1 Chapter 1

Chapter 1: Her Dream

"Wahhhhhhhhhh!" Napabangon ako dahil sa nakaririnding tunog ng alarm clock. Inis kong pinatay ko ito. Kakagising ko lang, sira na agad ang araw ko.

"Bwisit kang alarm clock ka! Malapit na kasi eh! Konting push nalang tapos magkikiss na kami!" Sa inis ay kinuha ko ang alarm clock at ibinato iyon sa kung saan. Wala na akong pakialam kung masira iyon. Basta ang alam ko lang ay inis na inis ako ngayong umaga.

"Panira ka eh noh!" Inis kong sabi at dinuro-duro ang alarm clock. Lumapit ako kung saan naroroon ang alarm clock at dinampot ito.

"Kung kailan maglalapat na ay saka ka iistorbo! Ha!" Sigaw ko at muling ibinato ito sa aking kama.

Napalingon ako sa pinto dahil may narinig akong kumatok.

"Syden Zuri, ba't nagsisigaw-sigaw ka riyang bata ka?" Rinig kong tanong ni Manang Lauren.

"Wala po Manang Lauren. Wag ninyo na lang po iyong intindihin," Malakas na sabi ko at bumangon na sa aking kama. Pumunta ako sa cr at ginawa ang aking morning routine.

Naghilamos ako, nagtooth-brush, naligo at nagbihis. Matapos kong mag-ayos sa aking katawan ay bumaba na ako para kumain.

Nang matapos akong kumain ay nagpahatid na ako kay Manong driver sa school.

"O bakit nakabusangot ka diyan?" Bungad ng aking impokritang kaibigan na si Fleurity. Nakataas pa ang isang kilay nito.

"Wala!" Nagpapadyak-padyak pa ako habang naglalakad kami sa hallway.

"Bwisit kasing alarm clock na yun eh! Sinira yung napakagandang panaginip ko!" Nasapo niya ang kanyang noo at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. As if there was something to make her jaw drop.

"Yun lang?! Ano ba 'yang napanaginipan mo at nasira ang araw mo?" Humarap ako sa kaniya at malapad na ngumiti. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Nagpropose daw sa akin ang prince charming ko! Kyahhhh!" Ngumiwi naman si Fleur sa sinabi ko, na para namang may nakakadiri sa aking sinabi.

"Napanaginipan ko siya Fleur! Maglalapat na sana ang aming mga labi, pero ughh! Panirang alarm clock na 'yan!" Pagkukuwento ko. Nanatiling nakangiwi si Fleur habang ikinukwento ko ang aking napanaginipan kagabi.

"Pero alam mo ba Fleur?" Excited kong tanong sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi ko alam," aniya. Binatukan ko siya.

"Nakita ko yung uniform niya, uniform din ng school natin!" Masaya kong sabi. Mas lalong lumapad ang aking mga ngiti.

"Nagpropose siya sayong nakauniform?" Taas-kilay nitong tanong. Pinitik ko ang noo niya. Napahawak naman siya dito at tumingin sa akin gamit ang kaniyang nanlilisik na mga mata.

"Siyempre hindi! Basta alam kong schoolmate natin siya!" Masayang sambit ko.

"Magkakatotoo ba iyang panaginip na iyan?" Pumameywang siya. Yes I'm sure.

"Oo naman! Nitong nakaraan, palagi na lang nagkakatotoo ang mga panaginip ko kaya sure akong magkakatotoo!" Proud na proud na sambit ko.

"Tss. Tss. Tss." Umiling-iling pa ito. "Panaginip lang 'yan! Hindi magkakatotoo!" Sabi nito at nauna nang umalis.

"Tsk. Inggit ka lang," Mahinang sambit ko at sumunod na din sa kaniya.

Nandito kami sa room ni Fleur nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwal nito ang isang babaeng may suot suot na eyeglasses. Halatang nerd ito.

"Nandito po ba si Ms. Syden Zuri Errytrian?" Tanong nito. Tumaas ang kilay ko. Lumapit ako sa babaeng nakatayo sa hamba ng pinto.

"Pinapatawag ka ni Ma'am Ramos," aniya.

"Bakit daw?" Tanong ko, pero iling ang isinagot nito sa akin.

"Ngayon na?" Tumango ito at umalis. Tumingin ako kay Fleur at isinenyas na aalis ako. Tumango naman ito at nakipagchikahan sa mga lalaki.

'Kaya napangalanan itong Fluerity eh! Flirty!'

Iiling-iling akong naglakad hanggang sa makapunta ako faculty office. Lumapit ako kay Ma'am Ramos.

"Pinapatawag niyo raw po ako Ma'am Ramos?" Magalang kong tanong sa guro.

"Ah yes," aniya habang busy sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Lumingon ito sa akin.

"Did you saw those test papers on the table?" Tanong nito sa akin, tinutukoy ang mga test paper na nakapatong sa table sa classroom namin. Tumango ako.

"Kunin mo lahat ng iyong ngayon na," utos niya sa akin. Tiningnan ko ang ang aking wrist watch. Halos limang minuto na lang bago magsimula ang klase.

"As in ngayon na Ma'am?" Tanong ko.

"Yes," aniya. My jaw dropped. Hindi ako sumagot at nagmaktol na lang sa aking isipan.

"Why? You don't want?" Sabi nito. Umiling ako at ngumiti ng hilaw.

"Pupunta na po ako Ma'am." Pilit ang ngiting ipinakita ko. Lumabas ako ng faculty office at halos madapa na ako dahil sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa room. Nakita ko naman ang sandamakmak na test paper sa table. Napanganga ako. Pero kinuha ko kaagad ito at binuhat. Dali-dali akong lumabas sa room at naglakad na papuntang faculty office. Kahit na nabibigatan ay hindi ko iyon binitawan.

'Ilang klase ba ang may-ari ng mga test papers na ito at ganito karami?'

Hindi ko na lang namalayan ay nakita ko na ang pintuan ng faculty office. Ginhawa ang aking naramdaman at parang sa karera na naabot ang finish line. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nanaig ang kamalasan ko ngayon at may nahulog na mga test paper. Inilapag ko na muna ang mga test paper at kinuha ang mga nahulog at ipinatong sa dati nitong pwesto.

'Bakit ba kasi ang malas ko ngayon?'

Nagulat na lang ako nang makita ang isang lalaking binuksan ang pinto. Pumasok siya sa loob, at iniwan ang pintong nakabukas.

Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto. Nadatnan ko ang faculty office na walang katao tao. Inilapag ko sa lamesa ni Ma'am Ramos ang mga test papers pero hindi ko namalayang nasagi ko pala ang paboritong flower vase ni Ma'am Ramos. Nagulat na lang ako nang pagkalapag ko ng mga test papers ay nabasag ang vase. Napatingin ako dito at biglang tumigil ang lahat. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ma'am Ramos. Napalunok ako at pinagpawisan. Napatingin si Ma'am Ramos sa flower vase niyang nabasag at nakakalat sa sahig. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin at saka tumingin sa bandang likod ko. Liningon ko ang tiningnan niya at nagulat ako nang makita ang lalaking nagbukas kanina ng pinto. Doon ako nagsimulang kabahan dahil maaaring nakita niya ang nangyari.

'Shit! Patay ako nito!'

"What's the meaning of this?" itinuro niya ang nagkalat na mga bubog. Nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi.

Itutuloy...

avataravatar
Next chapter