ibinigay ni Victoria ang souvenir kay Teodorico.

Walang nagawa si Teodorico kundi ang bayaran ito. Dahil ito ang pinakamadaling paraan para makaalis.

"Hoy Teodorico, hintay!"

———

Kasalukuyang nakasakay ulit sila para umuwi na. Natapos rin sa wakas ay mukhang masayang masayang si Victoria sa kanyang napamiling iba't ibang bagay.

"Diba kailangan mong palaging maglakbay dahil sa mga meeting at mga business mo."

Dahil sa bagot na naman si Victoria ay nagsimula namang ulit siyang magsakita. Ang manok ay pumuputak na naman.

"Oo"

"Eh kung ganon bakit hindi ka na lang magpatayo ng resort? Sa ganong paraan ay may matutulugan ka and at the same time ay may pera ka pang makukuha."

Napaupo ng mabuti si Teodorico. Totoo nga no?

Hindi niya inaasahan na magmumula ito sa bibig mismo ng babae. Mukhang may pakinabang rin ang isang ito.

"We'll see.."

Hindi niya alam na mangyayari talaga ito sa hinaharap ng hindi niya inaasahan.

Next chapter